Chapter 31

6 1 0
                                    

3 months later - Philippines

"Oh good! You're here Oreo. Dinner's almost ready!" Masayang bati sa kaniya ni Dessa nang dumating siya sa bagong bahay nito. Ito ang unang pagkakataon na nakabisita siya sa mag – asawa mula nang ikasal ang mga ito sa Bali. Noong nakaraang buwan ay inimbitahan siya ng mga kaibigan na pumunta sa blessing ng bahay ng mga ito ngunit pinili niyang huwag na lamang pumunta dahil alam niyang magkikita sila ni Kristoff.

Matapos ang kanilang malungkot na confrontation sa huling templong binisita nila ay hindi na sila nag – usap pa ni Kristoff. At pagkatapos niya ring umuwi rito sa Pilipinas ay hindi na sila nagkita pa ng lalaki. Kahit ayaw niya man aminin, hindi pa siya handa na makita ulit ito. Hindi pa handa ang puso niya at natatakot siyang baka hindi niya mapigilan ang sariling umiyak na naman.

Pinilit niya ang sariling maging busy upang makalimutan na nang tuluyan ang lalaki. Nahire siya sa St. Andrew's Hospital kung saan shareholder na rin pala si Enri pati ang kapatid nitong si Eliza at kung saan affiliated rin si Dessa. Pinayagan siya ng management na maging kanilang resident surgeon habang hindi pa siya nakakapagpatayo ng sarili niyang clinic. Kahit medyo iba ang pamamalakad ng ospital kumpara sa naranasan niya sa ibang bansa ay hindi naman naging mahirap sa kaniya ang mag – adjust sa bagong working environment.

Ngayon ay hindi na talaga siya nakaiwas pa na bumisita sa bahay ng kaibigang si Dessa dahil may importante raw itong sasabihin sa kaniya.

"Sorry, I'm late. Had an urgent patient kasi," aniya na nakipagbeso – beso sa kaibigan.

"No worries, at least nandito ka na. Diretso ka na lang sa may garden, Eo." Itinuro nito ang direskyon. "Sa kusina muna ako."

Tumango siya at iniwan na siya ng kaibigan. Inilibot niya ang mga mata sa bahay nito habang naglalakad papunta sa direksyon ng garden. Maganda ang disenyo ng bahay, minimalist style. It's adorned with indoor plants and vases in natural colors. Their living room is tinted in white which made the verdant plants shine its beauty towards her eyes. Dessa had good eyes for aesthetic things.

Hindi niya mapigilang mapangiti sa ganda ng kaniyang nakikita. Nakatayo siya sa bukana ng indoor garden at hindi niya mapigilang mamangha sa ganda ng mga halaman at bulalak na nakikita niya. Hindi tuloy niya napansin na tinatawag na pala siya ng mga taong nasa long table na nakaupo sa mga upuan sa may bandang kanan mula sa kinatatayuan niya.

"Oreo, buti andito ka na. Akala ko hindi ka na naman pupunta," ani ni Arkhee na lumapit sa kaniya.

"Yeah, thanks for having me for dinner. What's the --" natigilan siya sa nakikita. Ang buong akala niya ay simpleng dinner lamang ang pupuntahan niya na kasama ang dalawang kaibigang sina Arkhee at Dessa. Ngunit hindi niya inaasahan na mukhang reunion pala ang pinuntahan niya. Nandito ang mga kaibigan nila.

Subalit ang mas ikinagulat niya ay ang makita sa unang pagkakataon, pagkatapos ng tatlong buwan, ang taong ipinapanalangin niyang hindi muna niya gustong makasalamuha. Kristoff's here, wearing a black suit, staring at her with those fascinating eyes behind those glasses. He's still very handsome with that grave expression of his, not showing any emotion towards her.

Nakaramdam siya ng pagkailang nang pagmasdan siya nito. Magsisinungaling siya sa sarili kung hindi niya aaminin na namiss niya ang taong ito. Kung hindi dahil sa ginawa nitong gimik na proposal, maaaring hindi ganito ang sitwasyon nilang dalawa. Ngunit sa tingin niya ay itinadhana na talagang magkahiwalay sila at matapos na ang kung anumang namamagitan sa kanila ni Kristoff.

You gave up on me. That was enough.

"Hi Eo!" bati ni Ash na kumaway pa sa kaniya. "Finally nagpakita ka na rin. I told Enri to fire you because you're trying to avoid me because of work."

Oh great. Ash is here. Actually, everyone's here. Kainis.

Napabuntong – hininga na lamang siya at ngumiti nang pilit sa mga kaibigan.

"Oh, shut up Ash. You'll never find a surgeon as good as Oreo. Her credentials are just amazing, the hospital will never let her go that easy," react naman ni Enri. Katabi nito si Eliza na kumaway na rin sa kaniya.

"Dessa didn't tell me it's a party Khee, why is everyone here?" baling niya kay Arkhee habang papalapit sila sa grupo.

Napakamot ito sa ulo na para bang hindi nito alam kung paano siya sasagutin. "Well...baka nakalimutan niya lang sabihin sa'yo?"

"Hmmm. I doubt that. Anyway, it's okay," naupo siya sa isang bakanteng upuan sa tabi ni Eliza. "Can I sit here Liz?"

"Sure!"

Nang makaupo siya ay saka niya lamang napansin na may katabing babae si Kristoff na hindi niya kilala. Napagitnaan ito nina Kristoff at Ash na nakaupo sa harap niya. Maganda ang babae, mahaba at shiny ang buhok nito at nang ngumiti ay may perfect smile, parang pang toothpaste commercial. Sa suot nitong blazer ay halatang disente ito.

Ayaw niya mang aminin ngunit nakaramdam siya ng kirot sa dibdib nang makitang magiliw itong nakikipag – usap kay Kristoff. Hindi niya rin napigilan ang sariling mapatitig dito kaya maaaring napansin ito ni Ash.

"Oreo, this is Shola. I'm afraid this is your first time meeting each other? Shola, that's our Oreo," nakangising pagpapakilala sa kanila ni Ash.

Tumayo ang babae at iniabot ang kamay nito sa kaniya. Alam niyang narinig na niya ang pangalang iyon ngunit hindi niya maalala agad kung saan.

"Hi! Nice to finally meet you, Oreo." Ngumiti ito ng buong puso sa kaniya. Kahit busy ang utak niyang alalahanin kung saan niya narinig ang pangalan nito ay tinanggap na lamang muna niya ang kamay nito at nakipag handshake.

"Nice to meet you, too Shola," sambit niya. Nang makaupo ito balik sa kinauupuan ay nasagi ng mga mata niya si Kristoff. Nagtama ang kanilang mga paningin at saka naalala ng utak niya kung saan niya narinig ang pangalan ni Shola. Bigla siyang nakaramdam ng kirot sa kaniyang puso. Isa si Shola sa mga idinate ni Kristoff noon.

Huminga siya ng malalim upang pakalmahin ang sarili. Tatlong buwan na ang lumipas mula nang pakawalan niya si Kristoff. Natural lamang na makipagdate na ito sa iba. Subalit hindi niya ito napaghandaan. Hindi niya inaasahan na mabilis itong mag momove – on.

Hindi mo nga talaga ako minahal. Was love even real with you, Kris?



***

Oh No! Tama kaya ang speculation ni Oreo na nakapag move na ang ating mahal na si Kristoff? 


Ano sa tingin niyo?


Love & Light,

BC

Unrivaled [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon