"Mommy, tinupad po ni Kristoff ang promise niya sa'yo," sambit ni Oreo habang inaayos ang dalang bulaklak sa puntod ng kaniyang ina. "Daddy, this is Kristoff, boy-I mean fiancé ko po."
Dahil pinaplano na nila ang kanilang kasal, naisipan nilang dalawa na bisitahin ang puntod ng mga magulang.
Isang buwan na mula nang mangyari ang aksidente nina Kristoff. Naging maayos naman ang lagay ng lahat ng mga naka survive sa plane crash. Wala namang nasawi sa mga naging biktima. Naging kritikal lang ang lagay ni Ash ngunit mabilis ding nakapag recover ito sa nangyari na ikinatuwa naman nina Dan at ng buong ABC Group of Companies.
Matatandaang halos dalawang linggo ring nakaratay sa ospital ang kaibigan nilang iyon. Halos araw-araw rin ang kaibigan niyang si Dan na umiiyak sa tabi ni Ash noong hindi pa ito nagkakamalay. Pinayuhan naman niya itong 'wag masyadong magpaka-stress dahil nga nagdadalang tao ito at makakasama ang sobrang stress sa ipinagbubuntis nito.
Sa kabilang banda ay halos sisihin din ni Kristoff ang sarili sa nangyari ngunit pinatunayan ng mga imbestigador na hindi niya kasalanan ang aksidente.
Nalaman nilang mechanical failure ang dahilan kung bakit bumagsak ang eroplano at isang malaking himala na nakapag emergency landing sila sa karagatan. Masasabing isa talagang magaling na piloto si Kristoff dahil nagawan nila ng paraan na hindi tuluyang mag crash ang eroplano at nagawa nilang isalba ang lahat upang makapag evacuate agad. Isang blessing na nakasurvive silang lahat sa nangyari.
Dahan dahan nang nakapag move on ang mga ito. Subalit alam niyang may trauma pa si Kristoff sa pagpapalipad ng eroplano. Alam niyang may mga pag aalinlangan na ito sa sarili kaya handa siyang palakasin ang loob ng binata.
"I think Tita Vicky already knew this will happen in the future. Mukhang alam niya talagang magugustuhan mo ang gwapong katulad ko."
Natawa ng bahagya si Oreo. "Lumalakas ang hangin sa kayabangan mo, love. Baka liparin tayo."
Simula ng naging opisyal na ang kanilang relasyon ay "Love" na ang tawag niya sa lalaki. Hindi naman nagbago ng endearment sa kaniya si Kristoff. "Chocolate" pa rin ang tawag nito sa kaniya.
"Di ba talaga ako guwapo para sa'yo? Magtatampo na ba 'ko?" Naghihimutok na tanong sa kaniya ng minamahal na halata namang nanunukso lang.
"Hays, ikaw naman oh, di mabiro. Siyempre ikaw ang pinaka guwapo at pinakamatalino para sa'kin," lumapit siya rito at saka niyakap si Kristoff mula sa likuran nito. "Ang cute mo kapag nagtatampo."
Hinawakan naman ng lalaki ang kanyang mga kamay at nilingon siya. "Sa'yo lang ako nagpapacute ng ganito. Wala ng ibang lalaking kasing cute ko."
Hinigpitan niya pang lalo ang pagkakayakap sa baywang nito. "You're mine, Kenneth Kristoff Alvarez. Wala kang dapat ibang pagpapa cutean kundi ako lang."
Hindi alam ni Oreo saan nanggaling ang pagiging possessive niya.
Tinanggal ni Kristoff ang kaniyang mga braso mula sa pagkakayakap at hinarap siya nito. Hinawakan ng dalawang kamay ng binata ang mukha niya at inilapat nito ang mga labi sa labi niya.
Isang mainit na halik ang pinagsaluhan nilang dalawa. Ramdam ni Oreo sa buong katawan ang maliliit na kuryenteng dumaloy papunta sa kaniyang puso na siyang nagpabilis sa tibok nito.
It was a perfect afternoon, the kind that seemed to pause time itself. The wind was caressing Oreo's hair, the sun drenched its golden gleam upon them, warming not only their bodies but something deep inside her. Kristoff's scent-intoxicating-wrapped around her like a spell, pulling her closer, and the taste of his lips sent a rush of warmth through her veins. His kiss was more than just a touch-it was a promise, a possession, a beautiful surrender.
She was gasping for air when their lips finally parted, her chest rising and falling as if trying to catch up with the pounding of her heart. Her skin was warm, with every nerve awakened by his nearness.
Then, in a voice so low and intimate it felt like a secret meant only for her, Kristoff leaned in and whispered against her ear, "I love you, Chocolate, a thousand times over and more."
END
***
Ayiieeeee!!!!! Salamat sa pagbabasa ng kwentong ito!
I am so happy natapos ko ito matapos ang matagal na panahon. Sana ay nasiyahan kayo sa love story ni Oreo at Kristoff.
Mahal ko kayo!
Now, onto the next story!
Love & Light,
BC
BINABASA MO ANG
Unrivaled [Completed]
RomanceKristoff is a genius, and Oreo is fiercely competitive, always determined to outshine everyone-especially him. What begins as an intense rivalry soon evolves into an unexpected friendship, filled with intellectual sparring and undeniable chemistry...