Loyd,
Hyie Loyd. Ilang buwan na din tayong hindi nakakapag-usap. March pa nung huli. Sana maayos ang kalagayan mo dyan at sana masaya ka. 😊
Alam mo Loyd, ikaw yung isa sa mga taong hindi ako nagsisisi na nakilala ko. Ang dami mong Aral na ibinahagi. Ang dami kong natutunan sayo.
Hindi ko nga inaasahan na makikilala kita. Dahil sa simpleng chat, nagkausap tayo. Hanggang sa naging palagay na ko sayo. Hanggang sa nasabi ko na lahat sayo. Dumating ka kasi sa panahong kailangan kita. Kailangan ko ng masasabihan. Nakakatuwa nga na naging open ako sayo. Mga bagay na bihira kong gawin sa ibang tao. Yung palaging chat at tawag, tunay na nakakagaan ng loob. Pati na din mga pagkanta mo. Alam mo bang kaya kita palaging pinapakanta dahil pakiramdam ko ang espesyal ko sa tuwing gagawin mo yun. Iba yung epekto.
Marahil dahil dun, kaya nahulog ako sayo. Nakaramdam ako ng espesyal para sayo. Nakakahiya ngang alalahanin ng minsang umamin ako, salamat ang naging tugon mo. Expected ko naman na. Pero kahit papaano, masakit pala. Dahil bukod sa hindi pwede, may mahal kang iba eh. May ibang nagpapasaya sayo. Kaya umiwas ako. Sinikap Kong iwasan ka noon. Pero palagi pa din naman akong updated sayo. Palagi pa din akong nakasubaybay sayo. Kaya sa tuwing may pinagdadaanan ka at malungkot ka, nalulungkot din ako. Para bang dala-dala ko din yung bigat na nararamdaman mo. Ilang buwan ding ganun. Ilang beses kong pinigilan ang sarili ko na makipag-usap muli, dahil alam ko sa sarili ko na muling manunumbalik yung nararamdaman ko. Pakiramdam na hindi naman talaga nawala kahit dumistansya ko.
Pero alam mo, hindi ko din kinaya. Mas ginusto ko pa din ang makausap ka. At nagpapasalamat ako dahil kahit papano, naibalik yung communication. Naibalik yung pagkakaibigan kahit hindi madalas makapag-usap. Alam ko din namang busy ka. Madaming alalahanin.
Sa ngayon masaya ko para sayo. Masaya ko na unti-unti naaabot mo na yung pangarap mo. Masaya ko na konting push na lang, nasa panibagong yugto ka na ng daang tinatahak mo. Nandito lang ako Loyd, nagdadasal para sayo. Naghahangad ng mabuti para sayo at para sa mga mahal mo.
Sana, dumating ang panahon na magkita tayo at mapasalamatan kita sa mga nagawa mo sa akin. Hindi mo man alam pero mahalaga ka para sa akin. Hanggang sa muli Loyd.
Nagmamahal,
CJ 🖤
BINABASA MO ANG
For You 🖤
General FictionMga sulat na hindi maipadala. Mga tagong damdamin na hindi masabi sa twina, Kaya't ibubulong na lang sa hangin, Ang pag-ibig na hindi kayang ipaglaban at ipakita. 🖤