Pabalik na ng hotel room niya sina Oreo. Suot – suot niya ang coat ni Kristoff dahil talagang ipinilit nito sa kaniya na suotin niya ito. Hindi na rin siya nakatakas mula rito dahil pagkatapos niyang magdrama sa beach ay pinilit na ng lalaki na ihatid siya sa kaniyang silid.
Hindi na rin siya pumalag pa dahil hindi na rin naman nagsalita si Kristoff matapos ang kadramahan niya. Ngayon niya narealize na talagang kilala na siya nito. Alam nitong hindi niya gustong pinapag – usapan ang nakaraan at mas lalong ayaw niyang pinapamukha sa kaniyang naging malungkot na naman siya.
Nang papalapit na sila sa kaniyang silid ay naabutan nilang naghihintay si Enri sa pintuan. Nang makita sila nitong papalapit ay naging maaliwalas ang mukha nito.
"Enri? Anong ginagawa mo rito? Hinahanap mo ba si Eliza?" tanong niya.
Tumango ito at napakamot sa ulo. "Hi Oreo, Hi Kris. Yeah, I put my phone in her purse and now I couldn't find her. I was hoping to wait here since I'm sure she has to change."
"Oh, okay. You can wait inside. May sofa roon na pwede kang maupo." She smiled and tap the keycard on the door lock. She opened the door and went in first. Sumunod naman si Enri ngunit ang hindi niya inaasahan ay ang pagpasok din ni Kristoff sa loob ng kanilang silid. Napakunot – noo siya nang tingnan niya ito.
"You're still wearing my coat." Matipid nitong sagot. Naupo na rin ito sa kabilang sofa kasama si Enri.
"Oh, right." She took off the coat and gave it to him. "Here. So you can leave na."
"I changed my mind. I'll stay here for a while." Tinanggap nito ang coat at inilagay sa arm ng sofa. Kinuha nito ang phone sa loob ng bulsa at itinuon na nito ang pokus sa gadget na hawak.
"Hah! Baka ayaw mo lang talagang iwan kami ni Oreo na kami lang dalawa." Sarkastikong tumawa si Enri. "Still overprotective, Kris?"
"What if I am?" tipid nitong sagot dito na hindi ito tinitingnan. Nararamdaman ni Oreo ang tensyon sa dalawang lalaki. Huminga siya ng malalim, hinubad ang suot na cover – up dress at nagsalita.
"Pag nag – away kayong dalawa, sisipain ko kayo palabas ng kuwartong 'to."
"Wow Eo! That figure!" Napamangha si Enri nang makita siyang nakabikini na lamang. "Do you still practice taekwondo?"
"When I have the time I still do. It may come in handy if I need to protect myself." Kinuha niya ang towel na nasa kama. "But I work – out and do yoga now to keep myself fit."
"Well, it shows." Kumindat pa sa kaniya si Enri na para bang may ipinapahiwatig.
"Now that I mentioned it, I do remember the hotel will have a sunrise yoga tomorrow." She snapped her fingers. "I'll join them tomorrow so I have the reason not to stay long later for the party."
"I'll join, Eo. I'd like to try doing yoga here in Bali," ani ni Enri.
"That's good. Sige, let's do yoga tomorrow."
"I'll join you tomorrow." Pareho silang napatingin kay Kristoff nang sabihin nitong sasama itong mag – yoyoga sa kanila.
"Ahuh..." parang nagpipigil na matawa si Enri. "Okay Kris. Just don't blame us after. But anyway, yoga is for everyone, right Oreo?"
Nagkibit – balikat na lamang siya. "Ui Kristoff. Hindi ka naman mahilig sa yoga 'di ba? You only work – out. But if you really want to join tomorrow, tell the teacher that you're a first timer, okay?"
"I'm not a first timer!" mariing sabi nito na mukhang naiirita na.
"Fine. If you're not." She rolled her eyes. "Yoga will be at 5:30 in the morning. Let's meet at the lobby at 5:15."
Nakita niyang natigilan ng kaunti ang mukha ni Kristoff sa sinabi niya. Maaaring hindi nito inaasahan na ganoon kaaga ang oras ng kanilang pagkikita.
"Kailan balik mo ng Pilipinas, Eo?" si Enri ang nagtanong.
"Oh, I'm actually staying for two more weeks before going back to the Philippines. I plan to have a trip all around Bali."
"Sayang naman. I wish I can join you but I have to be back tomorrow. I have prior commitments, can't take a long a vacation. It would have been nice travelling with you."
"Then, I'll join you Chocolate."
"Huh?" Napanganga si Oreo sa narinig na sinabi ni Kristoff.
Ano raw? Sasama siya sa 'kin? Nababaliw na ba 'to?
"I need to check some places for advertising reasons. So if you're going around Bali, let's just travel around together."
Huminga siya ng malalim at napaisip. Si Kristoff na ang namamahala sa kompanya ng pamilya nito. They own the 'Pilipinas Air' na isa sa mga sikat na airline companies sa bansa. This man was an Aeronautical engineer and he also took flying lessons but he still chose to get into business and the corporate world and became the youngest CEO of a vast company. He loved flying a plane but it just became a hobby for him rather than a career.
I guess being gifted doesn't always mean you can do the things you really love to do.
"I guess it won't be bad if we travel together. But, let's be clear. If you don't like where I'm going, you are always free to go on your own."
"No problem. I value your judgment since you're a frequent traveller," anito na sinulyapan siya. "Now, can you please take a shower? You're shamelessly displaying yourself."
"This is my room anyway. I can do whatever I want. I can even strip naked and you can always choose to close your eyes." She raised her eyebrow.
"Oreo, I'd love to see that!" pagbibiro naman ni Enri.
Tiningnan niya ng masama si Enri. "Isa ka pa. Tumanda ka lang naging manyak ka na."
Napailing na lamang siya. Kumuha siya nang damit na susuotin mula sa loob ng kaniyang maleta at dumiretso na ng banyo upang makapag shower.
*****
Ayieee. Namiss niyo ba ang friendship nilang tatlo?
Salamat po sa votes and comments!
Love & Light,
BC
BINABASA MO ANG
Unrivaled [Completed]
RomanceKristoff is a genius, and Oreo is fiercely competitive, always determined to outshine everyone-especially him. What begins as an intense rivalry soon evolves into an unexpected friendship, filled with intellectual sparring and undeniable chemistry...