🌹
“Sa bawat sandali ay ang siyang pagkahulog ko.
Subalit walang nakaabang na mga kamay mo upang saluhin ang iniaalay ko.”Sa bawat taong nakikilala natin, may isang taong namamumukod tangi. May isang taong nanaisin mong makasama siya at hindi na mawala pa. Nanaisin mong siya ang palaging makita at ang makarinig ng mga kwento mo. Isang taong pag-aalayan mo ng sarili mo.
Subalit hind sa lahat ng pagkakataon ay mapagbibigyan ang ating kahilingan. Dahil madalas, ang taong gusto mong makasama ang siyang makapagbibigay ng sakit sa iyo. Siya ang taong kahit anong gawin mo, hindi mapapasayo kung hindi iaadya ng panahon. Marahil, ganun talaga. Hindi maaaring ipilit ang mga damdaming hindi naman dapat iukol. Hayaan na lang tangayin ng pagkakataon at damhin ang sakit ng pang isahang pag-ibig.
Parang ikaw Loyd. Parang ikaw ang taong iyon sa buhay ko. Na kahit anong hiling at panalangin ko, hindi maaaring pagbigyan.
Hindi ko alam kung dadating ba ang panahon na makakalimutan kita.
Hindi ko alam kung dadating ang oras na mawawala ka sa isipan.
Hindi ko alam kung pahihintulutan bang maalis ang aking nadarama para sa iyo.
Kung sakali, hindi ko alam kung muli pa ba akong magmamahal katulad ng sa iyo.Walang ibang maaaring sisihin sa nararamdaman ko.
Sa ating pagkakakilala, hindi mo naman sinabi na mahalin kita.
Wala kang sinabi subalit hindi mo din ako pinaalalahanan na maaari pala kitang mahalin.
Na maaari palang mahulog ng tuluyan ang loob ko sa isang ikaw.Hindi ko din naman inaasahan ang lahat.
Ni hindi ko plinano.
Hindi ito kasama sa mga nais ko noon.
Pero nakakatuwang natagpuan ko na lamang ang sarili ko na may espesyal na nararamdaman para saýo.
Na hindi kumpleto ang bawat araw kung hindi ka makakausap.
Nakakatawang isipin na nagawa kitang mahalin kahit hindi pa naman tayo ganap na nagkikita.
Tanging telepono ang naging sandigan upang iparating ang mga nais mong malaman.Sa unang pagtibok ng puso, ninais ko ng ipagsawalang-bahala ito.
NInais ko ng alisin dahil isa na namang pag-ibig na walang katugunan ang maisisilayan.
Pero hindi ko nagawa.
Wala akong nagawa.
Dahil sa bawat paghakbang ko palayo saíyo,
Halos takbuhin ko naman ang distansya para muling lumapit at bumalik sa kung saan ka nakilala.Naalala mo ba ang naging pag-amin ko?
Kahit na mahal kita ang nais kong bitawan,
Mga salitang gusto kita ang naging turan.
Natakot ako, natakot akong aminin ang tunay na nararamdaman.
Takot akong lumayo ka. Takot akong mawala ka.
Kaya nga marahil nagkasya na lamang ako sa mga minsanang pakikipag-usap.
Nagkasya na lamang ako sa paghihintay sa iyo kahit wala namang dapat hintayin pa.
Nagkasya na lamang sa mga pag-aalala sa iyong mong kalagayan.Dumating din ako sa puntong nais kong itanong ang iyong damdamin.
Kung pareho ba tayo ng hangarin.
Subalit, sa madaming beses na iyon, mas nangingibabaw ang pag-iisip na hindi naman talaga tayo parehas.
Kung para sa akin, nais kong higit pa sa kaibigan ang kahinatnan.
Para sa iyo,marahil ay isang kaibigan lamang.
O kayaý isang kakilala mula sa malayong bayan.
Dahil kahit naman minsan, wala kang sinabi na higit pa sa isang kaibigan.
Walang ginawa na nagpapahayag ng lihim na tinginan.
Nabigyan ko lang talaga ng ibang interpretasyon ang mga simple mong galaw at salita.
Nabigyan ko lamang ng maling pagpapakahulugan.Kung naiba kaya ang sitwasyon, maaari kayang magtagpo ang ating mga puso?
O mas lumayo dahil wala namang halaga kung magkakakilala pa tayo?Tunay ngang ang hirap kalimutan ng isang pag-ibig na pang-isahan lamang.
Hindi nasuklian at walang katugunan.
Isang pag-ibig na hindi maipahayag.
Walang patutunguhan at tanging umaasa lamang.Kung pahihintulutan ng tadhana,
Maaari nga siguro kitang makalimutan.
Maaari nga sigurong maibaon ang pag-ibig na sa iyoý nakalaaan.
Sa ngayon, ang hiling ko lang,
Tulungan mo akong paunti-unting masanay na mawala ka.
Tulungan mo akong hindi ka na isipin.
Tulungan mo akong hindi ka na mahalin.Malamang hindi mo naman mababasa ito,
Pero kung sakaling makaabot sa iyo,
Sana matupad mo ang kahilingan ko.
Tulungan mo ako Loyd upang lumaya na din ako.🤍
BINABASA MO ANG
For You 🖤
General FictionMga sulat na hindi maipadala. Mga tagong damdamin na hindi masabi sa twina, Kaya't ibubulong na lang sa hangin, Ang pag-ibig na hindi kayang ipaglaban at ipakita. 🖤