Tinakbo na ni Czanjah ang papasok ng ospital pagkababa nya sa sinakyang taksi at tinungo ang operating room ng ospital
Naluluha syang nasalubong ang doctor na galing sa loob operating room
"doc..kamusta na po ang nanay ko!"
ang nag aalalang tanung ni Czanjah"her vital status are stable but she is in coma"
ang pahayag ng doctor sa kanyaParang binagsakan sya ng langit at lupa sa narinig mula sa doctor..
"hija...maraming dugo ang nawala sa nanay mo..kailangan na masalinan sya kaagad..
at hindi lang yun..kailangan syang maoperahan agad dahil natamong fracture nya sa kanyang binti..""doc gawin nyo po ang lahat ng inyong makakaya maligtas lang po ang aking ina.."
ang naluluhang sabi ng dalaga.."ginagawa naman namen ang lahat miss mailigtas lang ang iyong ina..sa ngayun ay kailangan mong ihanda ang malaking halaga para sa operasyon ng iyung ina."
"doc..mga magkanu po ba ang kailangan para sa operasyon ni nanay?"
"ihanda mo ang dalawang daang libo peso miss para sa agarang operasyon ng iyung ina.."
Lalong nanlumo ang si Czanjah sa malaking halaga na kanyang kakailanganin..
"sige miss..may.aasikasuhin lang akong ibang pasyente"
Tulalang tumango lang si Czanjah sa doctor..
Maya maya ay inilabas na ang kanyang ina mula sa operating room at inilipat agad ito sa ICU..
Samut saring.tubo at dextrose ang nakakabit sa kanyang ina nang kanya itong nadatnan sa loob ng ICU..
Sout ang PPE ay umupo sya sa tabi ng kanyang nakaratay na ina..
"nay..nandito napo ako...galing po ako sa school kanina..naaprubahan po ang scholarship ko inay..kalahati na lang po ng matrikula ang.babayaran naten sa school.."
lumuluhang balita nya sa inang nakaratay.."Inay..lumaban po kayo..wag nyo po akong iwan..
di ba sabi nyo na gusto nyong makita akong nakasout na itim na toga..malapit na iyun inay..kunting panahon na lang..kaya lumaban kayo inay..parang awa nyo na.."
ang iyak na iyak na pakiusap ni Czanjah sa ina.."miss di pwede magtagal dito sa loob ng ICU.."
ang bilin sa kanya ng nurse.."sige po nurse.."
at kinausap na ulet ang walang malay na ina.."inay..palakas ka ha..nasa labas lang ako..
di kita iiwan inay.."
ang bilin nya sa ina..Hinalikan nya muna ang ina sa noo bago sya tuluyang lumabas ng ICU..
Pagkalabas nya sa ICU ay agad na nagtungo sa nurse station at ipinagbilin ang ina..
kahit walang kasiguraduhan ay maghahagilap sya ng pera para sa agarang operasyon ng ina..Nawalan ng.preno ang sinasakyang taksi ng kanyang ina at sumalpok ito sa nakasalubong na sasakyan..
ayun sa pahayag ng driver ng taxi ay nakatalon daw agad siya palabas ng taxi saka inararo ang nakasalpukang kotse ang menamanehong nyang taxi..kaya sya nakaligtas
Ang kanyang ipinagtataka ay baket di man lang nila nakuha ang plate number ng kotseng nakabanggaan nila..
Marameng tanung ang nasa isip ni Czanjah ngunit di sya makapag isip ng maayos dahil sa halagang kanyang dapat malikom.upang maoperahan agad ang inang nakaratay sa ospital..Tulirong umuwe si Czanjah sa kanilang tahanan...saka pinagmamasdan ang mga kasangkapang pwede nyang ibenta upang makalikom ng pera..pero sa tingin nya ay di aabot sa ganung kalaking halaga ang kanyan malikom dahil kaunti na lang ang kasangkapan na natitira sa kanilang unuupahang bahay..

BINABASA MO ANG
My Dominant Slave
Romantizm"What are you doing Czanjah!? pakawalan mo ako dito! I'm your master!" ang singal ni Charles sa kanyang submissive habang nakatali ang kanyang mga kamay sa magkabilang dulo ng head board ng kanyang kama.. Ngunit parang bingi si Czanjah na walang na...