Chapter 24

10 2 7
                                    

"Downward facing dog. Inhale, right leg up, exhale, right foot outside your right hand, lizard. Make sure your right knee is aligned with your right heel. Five breaths here," giya ng Yoga teacher nila sa kanila. Nasa isang malaking patio sila na nakaharap sa beach. Papasikat pa lang ang araw at nasa kalagitnaan na sila ng flow ng klase.

Marami – rami rin ang sumali sa sunrise yoga. Karamihan ay mga foreigners na maaaring nagbabakasyon din dito. Masasabi niyang perfect ang location. Nakakarelax ang buong paligid dahil sa view ng mga alon na humahampas sa dalampasigan at ang ihip ng hanging dagat na sumasayad sa kaniyang pawisang katawan. Ang mismong patio kung saan sila naroroon ay mukhang dinisenyuhan para sa mga ganitong activity.

Napatingin siya sa gawi ni Kristoff na pinagpapawisan na ng malalaking butil. Sa hitsura nito ay mukhang hindi talaga ito sanay na mag yoga. Pinilit niya ang sariling mag concentrate at hindi matawa sa nagiging reaksyon nito kapag nagbibigay ng instructions ang teacher nang may kaunting kahirapang yoga poses.

Sobra – sobrang awareness ang ipinapamalas ni Oreo sa sariling utak upang hindi siya madistract sa hitsura ni Kristoff na masama na ang tingin sa titser nila at mukhang gusto na nitong manapak ng tao. Sa kabilang gilid naman niya ay maganda ang ipinapakitang konsentrasyon ni Enri na halatang hindi nito unang pagkakataon na makapag yoga.

Matapos ang yoga session ay parang lantang gulay ang hitsura ni Kristoff. Nanatili muna itong nakaupo sa yoga mat. Mabuti nalang may malapit na bar counter sa patio at bumili na lamang siya ng bottled water para sa kanilang tatlo. Naupo na rin siya at si Enri sa tabi nito habang pinapanood ang mga alon sa dagat. Malamig ang simoy ng hangin ngunit malamyos ang sinag na tumatama sa kaniyang balat na mula sa papasikat na araw. Napakaganda ng tanawin. Ito ang tunay na bakasyon.

Masarap ang kaniyang pakiramdam. Hindi lang dahil nakapag exercise siya ngunit dahil kasama niya ang dalawang taong naging malapit din sa buhay niya noon.

"Nostalgic," wala sa sariling sambit niya.

"Indeed, it is. How long has it been since we were together, like this?" si Enri ang nagtanong.

"15 years, I think..." halos maubos niya ang laman na tubig ng kaniyang ininom.

"Although I've never thought I'll meet you again, Eo." Napangiti si Enri sa kaniya. "I thought you're never going back to the Philippines."

"She had to. Because she's gonna marry me." Mabilis na sagot ni Kristoff na nagpatawa sa kanilang dalawa ni Enri.

"Don't be a jerk. You haven't even proposed." Pagbibiro na lamang niya dahil ayaw niyang patulan ang pagiging seryoso nito. Minsan talaga hindi niya magets ang iniisip nito.

"I didn't know you wanted a ring."

"Man, that's BS! How can you expect her to marry you if you haven't put a ring on her finger?" komento naman ni Enri.

"Sapakin mo nga 'to En. Mukhang kailangan, eh." She pressed her lips so as to not burst into laughter. Now that they were older, Oreo had become more aware of the feelings of others. She also had a better perspective of people and even though she's still not an expert on emotions, she could now tell jokes and understand some of it.

"Fine. I'm gonna buy a ring and propose," Kristoff was serious when he looked at her.

"Kris, man, I know you're gifted but you definitely lack a lot in romance. You are zero percent romantic." Tinapik pa ni Enri ang balikat nito.

Pumatol naman siya sa biro ni Enri. "I know, right En? Mukhang hindi siya pinagpala ng kahit katiting man lang ng pagiging romantic sa katawan."

Unrivaled [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon