Huling Tula

7 0 0
                                    

Paalam

Bawat hakbang paglapit,
Bawat hakbang din palayo.
Bawat mensahe,
Siya ding hindi mo pagsagot.

Dumating na ang oras kung saan nagising na.
Damdaming inalagaan ngayo'y palalayain na.
Siguro mas mainam ang hindi ka na gambalain pa.
Pag-ibig na itinago, ngayo'y pakakawalan na.

Hindi ninais ang makaabala.
Subalit dahil sa aking pag-aalala,
Nagiging sobra na.

Sa ngayon, sisikaping mawala na.
Sisikaping tuluyang alisin na.
Hindi man biglaaan,
Subalit paunti-unti,
Hanggang sa tuluyan nang maisara-
Ang kwento nating ako lang nag-akda.

Sana sa aking paglayo,
Lumaya na din ang puso.
Sa aking paglimot,
Hindi na sana mabigo.

Sapat na marahil ang apat na taon.
Pag-ibig na walang tugon ay akin ng ibabaon.

🙂

Paalam Loyd.
Sisikapin ka ng alisin sa puso.
Sisikapin ka ng hindi mahalin.
Sisikapin ng hindi ka maabala.
Dahil sa dami din ng iyong ginagawa,
Marahil hindi mo na mapapansin na wala ako.
Marahil ito nga ang gusto mo.

Sisikapin ko munang isipin ang sarili ko.
Makakahanap din ako ng taong tanggap ang buong ako.
Alam kong hindi ka naman mag-aalala pero nais ko pa ding sabihin na kakayanin ko 'to.
Magiging maayos din ako.
Makakalimot din ako.
👋🏻

Huling mensahe para sayo,
CJ 🤍

For You 🖤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon