Chapter 14

9 2 2
                                    

Naglalakad si Oreo sa dalampasigan, marahan ang paghampas ng mga alon sa kaniyang mga paa at nagsisimula na rin maging kulay – dalandan ang buong paligid. Papalubog na ang araw. Papatapos na ang ikalawang araw niya rito sa bahay – bakasyunan ng kaniyang itinuturing na bagong pamilya.

Dahil isang buwan na lang at magsisimula na naman silang pumasok sa paaralan ay napagdesisyonan ng Tita Emma niya, na ngayon ay tinatawag na rin niyang 'mama' dahil iyon ang gustong ipatawag nito sa kaniya, na magbakasyon sila sa Cebu. May vacation house ang pamilya nito roon at gusto ng mama nila na pumunta sila bago ang pagbukas ulit ng klase.

Ngayon lang nalaman ni Oreo na ang pamilya pala ni Kristoff ay may – ari ng isang airline company. Ang papa nito, na si tito Henry niya, ay may mataas na posisyon sa kompanya nito kaya palagi itong wala sa bahay nila dahil palagi itong may business trips. Ang mama naman nila ay nasa bahay lang at inaalagaan si Kristoff at ang nakababatang kapatid nitong lalaki na si Fritz, at ngayon ay kasali na rin siya sa pamilyang ito.

Naging mahirap para kay Oreo na mag – adjust sa bago niyang buhay at pamilya. Ngunit nagpapasalamat siya dahil napakabait ng mga magulang na kumupkop sa kaniya. Naging mas mabait na rin si Kristoff, kahit hindi ito pala kibo kung wala itong kailangan sa kaniya, ay minsan napapansin niyang sinisikap nitong kausapin siya kahit sa mga simpleng bagay. Si Fritz naman ay katulad lang rin ng kuya nitong tahimik at dahil mas bata ito sa kanila ng tatlong taon ay mukhang nahihiya rin itong kumausap sa kaniya.

"Chocolate!" tawag nang papalapit na si Kristoff. Napatitig lamang siya sa mukha nito. Simula nang pumanaw ang kaniyang ina ay mas naging madalang nang sumagi sa isip niya ang mga ipinagtapat ng lalaki sa kaniya. Ngunit minsan ay hindi pa rin mapigilan ng puso niya na makaramdam ng kaunting kasiyahan kapag may ginagawa itong bagay para sa kaniya. "Sabi ni mama samahan daw kita rito."

Ngumiti lang siya at ibinalik ulit ang atensyon sa mga alon. "Kristoff, may itatanong ako sa 'yo. And you have to tell the truth."

"Okay." Tipid lang nitong sagot. Umihip ng malakas ang hanging nagmumula sa dagat na nagpalipad sa mahabang niyang buhok.

"Kailan mo nalaman na may sakit ang mommy ko?" She turned to him to meet his gaze that obviously got taken aback with her question. "Kailan mo nalaman na malapit na siyang mamatay?

There was a long pause and she could only hear the sound of the waves and the chirping birds from a distance. Kristoff avoided her eyes and looked at the direction of the apricot setting sun.

"Mama told me about it last year. Christmas break. Pumunta ang mommy mo sa bahay at kinausap si mama at ako."

"What did you talk about?" Napahinga siya ng malalim. Nagsisimula na namang sumakit ang dibdib niya dahil sa mga alaala ng kaniyang ina.

"Are you sure you're ready to know?"

"Yes, I want to know."

Narinig niyang bumuntong – hininga ito. "I promised your mom I'll take care of you, always. And...we're going to get married after we finish college."

Pakiramdam ni Oreo ay hinampas ang utak niya sa narinig. Nireplay niya sa kaniyang utak ang mga huling sinabi ni Kristoff nang paulit – ulit upang magkaroon man lang siya ng kahit konting pang - unawa.

And we're going to get married after we finish college. And we're going to get married after we finish college. And we're going to get married after we finish college.

Ngunit talagang mahirap para sa kaniyang intindihin ang sinabi nito.

"Hindi kita maintindihan Kristoff," nasambit niya na nakakunot ang noo.

"Mahirap intindihin. Kaya ayoko muna sanang sabihin sa 'yo," he said, his eyes were scanning her face. "But I'm gonna marry you when we finish studying so that you will never feel alone again. 'Yan ang wish ng mommy mo para sa 'yo. Ayaw ka niyang maging mag – isa. Kaya pakakasalan kita."

Her throat was suddenly thick. "Why would she ask you to do that? Anong sabi ni mama? Bakit pumayag ka?"

"Hindi naman tumutol si mama, basta ba nakapagtapos na tayong dalawa. Mahal ka ng mommy mo, Chocolate. Gusto niya lang na maging masaya ka. Your mommy just wanted to make sure you're not alone in the future."

Oreo was still processing every bit of information she's receiving from Kristoff. It was so hard for her to comprehend that her mind felt like it was about to explode. And her heart was now at its peak of wrath.

"Bawiin mo ang sinabi mo Kris! Bawiin mo ang promise mo sa mommy ko!" Oreo felt a rush of resentment. "Hindi tayo magpapakasal! At hindi mo kailangang magpakasal sa 'kin kahit pa dumating ang panahong tumandang dalaga ako! Hindi niyo ko kailangang kaawaan ni mama dahil kaya kong mabuhay mag – isa! Mabubuhay akong mag – isa!"

Her eyes were glimmering with tears and she could feel an eruption of different emotions inside her chest, like a storm just came in. And all she could do was ran as fast as she could, away from Kristoff, away from all the people that pitied her.

Her whole life was crumbling down and being swallowed by quicksand after quicksand, like there was no chance for her to be at the surface again. She's going down into a life made by her mother, with Kristoff as the pawn for her future.


*****


Ayieee. Dahil huling Sunday na po ng taong 2020 ay naisip kong 2 chapters ang iuupdate ko. So heto na po. Hehe. Sana naenjoy niyo po ito.


Salamat sa votes at comments!


Love & Light,


BC

Unrivaled [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon