Chapter 38

7 0 0
                                    


Nakahiga si Oreo sa sofa, ang liwanag ng telebisyon lang ang tanging nagpapaliwanag sa madilim na sala. Maaga siyang nakauwi mula ospital kaya pinili niyang magpalipas oras sa harap ng telebisyon at manood ng mga pelikula. Isang tahimik na gabi lang ang nais niya. Ayaw niyang isipin si Kristoff at kung ano na nga ba talaga itong nararamdaman niya para sa binata.

Am I in love with him?

Kinuha niya ang remote at nagpalipat-lipat ng channel. Hanggang sa may biglang tumawag ng kanyang pansin.

"Kapapasok lamang po na balita. Isang pribadong eroplano ang bumagsak sa karagatan malapit sa Palawan. Kasalukuyan pang hinahanap ang mga survivors. Ayon sa tala, ang flight ay may sakay na lima ka tao." balita ng reporter sa TV.

Nabitiwan ni Oreo ang remote. Kinilabutan siya dahil sa balita. Mabilis siyang bumangon at sinuri ang screen, ang boses ng reporter ay tila humuhugot ng hangin mula sa dibdib nito.

"Wala pang opisyal na listahan ng mga pasahero, pero ayon sa mga initial reports, kabilang ang ilang business executives mula sa Maynila ang sakay ng nasabing eroplano. Ayon sa aming nakalap ay sakay ng eroplanong bumagsak ang CEO ng ABC Group of Companies, ang CEO ng Pilipinas Air na siya ring piloto ng naturang eroplano, dalawang cabin crew at isa pang piloto," patuloy ng reporter sa TV.

CEO ng Pilipinas Air...Pilot...

Napaluhod si Oreo sa pagkabigla. Parang may sumaksak sa puso niya. Tinawagan niya ang cellphone ni Kristoff, nanginginig ang kamay niya habang nagda-dial.

"Please... sagutin mo. Please, Kristoff..."

Pero wala siyang naririnig kundi ang malamig na tunog ng dial tone. Paulit-ulit niyang sinubukan, pero hindi na ito macontact. Nanginginig ang buong katawan ni Oreo, hindi niya maipaliwanang ang nararamdaman. Nanghihina ang kaniyang mga tuhod at halos hindi siya makatayo. "Hindi... Hindi puwedeng siya 'yun. Kristoff, sumagot ka naman..."

Nanginginig man ang mga kamay, binuksan niya ang social media, umaasang makakakita ng isang post mula sa mga taong sangkot sa plane crash na okay lang sila. Pero wala—puro updates lang tungkol sa crash. Nag-ring ang kanyang cellphone, at mabilis niya itong sinagot, umaasang si Kristoff iyon. Pero boses ng matalik niyang kaibigang si Dan ang narinig niya.

"Eo, nakita mo na ba ang balita? Si... Si Ash... Si Kristoff... Sila ba... sakay ng eroplano?" Halos hindi rin makapagsalita ng maayos si Dan. Halata sa boses nito na nangingiyak na rin. Ang sabi sa balita ay sakay rin sa eroplano ang CEO ng ABC Group of Companies at iyon ay walang iba kundi si Ash.

Ash and Daniella may have had a very interesting and unconventional relationship, but they all knew that they both loved each other, they just couldn't admit it, not yet.

Katulad niya, hindi niya rin kayang aminin kay Kristoff o kahit sa sarili na naniniwala na siya sa pag-ibig. Pero ngayon abot langit ang kaniyang pagsisisi na hindi man lang niya nasabi sa lalaki ang tungkol sa bagay na ito.

Bigla niyang naalala ang huli nilang pag uusap ni Kristoff. Naninikip ang kaniyang dibdib. Paulit ulit na sinabi ng binata na mahal siya nito, na hindi ito napipilitan na mahalin siya dahil sa pangako nito sa ina kundi dahil talagang mahal siya nito. Handa siyang pakasalan ni Kristoff anumang oras. Siya lamang ang hindi naniniwala kung gaano siya kamahal ng lalaki.

At ngayon niya napagtantong ang dami niyang sinayang na oras. Ang dami niyang sinayang na pagkakataon para aminin sa sarili at sa buong mundo na matagal na siyang naniniwala na hindi lamang gawa gawa ng mga hormones ang pag-ibig kundi isa itong regalo ng Diyos sa sangkatauhan.

Love is a gift. Love is real. And Kristoff had been loving her for so long even though she had rejected him for so many years, thinking that his love for her was untrue. But it was all true, it was all genuine.

Unrivaled [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon