June 12, 2021
Hi Loyd,
Happy Independence Day!
Kumusta ka na? Last na pag-uusap natin ay hindi ganun ka-okay ang lagay mo. Inuubo ka pa din samahan pa ng naghigpit na restrictions sa inyo dahil sa pagdami ng cases. Hindi ganun kadali pero sana kayanin mo.
Alam ko din na madami kang ginagawa o iniisip ngayon. Nagsabay-sabay po eh. Pero alam kong magiging maayos din marahil ang lahat sa tamang panahon.
Loyd, pasensya na kung araw-araw akong nagtetext or nangungulit sa'yo. Gusto ko lang malaman kung kumusta ka ba o anong pinagdadaanan mo. Hindi ko kasi maialis sa sarili ko ang mag-alala sa'yo. Ewan ko ba. Ang hirap gawin lalo kapag pakiramdam ko kailangan mo ng makakausap o may problema ka. Kaso hindi ka naman nagrereply. 😅 Pero naiintindihan ko naman. Marahil ayaw mo lang makipag-usap or nakukulitan ka na. Pero kung sakaling kailangan mo Loyd, nandito lang ako. Isang text or tawag mo lang pangako, makikinig ako.
Pasensya na huh. Minsan iniisip ko na siguro nabubwisit ka na. Hayaan mo na lang muna siguro 'ko. Mapapagod din ako mangulit. Dadating din ang panahon na hindi na ganito. Pero sa ngayon, ang hiling ko lang maging maayos ka. Palagi kang ingatan ng Maykapal sa bawat sandali at pinagdadanan mo. Panalangin ko ang kasiyahan mo. Sa pagdarasal ko na lang ipapaabot ang mga nais kong malaman mo.
Ingatan mo sarili mo Loyd. Higit kang kailangan ng iba.
Nag-aalala,
CJ 🤍
BINABASA MO ANG
For You 🖤
General FictionMga sulat na hindi maipadala. Mga tagong damdamin na hindi masabi sa twina, Kaya't ibubulong na lang sa hangin, Ang pag-ibig na hindi kayang ipaglaban at ipakita. 🖤