Prologue

79 2 7
                                    

Rio de Janeiro, Brazil - (Present Day)

"Ahhh! Heaven..." sambit ni Oreo nang umahon na siya mula sa tubig at naglakad na papunta sa baybayin. Matapos ang halos dalawang oras na paliligo at pagbibilad sa mainit na araw ng Ipanema ay sa wakas ay napag desisyonan na niyang bumalik na sa kaniyang hotel na tinutuluyan. Naisip niyang mag weekend sa isang hotel dito sa Ipanema at mag staycation upang makapag – unwind.

Halos mag aanim na buwan na siya rito sa Brazil ngunit hanggang sa Rio pa lamang siya nakakapamasyal. Ni hindi pa siya nakakapunta ng Amazon na bahagi sana ng kaniyang bucket list. Pagkatapos ulit ng ilang buwan ay matatapos na ang kontrata niya rito sa isang ospital kaya kailangan na niyang sulitin ang mga panahon na kaya niyang makapagbakasyon sa bansang ito.

Isinuot niya ang sunglasses at tsinelas na iniwan niya lamang sa isang sun lounger kanina habang naliligo siya. Naglalakad na siya pabalik sa direksyon ng kaniyang hotel nang mamataan niya ang isang pamilyar na babaeng nakasuot ng puting cover – up dress na nakaupo sa ilalim ng isang parasol at nilalaro ang buhangin.

"Dess? Dessa Velasco, is that you?" tanong niya rito nang makalapit siya sa harap nito. Mukhang hindi siya agad nito nakilala kaya tinanggal niya ang suot na sunglasses. "It's me, Dess! It's Oreo!"

"Oreo! Oh my goodness! What a surprise!" Nagulat ito at mabilis na tumayo nang makilala siya. Napayakap pa itong si Dessa sa kaniya sa sobrang tuwa.

"What are you doing here Dess? I can't believe I'll meet you here after what...five or six years?" tanong niya nang maghiwalay ang kanilang mga katawan.

"I'm just here for the weekend with a friend. How about you? I missed you! After med school hindi na talaga tayo nagkita. Who would have thought I'll meet you here?!"

Dessa was her junior in med school. Isang taon ang agwat niya rito ngunit hindi ito naging hadlang na maging malapit silang magkaibigan. Ngunit pagkatapos niyang magtapos ng medisina sa Pilipinas ay pumunta siya ng Amerika upang doon magpatuloy.

Hindi niya sinabi rito na nakatanggap siya ng scholarship sa isang university sa Amerika dahil ayaw niyang mag – alala ito sa kaniya. Ang Amerika ang naging daan upang makatakas siya mula sa lalaking iyon. At kinailangan niyang ilihim lahat ng kanyang whereabouts, kahit sa social media ay hindi rin siya naging active.

"Ako ba? I'm almost done with my one – year contract here. I'm a cardiothoracic surgeon sa isang hospital dito sa Rio. Natuloy ka ba sa neurosurgery?" Oreo smiled.

Tumango si Dessa at napangiti rin sa kaniya. Marami siyang masasayang alaala kasama ito noong nag – aaral pa sila. May mga panahong halos gusto na nitong sumuko at ayaw nang magpatuloy pa subalit pinapalakas niya ang loob nito. And Dessa did the same for her too. They were both each other's cheerleaders. This woman was like a sister she never had.

"You're off the grid after med school. You're not even in social media. Hindi ko alam ang rason mo pero masaya ako na nakita kita ulit," maririnig sa boses nito ang kalungkutan.

"Hmmm...halika! I know a good Churrascaria around here. My treat!" Hinila niya ito. Ngunit biglang pumasok sa utak niya ang suot – suot niya. Naalala niyang naka two – piece bikini lamang pala siya. "But before that, I need to put on a dress! Daan muna tayo sa hotel ko."

-----

Tawang – tawa si Dessa habang nagkukwentuhan sila. Nasa isang Churrascaria (traditional barbecue restaurant) sila at kumakain ng masarap na barbecue. Hindi kumpleto ang experience nito ng Rio kung hindi ito makakakain sa isang churrascaria at matikman ang sikat nilang specialty na Picanha.

"Naalala mo 'yung pumasok ako ng klase na wala akong suot na bra sa sobrang pagmamadali ko na hindi malate? Grabe ang tawa ko 'nun. Buti nalang talaga dinalhan mo 'ko. Buti nalang nakapag jacket ako that time," natatawang kwento niya na nagpatawa na naman kay Dessa ng malakas. Naluluha na ito sa kakahalakhak. Maaring nag – faflashback din sa utak nito ang mga masasayang alaala nilang dalawa.

Unrivaled [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon