Chapter 35

7 0 0
                                    

"Wow! Oreo you're so beautiful! Dapat pala ikaw na lang ang naging plus one ko kung alam ko lang na pupunta ka." Patutsada ni Enri nang maupo siya sa round table kung saan sila naka assign na dalawa ni Kristoff. Tama nga ang mama nila, dadaluhan nga ito ng mga kaibigan nila dahil halos lahat ng mga kaibigan nila ay miyembro ng mga prominenteng pamilya.

"Enri, engaged na si Oreo. Baka masapak ka pa ni Kristoff," wika naman ni Arkhee na katabi ang asawang si Dessa.

"Pero besh, I must admit. You really are very beautiful tonight." Nagniningning naman na sabi ni Dessa na nakasuot ng gown na kulay ginto. Mukhang ang Charity Ball na ito ay naging reunion na naman ng barkadahan nila.

"Congrats nga pala sa engagement niyo. Talagang tinago niyo pa ha? Kung hindi pa nag charity ball ay hindi pa kayo aamin na dalawa?"

"Hindi ba halatang fake news 'yan Ash? If we were, you'll be the first one to know," suplada niyang sagot sa katabing lalaki sa kaniyang kaliwa habang si Kristoff naman ay nasa kaniyang kanan na kanina pa hindi umiimik.

"Oh really? Then why are you wearing this ring?" Itinaas ni Ash ang kaniyang kaliwang kamay na may suot na singsing at ibinalandra sa lahat ng kaibigang naroroon.

"Wala. Props lang."

"Congrats to both of you!" Bati ng bagong dating na si Zenith na kasama si Shola na maganda rin sa suot nitong asul na gown. Kumaway siya sa mga ito. 

"Keep your hands off of Oreo," hinila ni Kristoff ang kamay niya mula sa pagkakahawak ni Ash na ikinagulat niya.

"Relax Kris. I'm still your best friend. Hindi ko aagawin sa'yo si Oreo. You're too grumpy, man. Chill, please."

Napansin ni Oreo na magmula nang pumasok sila sa venue ay hindi na nga umiimik si Kristoff at ngayon ay mukhang mainit na talaga ang ulo nito.

"Hayaan mo na siya Ash. Nagseselos lang iyan sa daming lalaking nakatingin kay Oreo," ani ni Eliza. "Ito naman kasing si Oreo, ngayon lang umattend ng Gala. You're a natural head turner. It's no surprise a lot of men would drop their jaws seeing you for the first time."

He's jealous?

Pilit mang alisin ni Oreo ang ideyang iyon sa kaniyang utak ay hindi niya naiwasang kiligin kung totoo man ang sinabi ni Eliza na nagseselos nga si Kristoff. Kahit nagparaya na siya para sa kapakanan ng lalaki, ay hindi naman ganoon kadali para alisin ang kung anumang nararamdaman niya para rito.

"Excuse me, Dr. Oreo Soliva?" Napalingon silang lahat sa tumawag ng kanyang pangalan. Isang magandang babaeng nakasuot ng itim na gown ang nakatayo sa likuran niya. "I'm Iannah Alcantara. Nice to finally meet you."

Inilahad nito ang kamay at mabilis naman siyang tumayo at tinanggap ang pakikipagkamay nito. Binati na rin nito ang iba pa niyang mga kaibigan na naroon na mukhang kakilala rin ng mga ito.

"Nice to meet you," aniya kay Iannah.

"Can we talk for a sec? I'd like to discuss with you what will happen later." Nagtataka man ay tumango na lamang siya at sumama sa bagong nakilala. Sumunod siya sa babae na dinala siya sa backstage at palabas ng event center. Pumasok sila sa isang hotel suite at doon ay naabutan nila ang mga nag gagandahang dilag na nakasuot din ng magagarang gowns na nakaupo sa sofa.

Ikinagulat ni Oreo nang makilala niya ang dalawang babae sa loob ng silid na iyon. Sigurado siyang si Ayeena na kapatid ni Ash, ang may suot na yellow na gown na kumaway lamang sa kaniya nang pumasok sila pero ang mas hindi niya inaasahan ay ang makita ang walang kangiti – ngiting si Daniella Clarke na sa palagay niya'y ngayon lang ulit sila nagkita sa tinagal – tagal ng panahon.

Unrivaled [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon