Chapter 29

10 2 0
                                    

Ito na ang huling araw na makakapamasyal silang dalawa ni Kristoff sa Bali. Bukas ay balik Pilipinas na sila. At ang huli nilang destinasyon ay ang sikat na Pura Lempuyang Temple. Viral ito sa social media dahil sa ganda ng view nito.

Ang templong ito ay nakatayo sa tuktok ng Mount Lempuyang at isa sa mga pinipilahan ng mga turista. Ito ang tinatawag ng karamihan na 'Gateway to Heaven'. But it became more famous because there were two towering white stone gates that bordered the Mount Agung as its background. At iyon ang gustong maexperience ni Oreo.

Medyo malayo ito mula sa kanilang tinutuluyang hotel kaya maaga silang umalis. Mabuti na lamang magaling ang Balinese driver nila dahil ang daan pala papunta sa templong iyon ay para sa pang – isahang sasakyan lamang at napakatirik din ng daan dahil ang kanilang pupuntahan ay sa tuktok ng bundok.

Hindi simple ang pagpunta para makarating sa huling tourist spot na gusto nilang puntahan. Tatlong oras na byahe mula sa kanilang hotel, labin – limang minutong hiking mula sa parking area, kung saan hanggang doon lamang ang mga sasakyan, papunta sa templo. At mga isang oras na paghihintay dahil mahaba ang pila.

Napakaraming ibang turista rin ang gustong mag papicture sa lugar na ito. Mukhang lahat ng tourist destination sa Bali ay kailangan nilang pilahan upang makakuha ng magandang picture na walang mga photobomber. Mayroong mga Balinese na nakatambay sa harap na siyang hahawak ng mga cellphone at camera at kukuha ng picture.

Buti na lamang napaaga sila ng dating at maganda ang panahon. Sila na ang susunod na magpapapicture. Napag – usapan na nila ni Kristoff na mauuna na muna siyang mag – isa na magpakuha ng litrato. Hindi naman ito nagreklamo. But he said to her that if it's his turn, he wanted to have her beside him when the Balinese people take pictures.

"Okay, it's my turn," iniwan na muna niya kay Kristoff ang bag niya at tumungo na siya sa gitna ng dalawang haligi habang ang nasa likod naman niya ay bundok. Matapos makapag pose at sumenyas ang mga Balinese na nakuhanan na siya ng maraming litrato ay lumapit na sa kaniya si Kristoff. Hindi niya alam kung bakit ayaw nito mag papicture na mag – isa at pinilit talaga nito na kasama pa rin siya sa litrato.

"Dapat may solo picture ka rin dito," ani ni Oreo nang nasa tabi na niya ang lalaki.

"Nah...I think this is the best picture we'll have here in Bali," sagot naman nito. Sumenyas na ang mga Balinese na magpose na sila. Dahil hindi niya alam ang gagawin ay nilingon niya si Kristoff upang tanungin sana ito kung anong klaseng pose ba ang gusto nito. Ngunit laking gulat na lamang niya nang makitang nakaluhod ito at may kaheta na hawak na naglalaman ng singsing.

Nanlalaki ang mga mata, tinakpan ni Oreo ang bibig sa ginawa ni Kristoff. Napatingin siya sa paligid at kahit ang ibang mga turista ay nakangiti at nag cheer sa kanila. He's proposing in this beautiful temple in the sky, while everyone was taking their pictures and cheering for them.

"Hershee Oreo Soliva, will you marry me?" tanong ni Kristoff sa kaniya.

Hindi alam ni Oreo ano ang dapat maramdaman. Ito pala ang binabalak ni Kristoff kaya nagpumilit ito na kasama pa rin siya kapag nagpakuha ito ng litrato, may hidden agenda pala itong pinaplano. Hindi naman sila magkarelasyon ni Kristoff para magkaroon ito ng lakas ng loob na mag propose sa kaniya.

Kailangan ba talaga nitong dito gawin ang bagay na ito sa harap ng napakaraming tao? Pakiramdam ni Oreo hindi na gumagana ang utak niya dahil huminto ito sa pag – iisip. Wala siyang maibigay na kasagutan. Lumalakas din ang tibok ng kaniyang puso. Paano nakapag – isip ng ganitong gimik si Kristoff na halos hindi nga sila magkasundo habang magkasama sila sa trip na ito?

Unrivaled [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon