Laban Lang

7 0 0
                                    


June 6,2021

Hi Loyd!

Ang tagal na din nung huli kitang sinulatan. March pa ata yung huli. Pero kahit naman ganun, hindi ka naman nawawala sa isipan ko.

Loyd, hanggang kailan ako mag-aalala para sa kalusugan at kalagayan mo? Naman kasi eh, ang sakitin. Hayy...

Pero seryoso Loyd. Kung malapit lang ako, malamang napuntahan na kita. Malamang nadalaw na kita. Ngayon pa nga lang na sinabi mo na may sakit ka at nagpapagaling gusto kong lumipad para makasama ka. Kaso napakaimposible. Hindi mawala yung pangamba sa puso ko patungkol sa kalagayan mo.

Alam mo ba palagi kitang pinapanalangin. Palagi kong pinagdarasal na sana palagi kang samahan at gabayan ng Diyos. Hindi ko kasi magawa na maging physically present pero sana sa pamamagitan ng prayers, maipaabot ko sayo yung mga nais kong malaman mo.

May ideya ka kaya kung gaano ako nag-aalala sa'yo? Alam mo ba kung gaano kalakas ang tibok ng puso ko sa tuwing malalaman ko na hindi ka okay o may pinagdadaanan ka? Dama mo ba kung gaano ka kahalaga para sa akin?

Marahil hindi ano. Kasi alam ko na hindi lang naman ako ang humahanga at nagmamahal sa'yo. Hindi lang ako ang nananalangin para sa kaligtasan mo.

Pero sana, sana dumating ang panahon na masabi ko na minsan minahal kita. Na hindi lang pagkagusto yung naramdaman ko. Na hindi lang simpleng crush. Na malaking bahagi ng puso ko ang kinuha mo. Na nahirapan akong mag move-on sayo kahit one sided lang ang pag-ibig na nadarama ko. Siguro masasabi ko lang sayo yan kapag okay na ang puso ko. Kapag kaibigan at kuya na lang talaga ang turing ko sayo. Kapag kaya na kitang harapin at tingnan sa mga mata na walang kilig na nadarama kundi kasiyahan para sa'yo.

Loyd, alam kong gagaling ka. Hindi ka naman pababayaan ni God. Pinili ka niya at patuloy na pinipili. Laban ka lang huh. Madaming nagmamahal sa'yo. Madaming naghihintay sayo.

Gusto kong makita na masaya ka. Sana dumating ang panahon na makausap kita ng personal at mayakap. Kahit bilang isang kaibigan. Huwag mo 'ko alalahanin. Hindi mo kasalanan na minahal kita. Kahit huwag mo na isipin ang kalagayan ko, basta makita kitang okay, ayos na 'yon.

God loves you so much Loyd. Higit pa sa pagmamahal na nadarama ko sa'yo. Mag-iingat ka at please alagaan mo na sarili mo. Huwag kang masyadong pakastress. Iwasan ang pag-ooverthink.

Nag-aalala,
CJ 🤍

For You 🖤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon