March 9, 2020
Hi Loyd,
Kumusta? Busy days tama? Katatapos nyo lang umattend ng ordination ng mga bagong deacons hindi ba? Panigurado masayang celebration pagkatapos niyan. Enjoy huh at hayaan mo muna ang mga isipin mo.
Ayun, alam mo ba narealize ko na ang selfish ko lang, lalo pagdating sayo. Nakita ko kasi ang profile ni Abi, isa sa pinakamalapit na tao marahil para sayo. Nabasa ko sa isa mga post na pic niya kung gaano siya kathankful sayo. Na may isang kuya siyang pari sa katauhan mo. Aminin ko, medyo naiinggit at nagselos ako. Kasi alam kong mas malalim ang pinagsamahan nyo. Nakakausap at nakakasalamuha ka niya talaga. Samantalang hindi ko magawa yon. Pero ng nabasa ko yung buong post, may narealize ako. Na ang selfish ko pala para hilingin na maging akin ka. Kasi tama si Abi eh. Madami pang tao ang nangangailangan sa isang katulad mo. Isang pari sa katauhan mo.
Loyd, hindi tama na hilingin kita para sa sarili ko. Hindi tama yung mga napasok sa isip ko. Mahal kita panigurado yun. Pero sa halip na gustuhin ko na makasama ka, dapat ipanalangin kita. Mas nararapat na idalangin kita sa bokasyon na pinili mo. Na mas patatagin ka pa. Pari ka para sa lahat. Pari ka para sa mga nalilito at nawawala. Pari ka sa mga nabubulag at nagkakasala. Pero paano kung ikaw ang magkasala at madapa? Paano kung ikaw ang mahirapan? Kaya sa halip na sariling pakiramdam ang isipin ko, dapat mas manaig sa akin ang kapakanan mo.
Loyd, you can always count on me. Isasama ka sa mga panalangin ko. Kung sakali, nandito lang ako. Walang panghuhusga, walang anuman. Makikinig at magiging kaibigan mo.
Mag-iingat ka Loyd.
Ang iyong kaibigan,
CJ 🌻
BINABASA MO ANG
For You 🖤
General FictionMga sulat na hindi maipadala. Mga tagong damdamin na hindi masabi sa twina, Kaya't ibubulong na lang sa hangin, Ang pag-ibig na hindi kayang ipaglaban at ipakita. 🖤