V. Mr. Sunflower

10 0 0
                                    

Hi Loyd,

Happy New Year!

Ang daming nangyari nitong nakaraang buwan. Ang daming naganap. Pero masaya ko na sa dami ng nangyari, naabot mo pa din ang pangarap mo.

Ang daming beses kong iniisip ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ikaw pa din. Bago na ang taon pero hindi nagbago ang nararamdaman ko sayo. Masaya ko sa tuwing nakakausap kita kahit saglit. Masaya ko dahil kahit papaano naalala mo ang kaarawan ko. Naalala mo na gustung-gusto ko ang pagkanta mo. Ewan ko ba, marahil sa pagkanta mo naiisip ko na para sa akin iyon. Na ako ay espesyal din para sayo. Kahit bilang kaibigan.

Loyd, dadating pa kaya ang panahon na makakalimutan kita?
Dadating pa kaya ang oras na hindi na ikaw ang tinitibok ng puso?
Sana ano, mawala na itong nadarama ko.
Ayoko na kasing magmahal.
Ayoko ng masaktan at umasa.
Marahil kaya ganito 'ko dahil hindi ko talaga sinusubukan.
Hindi ko pinipilit ang sarili ko na mawala ka sa isipan.
Mas pinapakinggan ko kasi ang nais ko na makausap ka.
Makiamot ng kaunting oras na iyong maibibigay.
Na sa kaunting mensahe mo, sobrang tumatalon na ang puso ko at kinakalimutan ko na ang pangako kong ayoko na.

Loyd, tulungan mo kong maalis ka na sa puso.
Tulungan mo kong Hindi ka na mahalin.
Tulungan mo kong huwag ka na isipin.
Tulungan mo ko.

Nagmamakaawa,
CJ 🥺

For You 🖤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon