"Hindi ba't nag propose na si Kristoff sa'yo sa Bali? Nakita kayo ng anak ni Hector Alcantara, sinabi niya sa'kin kanina. Nag congratulate pa nga siya sa'kin. Gusto kong magtampo dahil hindi niyo man lang nasabi sa amin ng mama niyo."
Oh my goodness. Isa ba itong bangungot? Why does it have to be like this? How am I going to explain this to his—our parents?
Napailing – iling na lamang ang mama nila. "Pa, wag mo nalang pagalitan ang dalawa. Baka naman gusto lang nilang isurprise tayo pero naunahan lang natin sila. Matagal din nating hinintay ito 'di ba? Excited na akong magka – apo!"
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig at tiningnan ng masama si Kristoff na mukhang hindi apektado sa mga pinagsasabi ng mga magulang nila. Halatang walang alam ang dalawang matanda sa totoong nangyari sa kanila ni Kristoff. Sumasakit tuloy ang ulo niya sa pag – iisip ng sasabihin upang malusutan ang kaganapang ito na hindi magsasanhi ng pagtatampo sa mga magulang.
"Ahhhh. Ma, Pa --"
"Siyanga pala, Kris, 'yong Charity Gala, pwede bang kayo nalang muna ang dumalo ni Oreo?" Pag – iiba ng usapan ng kanilang ama. "Nasabihan ko na si Bernardo kanina na hindi kami makakapunta ng mama niyo."
"Naging conflict kasi siya sa byahe namin papuntang Amerika. Si Fritz naman ay hindi sigurado kung makakapunta. Kaya kayong dalawa nalang ni Oreo muna ang umattend ngayong taon," segunda naman ng kanilang ina.
"Pero Ma, hindi ako sanay sa parties. Alam mo 'yan," react niya.
"Okay lang 'yon. Wala ka namang gagawin doon. At saka baka dumalo rin naman ang mga kaibigan niyo kaya for sure hindi ka mag – iisa. Sabay naman kayo ni Kristoff pupunta. Minsan lang naman 'to, pagbigyan mo na ang mama. Nakapagpatahi na pala ako ng susuotin mo."
"Ma, you know I'm not an expert in social situations."
She heard Kristoff cleared his throat. "Ma, Pa, it's okay if Oreo doesn't want to go. I'll find someone pretty enough to become my date as the representative of the family."
Napalingon siya sa lalaki. "What are you trying to imply? Na hindi ako 'pretty enough' to become the representative of the family?"
"Well, you didn't want to go."
"That's not the issue. So, feeling mo hindi ako maganda para iharap sa maraming tao?"
"I didn't say that."
"Well, it sounded na hindi ako kagandahan sa paningin mo."
Nagkibit – balikat si Kristoff. "It's nonsense to argue with someone like you."
"Aba't sumusobra ka na Four eyes ka! Mas nonsense ka!"
Bakit ganoon? Ganito ba talaga kagalit sa kaniya ang lalaki upang ipamukha nito sa kaniya na hindi siya maganda?
"Mga anak, huwag kayong mag – away," malumanay na sita ng kanilang ina.
Nagtagisan sila ng mga mata ni Kristoff. Dumarami na ang kasalanan nito sa kaniya. Una, hindi pa nito sinasabi sa mga magulang na wala naman talagang mangyayaring kasal. Pangalawa, sinabi pa nitong hindi siya kagandahan para umattend ng party.
"Sige ma, I'll attend the party po. Can you help me prepare before you fly to the States?"
"Oo naman, anak. Ikaw pa ba. As I've said, I have already made arrangements for your gown."
She looked at Kristoff and stuck out her tongue to him. "Bleh!"
I'll prove to you na maganda ako! Kasalanan mong inasar mo 'ko at inilabas mo ulit ang pagiging competitive ko.
-----
"Ang ganda mo, Miss Oreo! Hindi ko akalaing hindi ka nag artista o naging model man lang!"
Napangiti na lamang siya ng pilit sa walang patid na pagbibigay ng papuri ng stylist na siyang nag – ayos sa kaniya para sa Charity Gala na pupuntahan nila. Nasa loob sila ng kaniyang silid sa bahay ng mga magulang.
This Gala was planned by a group of businesspeople and prominent families in the country. The proceeds of the party go to charity works which personally for her was really nice. This was her first to attend such big event. Hindi naman kasi madaling maimbitahan sa mga ganitong party kung hindi ka talaga kabilang sa isang mayamang pamilya katulad na lamang nina Kristoff. At kung tutuusin, sampid lang naman talaga siya sa pamilya nito.
Kada taon ay may isang pamilyang nag – hohost ng party na miyembro ng grupo at ngayong taon ay ang mga Alcantara ang siyang nag – organisa nito. Ang venue ng Gala ay sa isang mamahalin at sikat na hotel na pagmamay – ari naman ng isa ring pamilyang kasapi ng club na ito.
Tapos na siyang ayusan ng make – up artist kaya isa – isa na niyang isinuot ang mga alahas na kasali sa magiging overall look niya. Bigay ito sa kaniya ng butihing mama niya maliban sa singsing. Napatingin siya sa suot na singsing. Ayaw na sana niyang suotin pa ito ngunit ipinilit ng kaniyang mama na isuot talaga ang engagement ring na bigay ni Kristoff dahil maaring kumalat na ang balitang engaged na nga sila ng lalaki.
Labag man sa kalooban ngunit ayaw naman niyang ipahiya ang pamilya Alvarez sa ganito kalaking okasyon. Hindi pa rin nila nasasabi sa mga magulang ang totoong status nila ni Kristoff. At mukhang walang plano rin ang lalaki na sabihin ang totoo na mas lalong nagpainis sa kaniya.
Tumayo siya mula sa kinauupuan upang matingnan ang buong hitsura sa salamin. Nakasuot siya ng pulang gown na gawa ng isang sikat na designer. The gown really featured the curves in her body that made her appearance felt like she's about to join a pageant. The details of her gown were exquisite and they looked like she's blazing and covered in flames.
Masyado siyang naging abala sa kakatingin sa sariling imahe sa salamin nang mapansin niyang tila may ibang taong nakatingin sa kaniya. At hindi nga siya nagkamali dahil nakatayo at nakasandal sa pinto si Kristoff, nakasilid ang dalawang kamay sa bulsa ng suot nitong itim na slacks pants. He was undeniably attractive in his tuxedo.
And he was watching her. Nakaramdam siya ng pagkailang nang hindi ito umimik man lamang kahit nagkatitigan na sila. Nakamasid lamang si Kristoff sa kaniya na para bang pinapag – aralan siya. Kaya hindi siya nakatiis at binasag na lamang ang katahimikang bumubuo sa kanila.
"Aalis na ba tayo?"
"If you're ready." Patuloy pa rin itong nakatitig sa kaniya. "You're wearing the ring."
She shrugged her shoulders. "Mama insisted. Ngayong gabi lang 'to, wag kang assuming."
"Okay." He kept gazing at her that made her uncomfortable.
"Why are you staring at me? Nagagandahan ka sa 'kin, 'no? Aminin mo."
Walang ekspresyon ang mukha nito. "No wonder make – up artists are expensive; they can make magic."
Nagtagis ang kanyang mga bagang. "Anong ibig mong sabihin? Na hindi talaga ako maganda?"
"Typical." Nagkibit ito ng balikat saka tinalikuran na siya. "I'll wait for you in the car."
"Bawiin mo ang sinabi mo, hoy!" Isinuot niya ang kaniyang sapatos at kinuha ang kaniyang purse na ibinigay pa rin ng kanilang mama para sa kaniya. Dali – dali siyang lumabas ng kaniyang silid at hinabol ang kumag.
Nakakainis! Bakit ba siya ganyan sa'kin? At bakit nga ba ako affected sa kung anong isipin niya kung maganda ako o hindi? Wala naman akong pakialam na dapat na 'di ba?
BINABASA MO ANG
Unrivaled [Completed]
RomanceKristoff is a genius, and Oreo is fiercely competitive, always determined to outshine everyone-especially him. What begins as an intense rivalry soon evolves into an unexpected friendship, filled with intellectual sparring and undeniable chemistry...