Hi Loyd,
Ayun. Pang-apat na araw na mula ng sinabi ko na kakalimutan ko na yung feelings ko. But I failed nung day 2 pa lang. Buti na lang din hindi ka nagreply sa message ko. Marahil busy o may gumugulo sa isipan mo. Dahil din dun plus 5 days ako. Pero naisip ko din okay na din yun. Marahil sa Valentines Day na lang ulit ako magpaparamdam. Para sakto sa aminan ng feelings. Para kung sakali, hindi ako mangiba magsabi sayo. O sana kapag dumating yung time na yun nabawasan na ang nararamdaman ko sayo.
Loyd, nag-aalala ko. Naalala ko yung sinabi mo na hindi ka nagsasabi ng goodbye. Kaya nag worry ako about sa my day mo na next time will be Goodbye. At yung final countdown. Hindi ko alam ang ibig sabihin nun pero sana kung anuman, okay ka lang.
Madalas akong mag-alala para sayo. Hindi ko mapigilan. Ewan ko ba.
Pero isa lang ang maipapangako ko marahil, na kahit mawala man ang espesyal na nararamdaman ko, mahalaga ka pa din.
Nandito pa din ako kapag kailangan mo.
Isang message lang.
Handa akong makinig.
Handa akong damayan ka.
Kasi mahalagang kaibigan ka pa din.
Sana maging maayos ka Loyd.
Ipagdadasal kita palagi.Nag-aalala,
CJ 🌹
BINABASA MO ANG
For You 🖤
General FictionMga sulat na hindi maipadala. Mga tagong damdamin na hindi masabi sa twina, Kaya't ibubulong na lang sa hangin, Ang pag-ibig na hindi kayang ipaglaban at ipakita. 🖤