Huling Paalam

9 0 0
                                    

HULI

“Hanggang kailan mo mamahalin ang isang taong hindi naman para sa’yo?”

‘Yan ang tanong na paulit-ulit na bumabalik sa isip ko. Tanong na hindi ko alam kung saan patungo at ano ang sagot ko. Pwedeng maiba ang sagot ko sa ngayon at sa susunod na mga araw pero kailan pa? Kailan pa mangyayari ‘yon? Kailan pa mababago ang sagot nang damdamin kung sa bawat sandali ay walang ibang ninais kundi ang magmahal at mahalin din?

“CJ, lalim ng iniisip ah. Saan na ba napadpad yan?”

Mula sa pagkakatulala sa kawalan ay napatingin ako sa nagsalita at nakita ko ang isang taong may malambing na ngiti. Isang taong may magandang mga mata na parang nangungusap at may boses na nakakahalina. Isang lalaking kakabakasan mo ng kabutihan at pagiging totoo. Isang taong puno ng kasiyahan at pagmamahal.

“Wala naman Vin. Hindi ko lang namalayan na nakatulala na pala ‘ko. Ano palang ginagawa mo dito?”

Sa halip na sumagot ay umupo ka sa aking tabi. Hindi pa din nawawala ang iyong ngiti habang nakatingin sa akin.

“Nah, dumalaw lang. Yung isa kasi diyan, parang wala sa sarili. O baka may dinadala eh willing naman akong makinig.” Sabi mo habang may pagtaas pa ng mga kilay mo.

Hindi ko naalis ang tingin ko sa’yo. Alam ko namang ako ang tinutukoy mo pero wala akong masabi. Ewan ko ba. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa’yo ang tumatakbo sa isip ko. Para bang kahit hindi ko naman aminin, nababasa mo ang isipan ko sa pamamagitan lamang ng mga mata mo. Natatakot din ako na baka pati nilalaman ng puso ko ay malaman mo. Nakakatakot magpakatotoo pero mas nakakatakot ang maglihim sa’yo dahil hindi ko alam kung maiintindihan mo.

“Okay lang naman ako. Gusto ko lang tumahimik muna ang mundo ‘ko. Ingay mo kasi.” Kasabay nito ay ang mahinang pagtawa ko para maalis ang pangamba at kahit papaano ay mailigaw ang isip at puso ko.

“Sus, nag- eemo ka lang eh. Naiisip mo na naman siya, ano? O nagmessage ka na naman? ‘’

“Sino naman? Tamang hinala ka na naman eh.” pagmamaang- maangan ko. Sabi na nga ba. Hindi man ako sumagot, may ideya ka naman sa mga gumugulo sa isipan ko.

“Sus, eh di siya. Sino pa bang siya?  Siya lang naman iniisip mo kapag ganyang tulala ka.” kasabay nito ay ang pag-alis mo ng paningin mula sa akin at pagtuon ng iyong pansin  sa ibang bagay. Mahina mo ding inuugoy ang iyong upuan.

“Vin…”

Wala kong maidugtong at masabi maliban sa pangalan mo. Marahil dahil tama ka. Kilala mo na nga talaga ako. Hindi ko man aminin sa’yo, tama ang sinabi mo. Siya pa din. Kahit hindi naman dapat. Kahit hindi naman tama.

“Hindi pa din ba siya nagmemessage sa’yo? Wala ka pa ding balita?”

Napatingin ako sa’yo. Ang tagal ko atang tinitigan ka, pero wala akong maapuhap na mga salita na aakma. Ayoko din namang magsinungaling at sabihin na maayos lang ang lahat.

“CJ…”

Napabuntung-hininga na lamang ako at tiningnan ang mga bata na masayang naglalaro sa di kalayuan kung saan tayo nakapwesto. Para bang sa pagtingin ko sa kanila ay mahahanap ko ang sagot sa tanong mo. Sagot na para sa akin ay kukuntento.

“Actually sumagot siya kagabi. “panimula ko.

“Tapos?” wika mo. Habang naghihintay sa isusunod ko.

“May nasabi lang siyang hindi ko lang marahil inaasahan. “

Muli kang tumingin sa akin. Para bang inaalam mo sa pamamagitan ng mga tingin mo ang tunay kong nararamdaman. Kung ano ang totoo sa mga iniisip ko. Agad ko naming iniwas ang paningin ko sa’yo. Ayoko ng mga tingin mo. Tingin na para bang naaawa ka para sa akin.

For You 🖤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon