Hi Loyd,
Kumusta? Sana okay ka na. Sana maayos na pakiramdam mo. At sana hindi ka na ganun kastress.
Nawindang kasi ako sa kinuwento mo last time. Hindi ko alam kung anong mayroon at medyo hindi mo feel ang mga kasama mo sa parish pero alam ko naman na may dahilan. At naiintindihan ko din na hindi mo gustong pag-usapan.
Kaso medyo hindi ako palagay sa saging bilang hapunan. Lunch pa huling kain mo at hindi sapat ang saging dun. Madalas ba 'to mangyari? O sadyang ngayon lang?
Loyd, sana malagpasan mo 'to. Hindi naman natin kasi maiiwasan na kung minsan hindi natin nakakasundo ang mga tao sa paligid natin. Pero yung reaksyon natin at nararamdaman natin, makokontrol natin. Huwag mo hayaan na masyado kang maapektuhan. Huwag mo hayaan na mastress ka dahil sa kanila. Basta smile lang. Kung kayang hayaan, hayaan na lang muna. Sabagay, mas alam mo naman ang dapat mong gawin.
Smile Loyd. Ngiti lang. Mas gwapo ka kapag ganun. Ayokong nakikita kang wala sa mood o malungkot eh. Naapektuhan din ako. 😅 Pero kung sakali na kailangan mo ng makikinig sayo, kukwentuhan, nandito lang ako. Alam ko din naman na madaming nag-aalala sayo maliban sa akin. Pero kung sakali, nandito lang ako. Ingat Loyd.
Iyong kaibigan,
CJ 🖤
BINABASA MO ANG
For You 🖤
General FictionMga sulat na hindi maipadala. Mga tagong damdamin na hindi masabi sa twina, Kaya't ibubulong na lang sa hangin, Ang pag-ibig na hindi kayang ipaglaban at ipakita. 🖤