Chapter 17

12 2 2
                                    

Lumipas ang mga araw at mga buwan. Hindi niya alam kung anong nangyari ngunit kapag nag – lulunch siya ay mas marami pa siyang naging kasama. Magkasabay pa rin sila ni Enri ngunit nakikiupo na rin sa kanila ang tatlong lalaking kaibigan niya na sina Kristoff, Arkhee at si Ash. Ang mas lalong ikinagulat niya ay ang pagsabay rin sa kanila ni Dan.

Si Dan na palaging tahimik ngunit kapag kasama nito si Ash ay maririnig mo itong nagsasalita at ang mas nakakabilib pa ay inaasar nito si Ash. Ang lalaking itinuring nilang hari ng asar ay siya na ngayong mabilis mapikon dahil sa panunukso mula sa magandang si Dan. Hindi inakala ni Oreo na magkakaroon pa siya ng isa pang bagong kaibigan sa huling taon niya sa highschool.

Mommy, I hope you're watching over me. I'm making more friends than I thought I would!

Magkasama sila ngayon ni Dan papunta sa gym ng eskwelahan. Ngayon ang unang araw ng kanilang Intramurals. Katatapos lang nilang dalawa na maglaro ng chess at pareho silang nanalo at nakapasok sa quarter – finals. Si Dan ang naging kampeon noong nakaraang taon sa naturang indoor sports. Siya naman ay nasa 3rd place lang ngunit naging kampeon naman siya sa taekwondo.

Napagtanto ni Oreo na kung gaano kalaki ang kakulangan ni Dan sa pakikisalamuha sa ibang tao ay ganoon naman kalaki ang ibinigay na talento ng Diyos dito sa larong chess. Ang pagkakaalam niya ay bata palang ay naglalaro na ito at marami nang napanalunan hindi lang dito sa Pilipinas ngunit pati na rin sa ibang bansa.

Narinig niya pa kanina mula sa ibang chess players na naging 'Grandmaster' ito sa edad na labin-dalawang taon. Mas lalo tuloy siyang napahanga sa babaeng kaklase. Mukhang ang mga taong palaging walang imik ay binibiyayaan ng Diyos ng magagandang talento at katalinuhan, katulad nalang din ni Kristoff.

Nakarating na rin sila sa loob ng gym at naghanap ng mauupuan. Nagsisimula na ang larong basketball dahil kaniya – kaniya na ng sigaw ang mga manonood. Napilitan sila ni Dan na pumunta dahil nakapangako sila sa mga lalaking kaibigan na manonood sila at mag – checheer sa mga ito.

Si Enri, Ash at Kristoff ang kasali sa basketball. Si Arkhee lamang ang hindi kasali dahil nasa larong tennis ito. Senior versus sophomore ang team na naglalaban. Kulay pula ang jersey ng senior na siyang opisyal na kulay para sa kanilang mga nasa huling taon ng higschool. Dilaw naman para sa Sophomores.

Kaya naghanap sila ng mauupuan kung saan maraming mga taong nakasuot ng pula dahil ibig sabihin ay mga seniors din ito. Nakahanap din naman sila agad ni Dan at naupo na rin sila. Napansin niyang mainit ang laban dahil halos magkadikit ang mga scores ng bawat team.

"Buti nalang nakahabol pa tayo Dan," bulong niya sa tainga ng katabi. Tumango lang ito sa kaniya. Halos hindi sila magkarinigan dahil napaka ingay ng ibang mga manonood na naghihiyawan para sa manlalaro. At ngayon lang napansin ni Oreo na mayroon palang fansclub ang mga kaibigan niya. Hindi niya akalain na sikat pala sa buong eskwelahan ang mga kaibigan nila, hindi lang sa kanilang klase.

"Seniors! Seniors! Seniors!" sabay – sabay na sigaw ng mga estudyanteng nakapalibot sa kanila ni Dan. May mga dala pa itong mga banner at balloons na iwinawagayway, para naman silang dalawang mga tuod na nakaupo lang at tahimik na nanonood.

Maraming mga taga hanga si Enri dahil kapag nakakashoot ito ay nagsisigawan ang mga babae. Ngayon lang napansin ni Oreo na hindi nakasuot si Kristoff ng salamin nito sa mata. Maaaring nagsuot ito ng contact lens at si Ash naman ay nakatali ang bangs.

Katatapos lang ng 3rd quarter. Naupo ang mga manlalaro sa bench at kaniya – kaniyang punas ng mga pawis ang bawat isa sa kanila. Nakita niyang nahagip sila ng tingin ni Enri kaya kumaway ito sa kanila. Subalit isang grupo ng mga babae ang nagsisisigaw at mukhang nasiyahan sa ginawa ni Enri kaya nagkatinginan na lamang sila ni Dan at natawa.

Unrivaled [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon