February 16, 2022Hi Loyd,
Kumusta? Nagulat ba kita sa message ko nung 14? Pasensya na. 😅
Alam kong dama mo kung ano yung nararamdaman ko. Aware ka naman, hindi ba. Iniisip ko na gawan ng tula ang pag-amin ko kaso mas okay na din na direct to the point na.
Gusto kita sabi ko. Pero ang totoo, mas malalim pa sa pagkagusto ang nararamdaman ko. Ayaw ko nga lang isipin mo pa kaya yun na lang ang sinabi ko.
Gusto kita at alam kong mawawala din ito. Yun nga lang hindi ko alam kung kailan. Ilang beses ko na bang sinubukan na kalimutan ka? Ilang beses ko na bang ginawa na alisin ka sa isip ko? Madaming beses na pero nabalik pa din ako. Hindi ko kasi kayang bitawan ka. Hindi ko kaya na mawala ka.
Loyd, yung reply mo na hindi mo alam ang sasabihin mo? Okay lang yun. Naiintindihan ko. Una pa lang naman kasi alam kong wala ng katugunan.
Aaminin ko, kahit papaano umasa ako na kahit kaunti mayroon ka ding pagtangi. Kahit kakarampot lang. Kaso wala ka namang pinapakitang ganun kahit dati. Ako yung makulit na palaging nagmemessage sa'yo. Ako yung halata masyado ang damdamin para sa'yo. Alam ko naman na kung hindi ako magmemessage, hindi ka sasagot. Hindi mo 'ko maaalala.Ilang beses ba kong umiyak kasi nagseselos ako sa mga babaeng kaclose mo? Ilang beses ko bang hiniling na sana nakikita kita at nakakasama. Madaming beses. Pero napaka-imposible kasi. Malamang kung nasa paligid mo lang ako, hindi mo ako mapapansin. Hindi naman kasi ako kapansin-pansin.
Totoo ang nararamdaman ko sa'yo. Ang dyahe kasi hindi ko alam kung kailan ako makakaahon. Palagi akong nandoon sa gitna na gusto ko ng bitawan ang nararamdaman ko pero ayoko namang mawala ka ng tuluyan. Palaging ganun.
Pero marahil, hindi ako makakausad Loyd kung patuloy akong aasa sa wala namang pag-asa. Alam kong kaibigan o kakilala lang mula sa malayong lugar ang tingin mo sa akin. At nagpapasalamat ako na kahit papaano, nakadaupang-palad kita.
Siguro oras na para isara ko yung libro na ikaw yung paksa. Oras na para pakawalan ko lahat ng nararamdaman ko. Wala naman akong what ifs eh. Kasi sa una pa lang, nilinaw mo na wala.
Masakit. Ang hirap nga eh. Pero kailangan ko ng paunti-unti na kalimutan yung damdamin ko. Tulungan mo 'ko huh. Ipagdasal mo 'ko na sana sa tamang panahon, maging maayos din ako.
Paano, mag-iingat ka palagi huh. Alagaan din ang sarili. Huwag masyadong magpakastress. Palagi ko ngang sinasabi na madaming nag-aalala at nananalangin para sa'yo. Hindi mo kailangang dalhin ang lahat. Madaming gustong tumulong sa'yo.
Kung sakali, hindi mo na din siguro mapapansin ang pagkawala ko. Okay ka naman.Sa huling pagkakataon Loyd, mahal kita. Ayoko ng sabihin na hanggang sa muli dahil ayoko ng maramdaman ulit ang ganitong damdamin para sa'yo. Pero salamat sa mga mensahe mo at pagkanta. Tunay na mamimiss ko.
Paalam Loyd. Iniibig kita.
-CJ
BINABASA MO ANG
For You 🖤
General FictionMga sulat na hindi maipadala. Mga tagong damdamin na hindi masabi sa twina, Kaya't ibubulong na lang sa hangin, Ang pag-ibig na hindi kayang ipaglaban at ipakita. 🖤