January 25, 2021
Hi Loyd,
Happy Fiesta sa inyo. 😊 Alam kong busy ka kaya marahil hindi mo sinasagot ang mga mensahe ko pero huwag masyadong pakastress huh.
Alam kong nagsabi ako na hindi muna kita guguluhin. Iiwasan muna kita. Kaso hindi ko naman na ata kailangang gawin yun, hindi ka din naman nasagot na eh. 😅 Hindi ko tuloy alam kung gusto mo lang bang huwag muna makipag-usap o talagang wala lang. Ang sensitive ko din kasi masyado. Nakakabwisit kung minsan.
Ayun, may mga gusto kong ikwento sayo. About sa akin, sa mga nangyayari sa akin o di kaya sa nararamdaman ko. Kaso para kasing wrong timing. Ayokong makaabala. Pero sa totoo lang, nasstress din ako. Frustrated din about work, sa sarili ko at sa kung anu-ano pa. Ewan ko ba. Wala naman akong masabihan. Hayy... Hirap ng walang itinuturing na matalik na kaibigan.
Sana no, maging maayos na lahat. Gusto kong maging maayos. At sana matanggap ko din kung sino at ano ko para sayo. Yung wala ng hope na pwede ka pa. Ayoko ng maguluhan. Tingin ko nga si God na gumawa ng way eh. Sabi ko kasi, kung hindi ka para sa akin talaga, siya na yung gumawa ng way para maiwasan kita. Kaso sa nangyayari, ikaw yung wala. Nabulungan ka ba ni Lord? 😅 pero okay na din marahil.
Basta mag-iingat ka palagi huh. Palagi ka pa ding kasama sa mga dasal ko. Na sana kalooban pa din ni God ang manaig sa buhay mo. Na palagi ka niyang sasamahan sa bawat sandali, masaya man o malungkot ang nararamdaman mo. Sana sa pamamagitan ng panalangin ko, maipaabot ko kung gaano ka kaespesyal. Kung gaano kita kamahal. Gihigugma tika Loyd.
CJ 🌹
BINABASA MO ANG
For You 🖤
General FictionMga sulat na hindi maipadala. Mga tagong damdamin na hindi masabi sa twina, Kaya't ibubulong na lang sa hangin, Ang pag-ibig na hindi kayang ipaglaban at ipakita. 🖤