Ako Muna 😌

5 0 0
                                    

January 20,2021

Hi Loyd,

I hope you are doing fine. Ilang araw na din mula ng huli kitang makausap. Pero updated pa din naman ako sayo. Haha. Nagagawa nga naman ng facebook at my day. Ayun, narealize ko na ayaw mo lang kumausap ng iba sa ngayon base na din sa mga post mo. Sabagay, nasa bakasyon ka ata kasabay yung ibang pari no? Okay na din para maalis ang stress mo. Sana maging maayos ang bakasyon mo. Tipong kahit papaano, bawas na yung iniisip at alalahanin mo.

Loyd, paano kaya maalis yung nararamdaman ko sayo? Kasi ewan ko ba, sa tuwing plano kong kalimutan na yung feelings ko, palaging may nangyayari sayo. Mas matimbang ang pag-aalala ko sayo. Kung kumusta ka na ba? Kung ayos ka lang ba? Kung okay ba pakiramdam mo? Puro ganun. Sa totoo lang mas nag-aalala ko sayo kaysa sa sarili ko. May mga hindi din magandang nangyari sa akin pero hindi ko naman masabi sayo dahil alam kong stress ka. Kaya ang ending, mas inaalala ko kung anong pinagdadaanan mo kaysa sa sitwasyon ko.

Ang dyahe lang kasi. Hindi ka nag-iisa Loyd. Ang daming tao na nag-aalala para sayo. Ang daming tao na isang sabi mo lang handa kang damayan. Handang iwan ang ginagawa nila para mapakinggan ka. Iniisip ko nga, ang swerte mo pa. Kasi maraming nandyan para sayo. Hindi ako ganun ka espesyal. Yung kaya kong gawin para sayo, mas higit pa ang kaya ng ibang gawin dahil malapit sila sayo. Sabihin ko man na palagi akong nandito, nararamdaman mo kaya? O hindi? Kasi mas madaming tao ang nakapaligid sayo.

Minsan iniisip ko paano kaya kung pareho tayo ng nararamdaman no? Nagawa mo kong mahalin. Okay kaya? Malamang hindi din. Kasi pari ka eh. Pero atleast alam ko na kahit papaano may nagmahal sakin na mahal ko talaga. Kaso palaging sumasagi sa isip ko na may mas higit sa akin. Wala namang espesyal sa akin. Kahit siguro magkalapit tayo ng lugar, hindi mo din ako mapapansin. Average type of girl eh. Hindi kapansin-pansin. At kung may magugustuhan ka man, imposible na ako yun. Parang pagputi ng uwak eh. Walang pag-asa.

Nasa gitna ako na gusto pa din kitang mahalin at yung plano na ialis ko na yung nararamdaman ko sayo. Ang hirap kasi na may nararamdaman ako sayo pero kaibigan o kakilala lang ang turing mo. Ang sakit din na yung mismong pagbati kahit birthday hindi magawa ng alam ng iba dahil hindi nila pwedeng malaman. Kinakahiya ba? Hindi ko alam. Kung gaano ko kasi kagusto na ipaalam na kakilala kita, ganun ka din kaiwas na malaman ng iba na kilala mo ko. Bakit nga ba? Ewan. Bawal marahil.

Sana 'no dumating yung panahon na hindi na ikaw ang nasa puso ko. Na wala na kong espesyal na nararamdaman sayo. Yung tipong mag-alala man ako sa kalagayan mo, yun ay dahil kaibigan na lang ang turing ko. Nakakapagod na kasi. Pilit ko mang alisin sa isip ko ang umasa, sa tuwing nakakausap kita mas lumalaki ang tyansa na mahalin kita lalo. Na baka may pag-asa. Na baka mahalin mo din ako kahit hindi pwede. O kahit maging espesyal man lang. Kahit gusto lang. Kaso imposible.

Ayokong madaliin ang sarili ko. Pero tulungan mo 'ko huh. Tulungan mo ko na kalimutan na kung anong mayroon ako sayo. Alam ko na kung sakaling hindi mo na ko makausap, hindi mo din naman mapapansin. Baka hindi na din iba sayo. Kung sakali ba, hahanapin mo ko? Gagawa ka ba ng paraan para kumustahin ako? O ako na naman si marupok na hindi ka kayang tiisin? Hayyy.... Pipigilan mo ba ko? Sasabihin mo kayang mahalaga din ako? Kaso hindi yan panigurado. Baka nga hindi mo mapansin na wala na palang CJ na nangungulit sayo. Baka maging maayos pa dahil wala na yung palaging nagtetext sayo. Baka hindi mo alintana ang hindi ko pagpaparamdam kung sakali.

Paano, ittry ko na hindi na muna mangulit. Kung sakali naman kasing kailangan mo ng kaibigan, alam kong madaming naghihintay sayo. Sana 'no, maging matagumpay ako. Sana magawa ko. Ako muna sana ngayon bago ikaw. Sana.

Hanggang sa muli marahil,
CJ 😌

For You 🖤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon