"Ma'am, si Gilbert po ito, iyong chief responder," sabi ng taong nasa kabilang linya. "Nahanap na po namin ang mga survivors, papunta na po sila ngayon sa ospital." Napahawak ng mahigbit si Oreo sa kaniyang telepono. Nabuhayan siya ng loob sa narinig.
"Oh, Diyos ko, salamat!" narinig niyang sambit ng mama ni Kristoff.
Matapos ang tawag ay dali dali sila ng mama niyang pumaroon sa ospital kung saan dinala ang mga survivors. Hindi mapakali si Oreo. Taimtim siyang nananalangin na sana'y nakaligtas ang lahat ng sakay ng eroplano, na sana'y walang sino man sa kanilang nasa kritikal na kondisyon. Ayaw niyang mag overthink at maunahan ng takot. Kailangan niyang magpakatatag para na rin sa kanilang ina.
Mabilis silang nakarating sa ospital. Dali dali naman nilang hinanap ang ER kung saan dinala ang lahat ng nakitang survivors sa plane crash. Nakita niya si Daniella, kasama si Ayeena. Balisa ang mga mukha at parang hindi mapakali.
"Dan, you're here!" bati niya. Agad naman siyang niyakap nito pagkakita sa kaniya na siyang ikinagulat niya.
"He's unconscious... Ash is alive but still unconscious..." anito habang mahigpit na nakayakap sa kaniya at napapaluha.
"Sshhh. Tahan na. Everything will be alright," hinagod niya ang likod ng kaibigan. Nilibot ng kaniyang mga mata ang lugar, hinahanap ang kaisa isang tao na gustong makita ng kaniyang mga mata.
"Si Kristoff? Nasaan siya?" Tanong niya nang maghiwalay sila ng pagkakayakap ni Dan.
"Chocolate..." narinig niyang tawag sa kaniya ng isang pamilyar na boses. Isang tao lamang ang tumatawag sa kaniya ng nickname na iyon na para bang naging endearment na ito sa kaniya.
Paglingon niya'y nakita niyang nakaupo sa isang kama ang kalunos lunos na hitsura ni Kristoff, may mga galos ito sa mukha at mga pasa sa bisig, may punit ang suot na damit at may neck brace. Namuo ang mga luha sa kaniyang mga mata. Pakiramdam niya'y biglang naglaho ang lahat ng tao sa paligid maliban sa lalaki.
Hindi niya napigilang tumakbo sa mga bisig at niyakap ito ng napakahigpit. Hindi niya napigilan ang sariling humagulhol. Naramdaman niyang hinaplos ni Kristoff ang kaniyang buhok at niyakap rin siya ng mahigpit nito. Parang may nawalang mabigat na bagay na nakadagan sa kaniyang dibdib.
Nabunutan siya ng tinik. Hindi siya nananaginip. Totoong buhay si Kristoff at kayakap niya ito sa mga oras na iyon. She felt so relieved.
"I am so scared. I thought you will never come back..." nasambit niya sa gitna ng pag iyak.
She had been so scared she would never see him again. The ache felt like a hole in her chest; it haunted her as a slow, unbearable ache. How foolish she had been, wasting so much time holding back, afraid to love someone as deeply as Kristoff had loved her.
Her regrets felt like daggers, piercing her soul with every memory of the moments she had pushed him away. But those regrets transformed into something more—hope. A quiet, desperate hope that there was still time to make things right. She made a silent promise to God, an oath that she would love Kristoff for the rest of her life. Even if she didn't know exactly how to love as fully and selflessly as he had, she was determined to learn.
She would stay by his side, and never let fear keep her from showing him how much he meant to her. No more hesitation. No more holding back. She now understood how swiftly everything she held dear could be taken away. The thought of losing him forever scared her, but it also gave her the clarity she had been too blind to see before. She wouldn't make the same mistake again. Not with him. Not with someone who had loved her with all of his heart.
Alam niyang simula ngayon ay hindi na niya sasayangin ang lahat ng pagkakataon na makasama si Kristoff at iparamdam dito na mahal niya ito.
"I'm here. I'm alive," anito saka hinalikan ang kaniyang noo.
"Salamat sa Diyos at buhay ka!" Narinig niyang sabi ng mama nila. Saglit siyang kumawala sa pagkakayakap sa lalaki para mabigyan ng pagkakataon na mayakap naman ito ng mama nila.
Mangiyakngiyak ang kanilang ina na yumakap kay Kristoff. Pinunasan naman ni Oreo ang kaniyang mga luha gamit ang mga palad. Napangiti siya habang nakatitig kay Kristoff. Ayaw na niyang mawala ito sa paningin niya. Natatakot siyang baka mawala ulit ito.
Matapos ang pagyakap sa ina ay ibinaling ulit ni Kristoff ang atensyon sa kaniya.
"You're wearing the ring I gave you," anito nang mapansing suot suot niya ang engagement ring na bigay nito. Napangiti siya nang titigan ang singsing. Ang pagsuot nito ang naging ebidensya para aminin sa sarili na mahal niya nga ang lalaki at hindi niya kayang mawala ito sa buhay niya.
Sa sobrang panalangin niya sa Poong Maykapal na iligtas ang pinakamamahal ay ipinangako niyang gagawin niya ang lahat para ipakita kay Kristoff kung gaano ito kaimportante sa buhay niya. Kahit hindi man niya alam paano mahalin ang lalaki, ay handa siyang ibigay ang buong buhay niya para rito.
"I told God I would spend the rest of my life with you if He would bring you back to me. And God did. He heard my prayers," Oreo said, wiping the tears that formed in her eyes. Kristoff smiled lovingly.
"Halika nga rito," Kristoff's arms were wide open, silently inviting her to embrace him once more. And she did. "So... does that mean you're going to marry me now?"
Tumango siya. And they stayed that way for as long as she wanted. She allowed herself to feel him, hear his heartbeat, smell his scent, and prove that he was alive and well. She couldn't contain her emotions. She was so overwhelmed that the only person she wanted in her life was now beside her, hugging her tightly.
Itinaas niya ang mukha at saka mabilis na nagnakaw ng halik sa pisngi ni Kristoff. "Wag ka ng mawawala sa tabi ko."
Naramdaman niyang nag init ang kaniyang mga pisngi sa ginawa kaya pinilit niyang itago ang mukha sa dibdib ng lalaki.
She heard him chuckle. "What was that all about? Stealing kisses from me now? Hindi ka na nahiya kay mama, oh."
Kristoff tried to bring out Oreo's face from hugging him. When he looked at her, her face was all red.
Mabilis na nag iwas ng tingin si Oreo. Hindi niya kayang makipagtitigan kay Kristoff dahil nahihiya siya sa ginawa. Hinaplos naman nito ang pisngi niya, saka nagsalita. "I also thought that I will never see you again. Akala ko ay katapusan ko na. Pero iniligtas kami ng Diyos. This is my second chance in life. Hindi ko hahayaang sayangin pa ang oras na wala ka sa tabi ko, Chocolate. I want to spend every day of my life with you."
Alam niyang nasa ER sila ng ospital, ngunit pakiramdam ni Oreo ay sila lamang sa lugar na iyon ni Kristoff. Hindi siya naririndi sa sinasabi ng lalaki, bagkus ay alam niyang punong puno ito ng pagmamahal at sinseridad. Napangiti siya at hinaplos din ang mukha nito.
"I love you." Sa wakas ay nasambit niya rin. Ito ang unang beses na binigkas niya ang mga salitang ito para sa binata. Sa unang pagkakataon ay puso niya ang pinairal. Sa unang pagkakataon ay hinayaan niya ang sariling ipahayag ang totoong nararamdaman na hindi kailangang mag overthink ng utak niya kung anong klaseng hormones ba ang may pakana ng feelings niya. She finally knew how to express her true emotions.
Nasilayan niya ang ngiti sa mga labi ni Kristoff.
"Mas mahal kita." Mabilis siyang hinawakan ni Kristoff sa batok at hinalikan sa mga labi.
He kissed her for the world to see. And it didn't matter to her if it was in front of their mom or with all the people surrounding that ER. She was just happy that Kristoff was now with her, alive and breathing.
Halos walang mapaglagyan ang kaniyang nararamdamang kaligayahan. Nang magkahiwalay ang kanilang mga labi ay inilapit nito ang mukha sa kaniyang tainga saka may ibinulong. "I'll kiss you more when we're alone."
Naramdaman na naman niyang nag init ang mukha dahil sa ibinulong nito sa kaniya. Ngunit mas gugustuhin na lamang niyang mag blush araw araw kasama si Kristoff kaysa ang mawala ito ng tuluyan sa buhay niya. Handa na siya sa magiging bagong kabanata nilang dalawa na magkasama.
***
Finally! Ang "I love you" na pinakahihintay nating lahat ay nasabi na rin. Haha.
Hope you like this chapter!
Love & Light,
BC
BINABASA MO ANG
Unrivaled [Completed]
RomanceKristoff is a genius, and Oreo is fiercely competitive, always determined to outshine everyone-especially him. What begins as an intense rivalry soon evolves into an unexpected friendship, filled with intellectual sparring and undeniable chemistry...