July 8, 2021
Hi Loyd,
Masaya ko na okay ka po. Masaya ko na wala ka ng sakit. Salamat sa Diyos.
Pero okay lang bang masaktan din ako.
Alam ko namang busy ka. Madaming ginagawa. Madaming iniisip since nasa quarantine yung mga staff niyo. Ikaw naggagawa ng halos lahat. Naiintindihan ko po yun. Sobra.Pero yung message mo kagabi. Nasaktan ako. Kahit hindi naman dapat. Mali ko din kasi, nasabi ko pang namimiss kita. Pero hindi ko lang inaasahan ang sagot mo. Para tuloy mas okay pang hindi ka na sumagot.
Pero okay lang po. Naiintindihan ko naman.
Sa ngayon po, gagawin ko lahat ng makakaya ko para hindi ka na maabala. Doble o tripleng pagpipigil para hindi na kita itext or kulitin. Promise ko yan. Hindi na po. Sa ngayon, ingat ka palagi at sana makayanan mo.God bless.
Paalam Loyd. 👋🏻Nagpapaalam na,
CJ 🙂
BINABASA MO ANG
For You 🖤
General FictionMga sulat na hindi maipadala. Mga tagong damdamin na hindi masabi sa twina, Kaya't ibubulong na lang sa hangin, Ang pag-ibig na hindi kayang ipaglaban at ipakita. 🖤