Day 9

6 0 0
                                    

Hi Loyd,

Magandang araw. Sana kahit papaano ayos ang nararamdaman mo. Ika-9 days na dapat ng plano ko subalit hindi naman natuloy. 😆 Paano ika-7 araw pa lamang kinulit na muli kita. At nagpapasalamat ako dahil nagkaroon ka ng oras upang makapag-usap tayo. Kumustahan.

Namiss kita. Madalas ko namang sabihin yan hindi ba? Palagi nga kitang inaasar sa pamamagitan ng pagtawag sa iyo ng "kuya" at "opo". Natutuwa kasi ako kapag naiisip kong ayaw mo nun. Pang-asar lang. 😉 Kahit naman ako hindi palagay na tawagin kang kuya. Ayaw kitang maging kapatid.😆

Masaya ko dahil kahit paano nakausap kita. Masaya ko na malaman yung mga ginagawa at pinagkakaabalahan mo. Pero hindi ko maiwasan na mag-alala sayo. Lalo sa sinabi mo kagabi. Gusto mong pumunta sa buwan at mapag-isa. Bakit? Sobra bang bigat ng nararamdaman mo o stress ang kalooban mo para hilingin yun? Sabagay kahit naman marahil kung sino, kapag sobra na ang gulo ng isipan, nanaisin munang umalis at magpahinga. Naiintindihan kita sa puntong 'yon.

Nakita ko din na naiconsider mo yung sinabi kong kapag pwede na, lumayo ka. Pumunta sa lugar na hindi familiar sayo. At doon gawin mo ang nais mo. Walang iniisip na iba. Masaya ko na kahit sa ganung paraan natulungan kita. Kahit paano pala may naipapayo akong maayos. 😅

Pero pwera biro, sana magawa mo. Sana matagpuan mo yung inner peace na hinahanap mo. Mahirap din kasing magpatuloy kung madami kang iniisip at pinoproblema. Pahinga ka Loyd. Walang masama dun.

Sana dumating yung time na isipin mo din muna ang nais mo. Kung gusto mo munang lumayo. Sige lang. Gawin mo. Kung doon mo mahahanap ang sarili mo. Huwag mo lang kakalimutan na may babalikan ka. May mga taong naghihintay sayo. Buuin mo ang sarili mo. At pangako magiging masaya muli ang pagbabalik mo.

Anuman ang plano mo, sana magawa mo lalo kung sa ikabubuti mo. Hiling ko lang na sana maging masaya ka. Yun naman ang mahalaga. Kontento at masaya ka sa pinili mong daan.

Ingat Loyd. Nandito lang ako kung sakaling kailanganin mo. Hindi ako mawawala. Pangako.

Maghihintay,
CJ 🖤

For You 🖤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon