Feb. 14, 2021
Hi Loyd,
Happy Valentines Day.🌹
Kumusta ka na? Sana maayos ka lang. Busy lalo ngayon hindi ba? Sunud-sunod na ang mga ginagawa at pinagkakaabalahan. Pero sana hindi mo pinapabayaan ang sarili mo. Hindi ka masyadong nagpapagapi sa emotional stress at pain. Kaya mo yan. Kakayanin mo. Ikaw pa ba.
Sa totoo lang, ang dami kong gustong sabihin. Gusto kitang tawagan, batiin at kausapin ngayon. Valentines Day naman so okay lang marahil magpakatotoo 'no? Kaso sa dami ng naglalarong salita sa isip ko wala akong mabanggit sayo. Ni hindi ko maipaalam kung gaano ka kahalaga at kaespesyal sa akin. Alam kong alam mo na iyon. Sabi mo nga noon, ramdam mo kung ano ang damdamin ko. Kaso alam mo kayang habang tumatagal mas lumalalim at tumitindi ang nararamdaman ko? Alam mo kayang minsan ko ng ipinalangin at hiniling na sana ibigay ka na lang sa akin ng Diyos?
Pero Loyd sa dulo narerealized ko na mali ako. Hindi ko dapat naisin na mawala ka sa kanya. Dahil hindi mo din naman ako magagawang mahalin panigurado. Hindi mapipilit ang pagmamahal. Hindi pwedeng ituro dahil lang gusto ng isa.
Hindi ko man masabi ng tuluyan sayo, pero sana kahit sa pamamagitan ng sulat kong ito maiparating ko sayo ang gusto kong malaman mo. Loyd, mahal kita. Minamahal kita at hindi ko alam kung kailan mawawala ang pagmamahal na mayroon ako sayo. Ikaw ba alam mo? Haha. Malamang hindi.
Sa dulo, ang aking hiling ay hindi na ang kaligayahan ko.
Makita kang masaya na tagos sa puso ang nais ko.
Gusto kitang makita na maayos at kuntento.
Walang lungkot na mamayani sa mga mata mo.Sana dumating ang panahon na kaya ko nang sabihin sa iyo.
Kaya ko nang maging totoo at ipaalam sayo,
Mahal kita yan ang nasa puso ko.
Subalit alam kong hanggang dito na lang dapat ang nararamdaman ko sayo.Sa dulo ng libro,
Walang ikaw at ako.
Walang pahina na nag-uugnay sa mayroon tayo.
Dahil sa umpisa pa lamang wala naman talagang kwento ang para sa atin ay binubuo.Loyd, gihigugma tika. Mag-iingat ka palagi. At tandaan mo din na hindi mo man ramdam, madaming nag-aalala para sayo. Madaming nagmamahal sayo.
Happy Valentines Day Loyd.
-CJ 🖤
BINABASA MO ANG
For You 🖤
General FictionMga sulat na hindi maipadala. Mga tagong damdamin na hindi masabi sa twina, Kaya't ibubulong na lang sa hangin, Ang pag-ibig na hindi kayang ipaglaban at ipakita. 🖤