Kuya,
Kuya, kumusta? Graduate kana po. Congratulations. Masaya ko para sa mga naabot mo.
Kuya, hindi kita makakalimutan. Kasi ikaw yung nagsilbing kuya ko ng mga panahong hindi kami close ng kapatid ko. Ikaw yung sabihan ko ng mga nararamdaman ko.
Kuya, salamat dahil kahit hindi mo ko personal na kakilala noon, naging kaibigan pa din kita. Naalala ko pa nung una tayong magkita. Ikaw ang unang lumapit sa may upuan namin dahil alam mong nahihiya ako sayo. Hindi ka nangiming magpakilala at lapitan ako. Hindi ka nag-atubiling makipag-usap. Mula noon ikaw na yung sabihan ko kapag may gusto Kong sabihin. Ikaw na yung naaalala ko kapag may gusto akong pagkwentuhan ng mga nangyari sakin. Yung tawag mong bunsoy, ang sarap sa pandinig. Iba yung epekto.
Naalala ko pa nga ng nagbigay ka ng bonnet. Umupo ka nun sa katabi Kong upuan at patagong ibinigay sakin. Marahil, nahihiya ka din. Kaso hindi kasya eh. 😅 Sa pamangkin ko na lang ibinigay. Nakakatuwa ding balikan yung mga pagkakataong hindi tayo makapag-usap kaya simpleng ngitian at kaway ang ginagawa natin. May isa ding hapon na tinabihan mo ko sa pahabang upuan habang nagmimisa. Simpleng usapan lang noon ang saya ko na. Simpleng mga pagkakataon na ganun, pinapahalagahan ko talaga.
Kaso, ano pong nangyari? Bakit nagbago? Unti-unti hindi na tayo nakakapag-usap. Yung malimit na text at chat, unti-unting dumalang hanggang sa wala na talaga. Kung tutuusin, dapat nga mas naging malapit tayo sa isa't isa dahil nandito kana. Apat na taon ka ng mag-aaral dito hindi ba? Kaso sa apat na taon na yun, mas nawala ka. Sa tuwing nagtetext o nagcchat ako, seen ang sagot mo o kaya kung minsan, sasabihin mong busy ka. Naiintindihan ko po. Naiintindihan ko na madami kayong ginagawa. Na madami kang dapat isipin at gawin kaso kahit ba ilang minuto, hindi ko maaaring hingin?
Nakakatampo na may oras kang makipag-usap sa iba. Lumabas at kumain kasama sila. Pero kapag ako na, wala ng natira pa. At ang nakakasakit ng damdamin, yung dating bunsoy na tawag mo ngayon wala na. Sabagay, sa tagal ng panahon, lahat nagbabago na.
Pero kuya, masaya ko. Totoong masaya ko sa naabot mo. Masaya ko na makita ka na masaya sa narating mo kahit wala na Kong gaanong alam sayo. Masaya na kong makibalita na lang kahit papano. Kasama ka pa din sa mga panalangin ko. Kasama ka pa din sa mga taong mahalaga at espesyal para sa akin. Makalimutan mo man ako o hindi, nandito pa din ako kuya. One call away lang. Maghihintay ako sayo. Maghihintay ako at walang sawang susuporta sa mga nais mong marating. I miss you kuya.
Hanggang sa muli.
Ang iyong Bunsoy,
CJ 🖤
BINABASA MO ANG
For You 🖤
General FictionMga sulat na hindi maipadala. Mga tagong damdamin na hindi masabi sa twina, Kaya't ibubulong na lang sa hangin, Ang pag-ibig na hindi kayang ipaglaban at ipakita. 🖤