October 6, 2021
Hi Loyd,
Kumusta? Sana okay ka lang. Ang tagal ko na ding hindi nakapagsulat saýo. Nga pala, may pinadala akong package kaso hindi pa nadating marahil saýo. Sana magustuhan mo. Hindi ko naman kasi alam kung ano talagang nais mo. Nung tinanong naman kita, hindi mo sinabi so ayun, kung ano na lang ang pinadala ko.
Mag-aapat na taon na kaso sa halip ata na makalimutan kita, mas lalo ata kitang nakilala. Mas nagustuhan kita. Mas lumalim yung nadarama. Pang-ilang sulat ko na nga ba ito? Hindi ko na din kasi mabilang. Maliban kasi dito, may sulat din ako sa papel at sa notebook na tungkol din saýo. Makakagawa ata ako ng libro na puro sulat at tula para lang saýo ang nilalaman. Pero ni isa naman wala kang nabasa sa mga ito kaya’t mananatiling lihim ang bawat nararamdaman at mga nais ko talagang sabihin sa iyo.
Masaya ko, masaya ko para saýo. Masaya ‘ko kapag nakikita kitang nakangiti sa mga litrato mo. Masaya kong makita na pinapahalagahan mo ang sarili mo. Pero higit ang pag-aalalang nararamdaman ko kapag alam kong may mabigat kang pinagdadaanan at wala akong magawa. Siguro ganun talaga. Hanggang ganito lang ang maaari kong ibigay.
Gusto kong umamin muli sa iyo. Gusto ko uling sabihin na hindi lamang pagkagusto ang nararamdaman ko kundi mas malalim na doon. Na sa tinagal ng panahon, ikaw pa din. Apat na taon na pero ganun pa din. Ang bagal kong magmove-on. Mas lumalala nga ang nangyari.
Alam kong wala kang nararamdaman sa akin kun di isang kaibigan lamang. Pero sana kapag nagkalas na ako ng loob na umamin saýo uli, ayoko ng sabihin mo na naappreciate mo ang nararamdaman ko. Sana sabihin mo na hindi mo kayang suklian ang nararamdaman ko at wala akong ibang dapat gawin kundi ang kalimutan ka, iwasan ka. Kasi sa tingin ko, hindi nakakatulong ang pagiging mabait mo. Sabi nga ni Hong Du-sik sa Hometown chachacha, dapat bigyan ng diretsong sagot ang taong nagconfess. Sabagay, kahit hindi mo naman sabihin, alam ko naman na ang sagot. Ang nais ko lang sigurong marinig ay ang masakit na salita para makaya kong iwasan at tuluyan ka ng kalimutan.
Marahil, pasalamat na lang din ako na hindi ka naman nagmemessage kapag hindi ako ang nauuna. Yung tipong hindi ka mangungumusta kapag hindi kita kinakamusta. Pakonswelo ko na lang yun sa puso ko.
Loyd, wala akong hangad kundi ang kabutihan at kasiyahan mo. Na sana, huwag mong pabayaan ang sarili mo, sa halip mas mahalin mo. Gusto kitang makita na tunay na masaya.
Tulungan mo din ako Loyd huh. Hindi naman kasi pwede na mahalin kita ng mahabang panahon. Mahirap sa parte ko yun. Tulungan mo akong kalimutan at iwasan ka. Marahil, mawawala din ang pagkakaibigan pero hindi naman mawawala ang alaala na minsan kang naging bahagi ng buhay ko.
Hopefully. Marahil sa kaarawan ko. O kapag may lakas na ako ng loob.
CJ
BINABASA MO ANG
For You 🖤
General FictionMga sulat na hindi maipadala. Mga tagong damdamin na hindi masabi sa twina, Kaya't ibubulong na lang sa hangin, Ang pag-ibig na hindi kayang ipaglaban at ipakita. 🖤