Day 1: Forget the Feeling

11 0 0
                                    

Hi Loyd,

Ayun, matapos ang pagmumuni-muni ko kahapon na realize ko na kailangan ko na talagang kalimutan ang nararamdaman ko para sayo.

Ilang taon na din. Hindi ko man aminin umaasa pa din ako na sana may pag-asa kahit kaunti. Na sana mayroon ka ding nararamdaman. Kaso alam kong imposible. Ikaw ang taong napapaligiran ng maraming magagandang dalaga. Alam ko ding hindi lang ako ang humahanga sayo. Marami kami. At imposibleng mapansin mo ang isang tulad ko. Dapat nga magpasalamat na lamang ako dahil kahit papaano nakilala kita. Salamat Loyd.

Kaya simula ngayon, may 30 days to forget the feelings ako patungkol sayo. Hindi ko kakalimutan ang mga ala-ala. Hindi ko kakalimutan ang nag-iisang ikaw. Ang kakalimutan ko lang marahil ay ang nararamdaman ko para sayo.

Paano ko magagawa?

Ang hindi ka muna kausapin.
Hindi ka muna guluhin.
Hindi ka muna kulitin.
Pansin ko din na kung sakaling hindi naman ako magtext, hindi ka din naman magrereply.
Paano ako yung marupok na hindi ka matiis na hindi ka kumustahin.
Kaya sa loob sana ng 30 days, magawa kong pigilan ang sarili ko.
Makakatulong din yun para hindi kita palaging isipin.

Kapag hindi ako naging matagumpay na alisin ang feelings ko for 30 days,  another 30 days ulit at ulit hanggang sa magawa ko. Hanggang sa masabi ko sa sarili ko na kaibigan na lang ang turing ko. Hanggang sa mawala na ang pag-ibig na mayroon ako sayo. Tulungan mo ko huh. Day 1 pa lang ako eh.

CJ 🌹

For You 🖤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon