Nakatitig sa kisame si Oreo. Tinanghali siya ng gising dahil matagal siyang nakatulog kagabi. Paano siya makakatulog ng maaga kung ang laman ng utak niya ay ang gwapong mukha ni Kristoff? Matapos ang tatlong buwan ay hindi na niya naiwasan pang magtagpo ang landas nila sa ginawang announcement dinner ng mag – asawa niyang kaibigan.
Nagdadalang – tao na pala si Dessa at gusto ng mga ito na lahat silang dumalo sa dinner kagabi ay magiging ninong at ninang ng magiging baby ng magkabiyak. Masaya siya para sa mga kaibigang nagsisimula nang bumuo ng sarili nilang pamilya. Hindi akalain ni Oreo na magiging parte pa rin siya ng buhay ng mga kaibigan kahit matagal siyang hindi nakipag – usap sa mga ito.
Hindi niya maiwasang mag – isip para sa sarili. Lalampas na siya ng kalendaryo. Ano nga ba ang gusto niyang gawin ngayong nagtapos na ang ugnayan nila ni Kristoff? Ang nasa isip ni Oreo nang bumalik siya ng bansa ay bigyan ang lalaki ng closure upang makapag – move on na ito at makapagsimula ng buhay sa taong totoong mahal nito. Ngunit ngayong nagawa na niya ang dapat niyang gawin, ano nga ba ang next move niya?
Ahhh! Nakakapagod mag-isip! Lord, tulong!
Oo, nagkita nga sila ni Kristoff kagabi ngunit hindi naman sila nagka – usap. Ni hindi nga sila nagpansinan na dalawa. Napansin din niyang mukhang alam ng mga kaibigan nila ang nangyayari sa kanila dahil kahit ang mga ito ay walang ginawa.
Nangyari na rin ang ganitong sitwasyon sa kanila ni Kristoff noong highschool sila. Hindi nakikipagsawsawan ang mga kaibigan nila sa away nilang dalawa. Naalala tuloy ni Oreo na kapag may tampuhan sila ni Kristoff ay palagi itong nauunang makipagbati sa kaniya.
Subalit ngayon ay isang malaking lamat na ang namamagitan sa kanila at maaaring hindi na ito maaayos pa. Kahit maging magkaibigan na lamang siguro ang hilingin niya mula rito ay hindi niya rin makakaya. Baka kapag nakikita niyang may kasama itong iba ay maiiyak lang siya.
Nagkagusto nga talaga siya kay Kristoff. Kung kailan pa nangyari iyon ay wala rin siyang maibigay na matinong sagot sa sarili. Sa tagal ba naman nilang magkakilala ng lalaki ay hindi na niya maback – track kung saan nga ba nagsimula ang lahat.
Napabuntong – hininga siya saka bumangon na mula sa kama. Kailangan na niyang maligo at lumabas ng kwarto dahil baka mag – alala na ang mama niya. Naalala niyang dito nga pala siya umuwi sa bahay ng mga magulang dahil nakapag – promise siya sa pamilya na magbibigay ng oras para sa mga ito. Ang ipinapanalangin na lamang niya ay sana hindi rin umuwi si Kristoff at magkita na naman sila.
-----
Kapag minamalas ka nga naman...
Natigil sa paglalakad si Oreo papunta sana sa kusina nang makita ang pamilyar na pigura ng isang lalaking umiinom ng kape sa sala. Nakasuot ito ng puting sando at itim na pajama na halatang kakagising lang din nito. Hindi tuloy niya napigilan pagmasdan ang muscle sa mga braso at balikat nito. Kahit bagong gising ay fresh pa rin itong tingnan.
Mukhang dito rin natulog si Kristoff. Kahit magkasama sila sa dinner kagabi ay may kaniya – kaniya naman silang sasakyan sa pag – uwi kaya hindi niya agad nakumpirma kung uuwi ito. Pagdating niya kagabi ay hindi naman niya nakita ang sasakyan nito sa garahe.
Nag – iba siya ng direksyon ng tingin nang balingan siya ni Kristoff. Nandito na naman sila sa mga awkward na eksena.
"Good morning," malamig ngunit maririnig sa boses nito ang konting lambing. Nagtataka tuloy siya kung para ba sa kaniya ang bating iyon ng lalaki. Napatingin – tingin tuloy siya sa kaniyang paligid kung may iba pa bang taong naroroon, pero mukhang siya talaga ang binati nito.
BINABASA MO ANG
Unrivaled [Completed]
RomanceKristoff is a genius, and Oreo is fiercely competitive, always determined to outshine everyone-especially him. What begins as an intense rivalry soon evolves into an unexpected friendship, filled with intellectual sparring and undeniable chemistry...