January 26,2021
Hi Loyd,
Kumusta? Panigurado may hang-over ka pa sa fiesta nyo. Bawi ka ng pahinga huh. Kailangan mo yan.
Ayun, hindi ko alam kung last letter ko na ba 'to para sayo. Alam mo namang marupok ako sayo eh. 😅 Lagi kong kinakain ang sinabi ko na huli na. Kaso kasi puro disappointments na lang. Alam ko namang kasalanan ko eh. Umasa ko kahit hindi ko aminin. Tama ngang yung expectation ang tunay na makakasakit sa tao. Hindi ko pinili pero kusang umaasa ko kahit hindi dapat. Hindi lang sayo kundi pati na din sa iba.
Ang hirap lang kasi. Pakiramdam ko wala kong halaga. Yung palaging kayo ang naiisip ko. Kung okay ka lang ba, sila. Kung kumusta na kayo. Kaso feeling ko wala lang sayo, sa inyo. Sa dami ng taong nakapaligid sayo, maaalala mo pa kaya na may isang CJ na nag-aalala sayo? Mapapansin mo kaya kung wala ako? Malamang hindi. Kasi ako lang naman yung makulit na nakikiamot ng atensyon. Makulit na nanghihingi ng pansin. Makulit na hindi mo naman talaga gaanong kakilala. Sino ba 'ko diba?
Nakakapagod na kasi Loyd. Napapagod na ko sa paulit-ulit. Mahal kita kaso nakakapagod din pala. Nandyan ako kapag pakiramdam ko hindi ka okay. Kung pwede nga lang na puntahan ka malamang ginawa ko din. Kaso hindi mo naman kailangan diba? Hindi ako makakatulong.
Loyd, sana matulungan mo ko. Gusto kong maging better. Better version of myself. Ipagdasal mo ko huh. Na sana sa tamang panahon, magmahal muli ako. Magmahal muli sa tamang tao. Yung hindi ko na kailangang makiamot ng oras at panahon. Yung mamahalin ako ng walang pero-pero. Yung handa akong samahan sa lahat sa sandali. At sana kapag dumating na yung time na yun, sana handa na yung puso ko. Sana magawa ko siyang mahalin ng buong puso.
Ingat ka Loyd huh. I'm still praying for your happiness.
Hanggang sa muli,
CJ 🖤
BINABASA MO ANG
For You 🖤
General FictionMga sulat na hindi maipadala. Mga tagong damdamin na hindi masabi sa twina, Kaya't ibubulong na lang sa hangin, Ang pag-ibig na hindi kayang ipaglaban at ipakita. 🖤