Chapter 26

6 1 0
                                    

Hindi siya makatingin sa mukha ni Kristoff at hindi rin niya alam kung ano nga ba ang dapat niyang gawin. Pinapanalangin niyang himatayin na lamang sana siya.

Napansin niyang hawak pa rin pala niya ang cellphone nito kaya iniabot niya ito sa lalaki na hindi ito tinitingnan. Ayaw niyang magtama ang kanilang mga mata. Hindi kaya ng pride niya kahit sulyapan man lamang ang pagmumukha nito.

Anong kagagahan ba kasi itong ginawa niya? Hinalikan niya si Kristoff! Siya ang humalik dito at nagagalit siya sa sarili. Isang napakalaking kahihiyan ang ginawa niyang pagpapakita ng pagnanasa rito.

Kinuha naman nito ang cellphone ngunit pinilit niya ang sariling tumingin sa kabilang direksyon dahil hiyang – hiya siya sa lalaki.

"Thanks for kissing me," sa boses nito ay mukhang masaya pa ito na para bang inaasar siya. Napapikit siya at naikuyom ang mga palad. Kasalanan niya ang lahat dahil hindi siya nakapagpigil.

Bakit nga ba hindi gumana ang utak niya kung kailan niya ito mas lubos na kailangan? Ngayon ay ang kapal pa ng mukha nitong magpasalamat sa kaniya dahil hinalikan niya ito!

"Shut – up! I didn't kiss you!" pagdedeny na lamang niya upang mabawasan ang kaniyang matinding pagkapahiya.

Narinig niyang tumawa ito. "I swear you made my heart skip a beat. Baka hindi ako makatulog mamaya."

"Stop it! Just forget it even happened!" mariin niyang sambit dito habang ang mga mata niya ay nakatingin sa kaniyang mga sapatos. "We should go back to the hotel now."

"You should take pictures of the sunset. It's beautiful," anito sa kaniya.

Iniangat niya ang kaniyang ulo at tama nga ang sabi ni Kristoff sa kaniya. Napakaganda nga ng paglubog ng araw rito sa Uluwatu. Ang bilog at dilaw na araw ay dahan – dahang lumulubog at nag – rereflect ang sinag nito sa karagatan. Napasulyap siya kay Kristoff na kumukuha ng litrato ng sunset sa cellphone nito.

Napabuntong – hininga siya at inilabas ang sariling phone mula sa bag at kumuha na rin ng pictures. Magandang distraction na rin ito para sa kaniya upang mawala na sa isip niya ang ginawang kagagahan kanina.

"Kristoff, forget that it happened."

He smirked. "Chocolate, I have an eidetic memory. Wag mong hingiin ang imposible. As I've told you, I might not be able to sleep tonight because of what you did."

"Kahit imposible, gawin mo pa rin! At pwede ba, don't ever discuss it again!" Alam niyang namumula pa rin ang kaniyang mukha. Ito na ata ang pinaka awkward na nangyari sa buong buhay niya. Kailan pa siya natutong maunang humalik sa lalaki?

"Fine, fine. If that's what you want." Isinilid na nito ang cellphone sa bulsa. "Do you want to go back now?"

"Yes!" Tumalikod na siya at mabilis na naglakad. Gustong – gusto na niyang bumalik sa hotel at magmukmok at huwag nang makita ang pagmumukha ni Kristoff. Kung pwede nga lang sanang maging invisible sa mga oras na ito.

Mabilis namang nakahabol sa kaniya si Kristoff na ngayon ay katabi na niyang naglalakad. "Pero seryoso, kinilig ako sa ginawa mo. I won't say no if you do that again."

Sa galit niya ay napasuntok siya sa balikat nito. What she did was humiliating but he did not need to rub it on her face over and over again. Bakit nga ba niya nagawa ang bagay na iyon? Bakit umabot sa puntong hindi na niya napigilan ang sariling halikan si Kristoff? Ano nga ba itong nararamdaman niya kapag kasama ang lalaking ito?

"Four eyes, I'm serious. If you ever talk about that again, I'll go somewhere and I'm going to make sure you won't find me." Seryoso na ang mukha niya. Kailangang may gawin siya upang mahinto na ito sa pang – aasar sa kaniya. "And you know that I can do that."

Kristoff grabbed her arm that made both of them stop walking. His eyes were dead serious too, eyebrows clashing, his voice was low but hostile. "Fine. But don't threaten me of you going away again. Stop running away. And stop denying that you don't have feelings for me."

Napalunok siya. May nararamdaman siya para rito? Ano nga ba ang tawag sa pakiramdam na ito? Oreo had been wondering if what she felt over the years for Kristoff was what people call 'love'. But she kept it all to herself because she didn't want Kristoff to sacrifice his life for her.

Sa tanda kong 'to, dapat ba talaga akong maniwala na marunong na akong magmahal ng iba?

She thought what she felt for him were just chemical processes caused by the quartet of chemicals produced by the brain which are responsible for the emotions people feel. The quartet of chemicals: Dopamine – gives you a surge of reinforcing pleasure when achieving goals.

Serotonin – it flows when you feel significant or important to another person. Oxytocin – when released creates intimacy, trust and strengthens relationships. Endorphins – similar to morphine, it acts as an analgesic and sedative, diminishing your perception of pain.

How would he know if she, herself could not even understand what she's been feeling all along? How dare Kristoff challenge her own thoughts by declaring that she has feelings for him?

"Really? I do? Buti ka pa alam mo. Kasi ako, hindi ko alam."

"Hindi mo alam na mahal mo 'ko?"

Oreo gave out a sarcastic laugh. "Don't be ridiculous. There's nothing going on between you and me. What we have is probably sibling bond."

"F#ck! We're not siblings. We're supposed to be married!" Naramdaman niyang humigpit ang hawak nito sa braso niya.

"Language please Kristoff! We're in a public place," she muttered. "And your hand, please?"

By then, he realized that he was holding her arm tightly. Kristoff immediately let her go.

"Sorry. Can you not say that we're siblings? It's creeping me out."

"It's creeping you out? Ano bang pinag – iisip mo sa 'kin ha?"

He leaned forward which caught her off guard. And then she realized he just wanted to whisper something in her ear. "Sex."

Sex? Ano raw? Wait. What did he say? SEX!?!?

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig at alam niyang umakyat ang dugo niya sa mukha na nagpa – blush sa kaniya. Hindi naman nakalampas ang reaksyon niya sa mga mata ni Kristoff dahil nang inilayo na nito ang mukha mula sa kaniya at tumayo ng tuwid ay nakangisi na ito, halatang nang – aasar.

"Ang bastos mo talaga! Ewan ko sa 'yo! Pag – uwi ko ng Pilipinas, isusumbong talaga kita kay mama!" sabay walk – out sa harap nito.

Nakakainis! Ang sarap magwala!

"Sumusobra na talaga siya sa pagpapahiya sa 'kin! Alam niya talaga kung paano painitin ang ulo ko. Dapat talaga hindi na 'ko pumayag na mag – travel with him! Anong sabi niya? Sex? Ang kapal ng mukha! Anong karapatan niyang ilabas ang ganiyang usapan sa 'kin?!" bulong – bulong niya. Nagpapadyak siyang naglakad papunta sa kung saan sila galing kanina upang mapuntahan na ang driver nilang siguradong kanina pa naghihintay sa kanila.

Nagsisimula na ring dumilim at nagugutom na rin siya. Ramdam niyang nakasunod lang si Kristoff sa kaniya dahil naaamoy niya ang mabangong pabango nito kahit nauuna siyang maglakad. Mabuti na ring hindi ito sumabay sa kaniya dahil baka di na siya makapagpigil at gamitin na niya ang taekwondo sa di tamang rason.  


*****

Nag blush ka rin ba sa pinanggagawa ni Oreo? 


Salamat sa boto at mga komento!


Love & Light,

BC

Unrivaled [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon