III: First Love

8 0 0
                                    

Ode,

Hi Ode. Marahil nagtataka ka kung bakit Ode ang tawag ko sayo. O mas nagtataka ka marahil na may sulat ako para sayo samantalang hindi naman tayo naging Malapit noon. Ni hindi nga tayo nakapag-usap ni minsan. Pero alam mo ba, ikaw ang kauna-unahang lalaki na nakakuha ng atensyon ko. O mas tamang sabihin na ikaw ang unang lalaking minahal ko ng totoo.

Sa totoo lang hindi ko alam kung paano o kailan talaga nagsimula ang nararamdaman ko para sayo. Ang naaalala ko lang ang unang pagkakataon na nakita kita. Nakaupo ako sa dulong upuan sa simbahan kaalinsabay noon ay ang syang pag-upo mo din sa kabilang dulo. Hindi ko alam kung anong mayroon sayo at nahalina Kong pagmasdan ka. Para bang may kakaiba sayo habang tinitingnan kita habang nagdadasal. Dun pa lang sa oras na yun, alam Kong may nagbago na sakin.

Dahil sayo kaya nacurious akong alamin ang tungkol sa bokasyon nyo. Dahil din sayo kaya nakilala ko sina Kuya at Tatay. Nakakatuwa nga dahil ibang tao na kasamahan mo ang naging kaibigan ko at napalapit sa akin samantalang ikaw, ni minsan hindi ko nakausap. Siguro dahil okay na sa akin na makita ka lang. Na marinig lang ang boses mo at matitigan ka mula sa malayo. Mas palagay ako kapag ganun kaysa sa nakikita kita sa malapitan dahil hindi ko kinakaya ang kaba at lakas ng tibok ng puso ko.

Sa pag-alis mo, wala akong ginawa. Alam ko din kasing magpapatuloy ka sa pinili mong daan. Medyo matagal nga lang pero alam Kong magagawa mo. Kaya alam mo ba nung nakita ko yung pangalan mo sa invitation at nalaman ko na dito ka sa simbahan natin magpapaordina, sobrang saya ko. Ang saya ko dahil makikita ko kung paano mo natupad ang pangarap mo.

Sa mismong araw na yun, naramdaman ko ulit yung malakas na kaba na palagi kong nararamdaman kapag nandyan ka. At hindi mo alam kung anong saya ko lalo na nung nakita kita at tinitigan mo ko pabalik. Ikaw ang first love ko. Ikaw ang taong minahal ko sa hindi ko malamang rason.

Ode, tatlong taon na matapos ang ordinasyon mo. At sobrang proud ako sayo. Palagi kang kasama sa mga dasal ko. Hindi mo man marahil ako kilala, pero para sa akin, ikaw ang nag-iisang Ode. Hanggang ngayon dala-dala ko pa din ang paghanga ko sayo at marahil hindi na mawawala ito. Hangad ko ang kabutihan at kasiyahan mo.

Sana sa tamang panahon, makausap kita at masabi ko ng personal kung paano ka naging bahagi ng buhay ko. Sana.

Nagmamahal,
CJ 🖤

For You 🖤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon