Pangatlong araw na nila ni Kristoff na hindi nag – uusap. Hindi niya ito nililingon kapag nasa klase sila kung hindi naman kailangan kahit pa magkatabi lang sila nito. Tahimik lang din ito kapag kumakain silang apat ng lunch na para bang bumalik ito sa dati noong una silang nagkakilala. Hindi umiimik at walang pakialam sa kaniya.
Ayaw niya man tanggapin sa sarili ngunit nasasaktan na siya sa ginagawang pagwawalang – kibo nito sa kaniya. Napansin din niyang wala ring magawa ang mga kaibigan nito kundi ang hayaan na lamang silang dalawa. Na para bang hinihintay ng mga ito na isa sa kanila ni Kristoff ang puputol sa namumuong cold war sa pagitan nila.
It could have been that easy for Oreo if this was the case, if Kristoff was just another math problem she can easily solve with the blink of an eye. But no, their situation was more complicated than any complex math problems she came across.
Napabuntong – hininga siya. Tapos na ang klase nila at papunta na siya sa gate, doon na lamang niya hihintayin ang mommy niya. Subalit napahinto siya sa paglalakad nang makita si Kristoff na mag – isang nakaupo sa isang bench, sa tingin niya'y naghihintay rin ito ng sundo. Napatayo ito nang makita siya.
"Chocolate," napakamot pa ito sa buhok. "Can we talk?"
Parang nabunutan siya ng tinik sa narinig. Sa wakas ay kinakausap na siya ni Kristoff at ito pa ang naghanap ng paraan upang makapag – usap sila. Napangiti siya at mabilis na lumapit sa lalaki.
"Akala ko hindi mo na 'ko papansinin." Naupo silang dalawa sa bench at inilagay niya ang dalang backpack sa pagitan nilang dalawa. "Galit ka ba talaga sa 'kin?"
Umiling ito at malalim na huminga bago nagsalita. "Sorry for saying mean things to you and for making you cry. I didn't mean it. I promise."
Tinitigan niya si Kristoff na mababanaag sa mukha ang sincerity ng mga sinasabi nito. Mas lalo siyang napangiti dahil nararamdaman na niyang dahan – dahan nang natatanggal ang lahat ng mabigat sa puso niya.
"I know. Pinapatawad na kita. Kaya pwede na ba tayong maging friends ulit? Kahit pa gusto kong nakawin ang pagiging first honor mo?"
"Chocolate, listen," bumuntong – hininga si Kristoff na para bang nag – iipon ng lakas ng loob. "I really like you. I had a crush on you, ever since that day that you told me you're going to beat me and become the first. I tried showing you that I do pero iba ka nga talagang mag – isip. You're the first girl who challenged me. You're smart and beautiful but you don't even realize it."
He pressed his lips and put his hands inside his pockets. "Kahit minsan sobrang obvious na gusto kita, hindi mo pa rin nakikita. Before Christmas I confessed and still you didn't get, like nothing happened. Noong dinala mo 'ko sa clinic nang magkasakit ako, akala ko talaga narealize mo na dahil hinawakan mo ko sa kamay, 'yon pala gusto mo lang magmadali. Do you understand why I got mad when Ash insisted that you're his promdate?"
"Ahhh...no?" Sa dami ng sinabi ni Kritsoff ay ito lamang ang nasagot niya.
Mabagal naiproseso ng utak niya ang mga sinabi nito na para bang nag slow motion ang buong paligid. Napakatahimik ng hapong iyon at nagsisimula nang lumubog ang araw. Sumasayaw ang mga dahon dahil sa malakas na ihip ng hangin. Ngunit ang kaniyang mga mata ay nakapako lamang sa gwapong katabi. Naramdaman ni Oreo ang pusong tumitibok ng mabilis, na para bang nasa isang karera ito.
Kristoff likes me. Ako ang crush niya? Bakit?
Nagpatuloy sa pagsasalita si Kristoff. "Sabi na nga ba. When Ash and Arkhee told me you cried after I left, I got so worried. But at the same time, I was relieved because now I know I also mattered to you. Sinabi ko na 'to kay mama at kay Tita Vicky, gusto kong ligawan ka...sa tamang panahon. Kapag nagegets mo na ang mga sinasabi ko. Kapag naniwala ka na that love is real."
BINABASA MO ANG
Unrivaled [Completed]
RomanceKristoff is a genius, and Oreo is fiercely competitive, always determined to outshine everyone-especially him. What begins as an intense rivalry soon evolves into an unexpected friendship, filled with intellectual sparring and undeniable chemistry...