Chapter 15

12 2 4
                                    

Oreo, Last year in high school

Unang araw ng huling taon ni Oreo sa highschool. Pagkatapos nito ay magkokolehiyo na sila at gagawin niya ang lahat upang makatayo sa sariling mga paa. Kailangan niyang patunayan sa bagong mga magulang na mapagkakatiwalaan siya at mag – aaral siya ng mabuti. Kailangan niyang ipakita kay Kristoff at sa pamilya nito na kaya niyang mabuhay mag – isa, at hindi kailangan isakripisyo ang buhay ng binata dahil sa hiling ng mommy niya sa mga ito.

"Hi Oreo," bati nang lalaking bagong dating. Inilagay nito ang bag at naupo sa katabing armchair. Ito ang magiging bago niyang katabi sa buong 4th year highschool niya, si Enri Morales.

Matangkad ito at masasabi niyang may hitsura ito. Noong nakaraang school year ay narinig niya na nagkaroon daw ito ng iba't – ibang girlfriend. Ngumiti lang siya ng tipid kay Enri.

Actually, she was really happy that she didn't have to be Kristoff's seatmate. She felt suffocated whenever he's around, it felt like her world was becoming smaller and smaller whenever she was near him. Kaya nakaramdam siya ng ginhawa nang malamang ibang tao ang magiging katabi niya at nasa malayo ang kinauupuan ni Kristoff na ang katabi ay si Arkhee. Si Ash naman ay nakaupo sa harapan niya at ang katabi nito ay si Dan.

"I'm sorry to hear about your mom," Enri spoke again. "I heard you're living with Kristoff now. So you're like brother and sister na?"

Natigilan siya sa itinanong nito. Mukhang mabilis kumalat ang balita nang tungkol sa kaniya at sa pagtira niya sa bahay ng pamilya Alvarez.

"Yeah. It was sudden. Thanks." Sa halip na sagutin ang tanong nito ay mas pinili niyang huwag na lamang mag komento. Masakit pa rin para sa kaniya pag – usapan ang pagpanaw ng kaniyang ina.

"Let's be friends, Oreo." Iniabot ni Enri ang kamay nito sa kaniya. "Let's have a good year, together."

Sa tingin niya ay hindi rin naman masama na magkaroon siya ng mga bagong kaibigan maliban kina Kristoff. Kaya tinanggap niya ang kamay nito at nakipagkamay sa bago niyang 'kaibigan'.

Smiling with sad eyes, she pulled her hand first. Maybe Enri noticed it that he got something out from his backpack and gave her a bar of chocolate. She just stared at it, not knowing what she have to do and wondering why was Enri offering that sweet thing to her.

Kinuha ni Enri ang kamay niya at ipinahawak nito sa kaniya ang tsokolate. "Sa 'yo na 'yan. My first day gift."

"S – Sure ka?" Nagtatakang tanong niya. "Bakit mo ako binibigyan ng chocolate?"

"Hmmm. Kasi gusto kita. I want to see you smile again and be happy." Nagkibit – balikat ito na para bang napakadali lamang intindihin ng sinabi nito sa kaniya. Napaisip tuloy siya kung ang ibig sabihin nito sa sinabing 'gusto'siya nito ay katulad ng pagkagusto niya sa mga libro o katulad rin ba ito sa 'gusto' na sinasabi sa kaniya ni Kristoff.

Nandito na naman siya sa ganitong sitwasyon na hindi niya alam paano sagutin. At hindi niya rin alam ano ang karapat dapat na maramdaman kapag sinabi sa 'yo ng kaklase mong gusto ka nito. Nagpalipat – lipat tuloy ang kaniyang tingin kay Enri at sa hawak niyang chocolate.

"Hey Enri, hindi ba't may girlfriend ka?" Ash spoke which interrupted her thoughts. Nilingon sila ng kaibigan at nakakunot ang noo nito. "Oreo's off – limits."

Tumawa ng pagak si Enri at imbes na patulan si Ash ay itinuon ang atensyon sa kaniya. "Oreo, may boyfriend ka ba?"

"Huh? Wa – Wala." Buong pagtataka ang tumatakbo sa isip ni Oreo. Hindi siya makasunod sa agos ng pag – uusap ng dalawa na para ba itong nagsasalita sa ibang lengguwahe at hirap na hirap siyang maintindihan ang mga ito.

"Ako rin, wala akong girlfriend. That's why I'm really happy I'm finally near you." Ngumiti ang gwapo nitong mukha sa kaniya. Hindi naman niya maipagkakailang talagang gwapo itong si Enri. Noong nakaraang taon, kapag meron silang election ng class officers o subject officers ay palagi itong naboboto na 'Prince Charming'.

"Ahhh..." Iyon lamang ang nakayanan ng utak niyang isagot sa sinambit nito.

"Gusto mo sabay tayo mag lunch mamaya, Eo?"

"Not allowed!" Malakas at may kadramahan pang sabi ni Ash na nagpapitlag sa kaniya. "Oreo will have lunch with us! Right, Oreo?"

Napaisip siya sa tanong nito. Kung sasabay siya kay Ash manananghalian, siguradong kasama niya pa rin si Kristoff. Liliit na naman ang pagtingin niya sa kaniyang mundo. Kasama na niya ito sa bahay at gusto rin naman niyang magkaroon ng kaunting kalayaan kahit dito sa paaralan.

Magmula noong sinabi sa kaniya ni Kristoff ang pangako nito sa ina at ipinaliwanang ng mama niya ang tungkol sa mangyayari sa kaniyang kinabukasan ay nakakaramdam siya ng galit. Subalit hindi niya alam kung kanino at kung bakit.

Napatingin siya sa kinaroroonan ng binata at nakita niyang nakatingin din ito sa kaniya, nangungusap ang mga mata na para bang may gusto itong sabihin sa kaniya. Narinig ba nito ang pinag – uusapan nila? Ibinalik niya ang tuon kay Enri.

"Sige, Sabay tayo mamaya Enri. Bukas na lang ako sasabay sa inyo Ash."

"Yes!" Nakangising sambit ng katabi.

"Pero Oreo...dapat sa amin ka sasabay! I'm going to be sad without you!" Ash was looking overly dramatic.

"I'll have lunch with you tomorrow, I promise Ash. 'Wag ka ngang OA."

May sasabihin pa sana si Ash ngunit pumasok na ang kanilang adviser at tumayo na ito sa harap. Lahat sila ay naupo na nang maayos at nahinto na sa pag – uusap. Magsisimula na ang unang araw ng kanilang senior year. Excited na si Oreo sa mga bagong aralin na matututunan niya.

Ngunit alam niyang hindi na mawawala sa puso niya ang matinding kalungkutan na hindi na ang mommy niya ang kukuha ng report card niya o aakyat ng stage kapag recognition day nila. Subalit kahit ganoon man ay nangako siya sa kaniyang ina na magpapatuloy ng pag – aaral at mas lalo pang gagalingan. Gagawin pa rin niya ang lahat upang maging top student siya kapag nagtapos siya ng highschool.

She wanted her mother to be proud of her and she's going to become a good doctor, as promised. 


*****

Sorry if I got delayed in updating as the year started guys. Super naging busy lang talaga. Hehe.


Thanks for being patient.

Salamat sa votes and comments!


Love & Light,


BC

Unrivaled [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon