Nakagat niya ang ibabang labi upang pigilan ang sariling mapaiyak. Kailangan niyang harapin ang katotohanan at maging malakas. Kailangang masanay na siya sa ganitong mga sitwasyon na makita si Kristoff na may kasamang iba.
Hindi niya ito maiiwasan dahil nasa iisang circle lang naman sila. Ang mga kaibigan niya ay kaibigan din nito. Kahit pa umalis siya at magpakalayo – layo, imposibleng mawala ito ng tuluyan sa buhay niya. Napatingin siya kay Shola na ngayo'y serysosong nakikipag – usap kay Ash. Hindi niya masisisi si Kristoff kung magustuhan niya man ang babaeng ito dahil mukhang may maganda itong personalidad.
Hindi niya naiwasang matingnan si Kristoff at nagtama na naman ang kanilang mga mata. Mabilis niyang binawi ang kaniyang paningin. Nang lingunin niya ang katabing si Eliza ay abala ito sa panonood ng K – drama sa cellphone kaya nakaisip siya ng ideyang manood na lang din ng medical videos habang naghihintay ng dinner.
Kailangan niyang iwasan ang mga mata ni Kristoff dahil baka sa susunod na magtama ang kanilang paningin ay hindi niya mapigilan ang maipakita rito ang sakit na nararamdaman niya. Sinong hindi masasaktan sa nakikita ng kaniyang mga mata? Ito na ang isang patunay na tuluyan na siyang kakalimutan ni Kristoff. Parang pinipiga ang puso niya sa iniisip.
Kinuha niya ang cellphone sa loob ng kaniyang bag. Itinuon niya ang sarili sa gadget na hawak. Abala na ang mga kaibigang sina Arkhee, Enri at Kristoff na nag – uusap ng mga patungkol sa ekonomiya at negosyo. Si Ash at Shola naman ay seryoso pa ring nag – uusap.
Pangiti – ngiti naman si Eliza na halatang natatawa sa napapanood na palabas habang siya ay pilit na pinipigilan na hindi mag breakdown sa harap ng lahat.
"Hi guys!" naputol ang kaniyang pagmumuni – muni nang may dumating na lalaki na hindi pamilyar sa kaniya. Sa hitsura nito ay mukhang kagagaling lang nito sa gym dahil may dala – dala pa itong gym bag. Nakasuot ito ng white t- shirt, jogging pants at running shoes. Matangkad ito, gwapo at may maamong mukha. Napatingin ang lahat sa bagong dating na lalaki.
"Hi Zayne! Thanks for coming," Arkhee stood up and shook the hand of the newcomer. "Dinner's almost ready, so just sit wherever you want."
Binati naman si Zayne ng iba pa nilang kaibigan na naroroon. Mukhang siya lamang ang hindi nakakakilala rito.
"No problem. Thanks for having me," ani ni Zayne na inilibot ang tingin sa buong dining table. Tinitigan siya ng lalaki at napagtanto niyang may dalawa pang upuan na bakante sa tabi niya.
She smiled politely to Zayne and uttered, "You can sit here."
Lumapit at ngumiti ang lalaki sa kaniya. Naupo ito sa katabi niyang upuan at nagpakilala. Ngayong mas malapit na sa kaniya ang lalaki ay mas nabanaag niya ang kagwapuhan din nito. Sa hitsura nito ay mukha itong may lahing Español dahil sa features nito. Ngunit aaminin niyang mas gwapo pa rin si Kristoff para sa kaniyang mga mata.
"I'm Zayne. This is the first time I've seen you, are you Dessa's friend?"
"Yeah and Arkhee's too. I just arrived, actually. I'm Oreo." She courteously offered a handshake to the new person beside her. It was warmly accepted by Zayne and they both smiled at each other after.
But in her peripheral view, she was sensing a very frightening feeling. It felt like someone was staring at her with blazing, murdering eyes, ready to shoot her in no time.
Napalunok siya. Tumaas ang mga balahibo niya sa batok sa nararamdamang negatibong presensya. Ramdam niya na may mga matang masamang nakatitig sa kaniya, ngunit wala siyang lakas ng loob na kumpirmahin kung sino ito o kung saan ito galing. Masama na ang takbo ng imahinasyon niya, palagay niya ay may multo rito sa bagong bahay nina Dessa.
BINABASA MO ANG
Unrivaled [Completed]
RomanceKristoff is a genius, and Oreo is fiercely competitive, always determined to outshine everyone-especially him. What begins as an intense rivalry soon evolves into an unexpected friendship, filled with intellectual sparring and undeniable chemistry...