"What's up, dude? Bakit wala ka sa tryout kahapon? Inantay pa naman kita."
"Wag mo na nga ipaalala yang tryout na yan, naiinis lang ako."
"Bakit naman dude? Don't worry sabi nung coach may tryout pa ulit this weekend. Makakapagtryout ka pa."
"Di na ko magtatryout."
"Ha? Bakit naman? Naghahanap pa sila ng shooting guard at center. Pwedeng pwede ka kahit san dun."
"Ayaw ni mommy. Tapos. Bilisan mo na kumain dyan baka ma-late pa tayo sa next subject natin."
----------
J
"Okay, we're done na baby girl. Dahan dahan lang. Mommy, next week balik kayo dito ah. Wag muna masyadong gagalawin yung braso niya mommy ah kakatanggal lang po ng cast."
"Thank you po doc. See you po next week."
"Sige po mommy, baby girl. Ingat."
"Bye doctor..."
"Bye baby girl. Take care."
That's my last patient for today, wala akong klase ngayon sa Manila, pero half day na lang ako lagi dito sa ospital. More on check up na lang ako, depende na lang kung may mga request procedure talaga.
"Jemaaaaa!" kaloka, nakakagulat tong si Jia bigla na lang pumasok.
"Nakakagulat ka naman, Jia."
"Bes, labas tayooooo!"
"Hoy, bakit wala ka sa emergency ha?"
"Bes naman, labas tayo.. Lunch tayo saglit."
"Ay naku, bes. Need ko na umuwi at baka magtampo na sakin ang bunso ko, kanina pa daw nangungulit sabi ni nanay."
"Oh si baby Dani. Sige na nga, punta na lang ako sa inyo this weekend, Jema ha? Dalhin ko si Jeremy para may makalaro si Dani."
"Uy, sige, Jia. Sama mo na din si Miguel, sasabihin ko kay Deanna. Pakilala ko kayo sa friend namin na pupunta this weekend samin."
"Okay, bes. Oh siya sige na, uwi na. Baka hinahanap ka na ni Dani."
----------
D
"Who's that?"
"Ha? Anong who's that dada?"
"Kanina pa ko nakatayo dito, Jerri, inaantay ka. Sino yun? Yung naghatid sayo dito sa parking."
"Kaklase ko yun dada."
"Kaklase? Bakit ka hinatid dito? Wala namang naghahatid sayo dati dito ah? Madalas kasama mo lang yung mga kaklase mong babae. Who's the guy ha?"
"Kaklase ko nga po dada."
"Ano ngang name, Jerri?"
"Arvin po, dada."
"Okay, tell that Arvin bawal ka kamo akbayan ng ibang lalaki. Kuya mo lang kamo pwedeng umakbay na lalaki sayo. Okay? Malinaw ba, Jerri?"
"Yes, dada."
"Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo. Sige na, get in the car, uwi na tayo."
"Daan tayo sa mall dada please."
"Why?"
"It's my classmate's birthday po this weekend dada, sama ako dada ah? Bibili ako ng gift for her at ng susuot ko sa birthday niya."
"This weekend pa naman yan, magpasama ka na lang sa mommy mo bukas, kausapin mo na lang siya mamaya pag uwi. Lika na, susunduin pa natin kuya mo."
----------
J
"Mommyyy!" patakbong salubong sakin ni Dani. Agad ko siyang kinarga.
"Mommy, you're here!"
"Yes, baby. You want us to play?"
"Mommy, I want a pet please. I want a cat, mommy." here we go again.
"Baby, di ba we've talked about it na? Bawal kay kuya Jei jei mo ang pet, allergic siya."
"But, mommyyy..." at eto na nga umiyak na si Dani.
"Baby, stop crying na please..." lalo lang umiyak si Dani.
Nasaan na kaya sila Deanna? Siya lang nakakapagpatigil agad dito eh.
"You wanna see a cat, baby?" just like that huminto siya sa pag iyak.
"Y-yes, mommy..." hay, kung pwede lang talaga bakit ko naman di pagbibigyan ang bunso ko. Eto na nga lang ang laging sumasalubong sakin pag umuuwi ako.
"Okay, punta tayo sa pet shop gusto mo?"
"Yey! Yey, mommmyyy! Cat! Cat!"
"Okay, bihis muna tayo tapos punta na tayo ng pet shop."
"I love you, mommmyyyy!"
----------
D
"Kayong dalawa wag kayong makulit, nagdadrive ako." ano ba naman tong dalawang to, minsan na lang magsabay pauwi nag aaway pa.
"Dada, si kuya kasi! Ang kulit inaagaw yung phone ko."
"Tignan mo, dada ohhh may kachat siya. Arvin name, may nalalaman pang I miss you hahaha."
"Kuya naman!" inagaw agaw na ni Jerri yung phone niya kay Jei jei dito sa harap ng kotse.
"Jei jei! Jerri! Enough! Sumasakit na ang ulo ko ah. Ang traffic traffic pa! Pag di kayo tumigil, maglalakad talaga kayong dalawa pauwi."
Thank you! Haaay, nanahimik din. Kailangan pang takutin bago tumigil eh. Hanggang makalabas kami ng expressway tahimik lang silang dalawa.
"Dada drive thru tayo.." Jerri said.
"Wag na, nagluto ng dinner mommy niyo. Sabay sabay tayong mag didinner."
"For midnight snack lang dada."
"Madaming pagkain sa bahay, isa pa unhealthy yang fastfood palagi, magagalit na naman mommy niyo pag nakitang may uwi na naman kayong ganon."
Ayaw na ayaw pa naman ni Jema yung fastfood sa bahay. Nililimitahan niya yung mga ganong pagkain, bibihira kami kumain ng ganon kahit pag nag mamall kami kasama ang mga bata.
----------
🙋
Dami nilang ganap this weekend. Haha.
BINABASA MO ANG
If It's Love
FanfictionIf it's love And we decide that it's forever No one else could do it better... So, what now? Now that they finally have the family they dreamt of.