Chapter 25

12 1 4
                                    

Unang araw ng pamamasyal nina Oreo at Kristoff sa Bali. Napagpasyahan nilang mag hire na lamang ng sasakyan na may kasamang driver mula sa hotel upang makarating sa unang destinasyong gusto nilang puntahan. Hindi pumayag si Kristoff na mag motorsiklo sila dahil napakadelikado raw nito. Kahit naghihimutok siyang pumayag ay sumunod na lamang siya dahil may punto rin naman ito.

English – speaking driver ang inirekomenda sa kanila ng hotel at buong araw nila itong kasama sa lahat ng lugar na gusto nilang puntahan. Mabuti na lamang at mabait din ang driver dahil ito na rin mismo ang nagbibigay sa kanila ng mga magagandang recommendations kung anong mga lugar ang magandang madaanan habang papunta sila sa Uluwatu na siyang gusto niyang bisitahin.

Bali, Indonesia is a home for beaches, volcanoes, and rice terraces just like the Philippines. But what makes it different from her home country are the Hindu Temples that were built numerous decades ago and have been a sturdy place of worship for the believers of Balinese Hinduism. The Uluwatu Temple is one of the must – see temples in the island which stood on a limestone cliff, overlooking the waves of the ocean.

Hapon na ng makarating silang dalawa ni Kristoff roon. Sinadya nilang ito na ang pinakahuli nilang pupuntahan sa buong araw dahil ang payo ng driver ay maganda raw doon panoorin ang sunset. Pareho silang nalula ni Kristoff nang makita ang kagandahan ng Uluwatu temple. Hindi na sila magtataka kung bakit dinadagsa ito ng mga turista.

Nakakamangha ang tanawin na nakikita niya. Isang templo ang nakatayo sa gilid ng bangin na napapalibutan ng gubat at sa ilalim nito ay malalakas na alon na humahampas sa mga bato. Maraming turista ang naroon at kaniya – kaniyang picture sa lugar. Hindi siya nagsisising napagpasyahan niyang magtravel ng Bali dahil napakaraming pwedeng puntahan dito.

Nang naroon na sila ay kaniya – kaniya silang kuha ng pictures ni Kristoff sa mga templong naroon sa lugar. Tahimik lang sila sa buong araw sa kanilang pamamasyal, na para bang pareho pa nilang kinakapa paano pakisamahan ang isa't – isa. Ito ang unang pagkakataon na nagkasama sila ng buong araw na sila lamang dalawa matapos ang napakaraming taon.

Kahit siya ay hindi mapigilan magkaroon ng pag – aalinlangan at pagkailang paminsan – minsan dahil nahuhuli niya itong nakatitig sa kaniya. Ngunit hindi naman siya kinakausap maliban na lang kung patungkol sa direksyon o pagkain ang sasabihin nito. Bumuntong – hininga siya at nilapitan ito habang kumukuha ng picture ng Uluwatu Temple.

"Kris, akin na phone mo." Aniya sabay bukas ng kaniyang palad sa harap nito. Nakunot nito ang noo sa sinabi niya. "I'll take a picture of you. This place is nice, you shouldn't miss it."

Saglit itong nagulat ngunit mabilis ding nakabawi. "Are you sure? Is it okay?"

"Yep, so give me your phone, bilis. Habang di pa masyadong maraming tao rito."

Ibinigay nito ang cellphone sa kaniya. Mabilis naman siyang kumuha ng maraming shots sa lalaki habang ang background ay ang Uluwatu Temple. Hindi tuloy niya napigilan mapamangha dahil photogenic din talaga itong si Kristoff. Hindi nababawasan ang kaguwapuhan nito sa personal man o sa picture.

Nang pakiramdam niya ay marami na siyang nakuha ay tiningnan niya muna ang mga ito kung hindi ba malabo ang mga pictures na kuha niya. Tinabihan naman siya ni Kristoff na nakikitingin na rin. Isa – isa niyang iniscroll sa gallery nito ang mga litrato. Napangiti siya dahil magaganda ang kuha niya sa lalaki at hindi na siguro ito mag rereklamo pa.

Patuloy pa rin siyang nag scroll sa mga pictures hanggang sa magulat na lamang siyang mukha na niya ang nakikita niya sa screen na nakatingin sa camera at nakangiti. Hindi niya naaalalang nagpapicture siya gamit ang cellphone ni Kristoff. Nagtataka man ay sinundan niya pa ito ng pag scroll at siya pa rin ang nakikita niya, puro mga candid shots ng sarili niya.

Unrivaled [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon