Chapter 18

8 2 3
                                    

Naguguluhan na si Oreo sa nangyayari. Hindi makahanap ang utak niya ng sagot sa inaakto ni Kristoff. Kung sana kasing dali lang nito intindihan tulad ng Newton's 3rd law of motion na, 'For every action, there is an equal and opposite reaction', kahit pikit – mata pa ay mabilis niya itong maiintindihan.

Subalit ang mga ganitong sitwasyon ay hindi itinuturo ng kaniyang mga guro. Ni wala ito sa Religious Education o Values Education, kung paano kakausapin ang taong hindi ka pinapansin.

Napabuntong – hininga siya. Hindi na niya matiis ang pagiging malamig ni Kristoff sa kaniya. Naikuyom niya ang mga palad. Bakit nga ba masyado siyang naging apektado sa hindi pagpansin sa kaniya ni Kristoff? Dahil ba ayaw na niyang maulit pa ang nangyari sa kanila dati na hindi sila nagpansinan ng ilang araw? O may iba pa bang dahilan?

Hinawakan niya ang braso ni Kristoff na ikinagulat ng lalaki. Kahit siya ay nagtaka sa sariling ikinikilos. "Enri, Arkhee, you go ahead. May sasabihin lang ako kay Kristoff. Ireserve niyo na lang kami ng seats."

Nagtataka man ang dalawang kaklase, ay nagkibit – balikat na lamang ang mga ito at nagpatuloy sa paglalakad. Nang makalayo – layo na ang mga kaibigan niya ay itinuon na niya ang atensyon kay Kristoff na noo'y nakatitig na pala sa kaniya. Natubuan siya ng pagkailang nang magtama ang kanilang mga mata. Mabilis siyang nag iwas ng tingin. Saka lang niya napansin na nakahawak pa rin pala siya sa braso nito, kaya agad na binitiwan niya ito.

"S – Sorry." Pakiramdam niya ay naubusan siya ng mga salitang dapat sabihin. Bakit nga ba naisip niyang kausapin si Kristoff kung wala naman pala siyang lakas ng loob?

"Galit ka ba Kristoff?" patuloy niya.

"What if I am?" balik nitong tanong sa kaniya na malamig pa rin ang pakikitungo.

Hindi siya makatingin ng diretso sa lalaki. Paiba – iba ang direksyon ng kaniyang paningin.

"Why? What's the reason?"

There was a long pause. With a heavy sigh, Kristoff answered with calmness in his voice.

"Because I didn't like it when you cheered for Enri."

"Why?" she's now becoming more curious of Kristoff's feelings.

"Because you're cheering for other guys and not me!" mahina ang boses ni Kristoff ngunit may bakas ito ng inis.

"Why do you have to be upset?"

Napahawak ang lalaki sa sentido nito na para bang nahihirapan ding ipaliwanag sa kaniya ang sitwasyon. "Because I don't like it Oreo! I don't like it when you're close with other guys!"

"Why?" Hindi pa rin siya kontento sa mga naging sagot nito.

"I don't know. Maybe this is what they call being jealous." He sighed while his face was becoming red. And then a memory of Dan telling her about this flashed in her mind. Dan was right. But how did Dan know about this and how come she couldn't understand?

"Why do you feel that?" She finally gazed at Kristoff's eyes. Now she's not just curious but she was eager to recognize these things for her to understand him more.

"I...don't know too. I've never felt this before. But ever since you and Enri got pretty close, it annoys me seeing you together. And you're always smiling kapag kasama mo siya." Kristoff held his nape, like he was embarrassed. "And you even cheered on him during the game. It's not fair!"

"That's because I promised him I will! I just kept my promise. I don't think that you have to be angry about it. I wanted to cheer on you too, but you ignored me when I waved at you!" Paghihimutok niya.

Saglit namang natigilan si Kristoff sa kaniyang sinabi. "Sorry. That was mean of me. To be honest, I don't really know how to act when I'm feeling this way. I don't want to be angry at you but I also can't pretend I'm okay. I guess there are things that even a genius like me can't figure out."

Napahanga si Oreo sa mga sinabi ni Kristoff. Nagagawa rin palang tanggapin ni Kristoff na may mga bagay itong hindi alam at hindi rin maintidihan, tulad niya, kahit pa itinuturing ito ng lahat na gifted child. Mas lalo siyang namangha rito at sa di malamang kadahilanan ay nag – iiba na ang bulong ng puso niya.

"Hmmm. Kapag hindi mo alam ang gagawin mo, tanungin mo nalang ako."

"Don't make me laugh Oreo. Alam naman natin na sa ating dalawa ikaw ang mas walang alam." Napangiti ito na may pang – aasar. Uminit na tuloy ang ulo niya sa sinabi nito. Binabawi na niya ang paghanga sa lalaki.

"Ang pangit talaga ng ugali mo kahit kailan! Binabawi ko na ang sinabi ko. Buti pa 'wag mo na akong kausapin." Tinalikuran niya ito at pabagsak na naglakad. Ngunit mabilis na napigilan siya ng kamay ni Kristoff. Nilingon niya ito at naging seryoso na ang pagmumukha nito.

"Oreo, hindi ko mapigilan mainis kapag nakikita kitang may kasama kang iba, lalo na si Enri dahil alam kong may gusto siya sa 'yo."

"But Enri is a friend. I like being his friend."

"I know. And I won't stop you being friends with him. I'm not that selfish." Napabuntong – hininga ito saka nagpatuloy. "Takot lang akong baka magkagusto ka na sa kaniya. If that happens, I don't know what to do."

Hindi alam ni Oreo kung bakit sa pagkarinig ng sinabi niyon ni Kristoff ay kakaiba ang naramdaman niya. Para bang may dumaloy na kuryente sa buong katawan niya na nagpatibok ng malakas sa kaniyang puso. Hindi maipaliwanag ng utak niya kung anong ibig sabihin ng mga nararamdaman niya.

"Ano ka ba, mas gusto pa rin kita. Mas matalino ka pa rin sa kanilang lahat." Walang malay niyang sabi. Iyon naman talaga ang totoo. Wala nang makakalamang pa sa katalinuhan ni Kristoff na para sa kaniya na palagi na lamang kasunod nito sa academic rankings.

Nakita niya ang pag – iba ng ekspresyon sa mukha ni Kristoff. Nabitawan nito ang braso niya dahil tinakpan nito ang bibig na para bang ayaw nitong makita niya ang pagngiti nito ngunit halata pa rin naman. Palingon – lingon rin ito sa ibang direksyon, hindi makatingin ng diretso sa kaniya.

"R – Really?" tanong nito na nautal pa.

"Oo. Bakit, may mas tatalino pa ba sa 'yo?"

He looked disappointed. And took his hand away from his mouth. "That's not what I meant. Hays...never mind. Let's go. I'm hungry."

Nauna na itong naglakad sa kaniya. Hinabol na lamang niya ito kahit nagtataka siya sa naging asal nito.

"Kristoff, kung wala kang gagawin mamaya, manood ka sa laban ko sa taekwondo," aniya nang makahabol siya sa paglalakad.

"Why?"

"Because I want you to be there. It would be nice to know you're there to see me."

"Okay," tipid nitong sagot.

"Thank you! Mas ginaganahan akong manalo kapag nakikita kita." Napangiti siya.

Gusto niyang makita siya ni Kristoff na magaling din. She wanted him to recognize her worth, that she's good even though she wasn't better than him. She always felt the desire to make herself a good rival to Kristoff.

Sinulyapan niya ito at napagmasdan niya na napapangiti si Kristoff. Napakibit – balikat na lamang siya at itinuon na lang ang atensyon sa paglalakad papunta sa cafeteria upang makapananghalian na. 


*****


Kinilig ka ba sa moment nilang dalawa? Ako rin! Ayieee. Ang cute magselos ni Kristoff, noh?


Salamat sa votes at comments po!


Love & Light,

BC

Unrivaled [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon