B-3

794 16 0
                                    

Agad akong napatalikod dahil bagong ligo siya at mukha pa siyang natutuwa

"Why don't you like the view?" pang-asar niya kaya naman ng maramdaman kong papalapit na siya ay agad ko siyang sinapak sa mukha

Di na ako nagulat na block out siya, agad ko siyang tinakpan ng kumot niya saka nagsimula maglinis ng kwarto niyang de gubat ata

"Hija nasaan si Klark kakain na kamo" saad ni maam Athena na nakaupo na sa hapag

"Pababa na po iyo-" nagulat naman kaming lahat ng sumigaw siya mula sa hagdan at umuusok ang ilong sa galit

"You do this to me right?! Right?!" sigaw niya saken kaya naman natawa ng palihim ang iba dahil sa itim na nasa mata niya ngayon

Nagulat naman ako ng bahagya ng matawa si maam at inalalayan na ang anak na maupo

"Ayan kasi ang naughty mo buti nga s-" mas lalo naman siya natawa dahil sa pagtatantraums ng anak niya

"Mom! mas kinakampihan mo na siya kesa saken tsk" napabati naman ang mga kasambahay sa biglaang pumasok

"Naughty ka naman talaga bro kung sino man sumapak sayo reregaluhan ko dahil sa tapang niya" saad nito sabay lingon sa akin

Parang unti-unti namang tumigil ang mundo dahil sa poging nilalang na nasa harapan ko ngayon

"Hijo buti naman sumakto ka sa hapunan, Let's eat na" saad ni maam sa bagong dating na pogi

Natauhan naman ako ng tapikin ako ni Yana sa balikat at tiningnan ng mapang-asar

Tinanong ko naman sino yung bagong dating at sagot naman ni Yana ay eto ang kuya ni Klark

"Di pa ba tapos ang dad mo?" tanong ni maam sa kapatid ni Klark

Nalaman ko lang ngayon ngayon lang ito dahil sa frame na kita dito sa kusina mula sa sala

"Nope mom he is still working with some papers about the new business offer"

"As always, pwede naman sabihin niya nalang ng diretso na ayaw niya tayo makasama sa kahit ano" singit ni Klark

"Klark don't talk like that to your dad"

Saway ni maam, wala naman nagawa si Klark at pinagpatuloy nalang ang pagkain

Mukhang may hidwaan sa pamilya nila ah katakot

Lumipas ang isang oras at natapos na din sila, nagpunta naman ang mag iina sa salas at nag uusap

Tumabi naman ako muli kay Yana para makasagap ng chika

"Bakit parang galit si Bakulaw sa tatay niya?" bulong ko habang naghuhugas kami ng plato

"Eh kasi sobrang cold ni sir pagdating kay ma'am, arranged marriage lang sila sis kaya ganon"

Nagulat naman ako at bahagya pang nanlaki ang mga mata. Kaya pala para kang lalamigin pag nagkatinginan kayo ni sir

"Ganon ba grabe pero infairness nagkaanak pa sila k-" natigilan naman kami ng biglang pumasok si Bakulaw at masama ang mga titig saken

"Di ka lang pala biyolente ano, chismosa ka din" saad niya at humarap sa akin matapos kumuha ng tubig

Wala naman ako naisumbat dahil misteryo na para sa akin ang history ng family nila

"Sir wag na po kayo magalit babae pa din po si Cy" di naman natinag si Klark at lumapit pa sa akin ng bahagya

"This is the last time na maririnig ko mula sa bibig mo na binabanggit mo ang pamilya ko dahil wala naman kami pake sa buhay mo kaya mind your own business" madiing saad niya at umalis na, padabog niya pang binaba ang baso

Natulala ako ng bahagya dahil ngayon ko lang talaga naramdaman ang galit niya, halo-halong emosyon ang nararamdaman ko para sa kanilang mag-ina

Matapos ang lahat ng gawain tulala naman akong naglalakad ngayon papunta sa maliit na bahay, tinawag na kasi kami ni Yana pero nauna na siya dahil gutom na gutom na daw siya

Natigilan naman ako ng makarinig ng mga mahihinang hikbi, agad ko naman sinundan ang tunog hanggang sa nakarating ako sa swing yung saan naiyak si Ma'am Athena

Agad ko naman siyang nilapitan at inalo, nagulat pa siya bahagya at nagpunas ng luha

"Oh iha ano ginagawa mo dito kakain na kayo" saad niya at ngumiti ng peke

"Eh kayo ma'am bakit po kayo naiyak dito mag-isa, may problema po ba?"

"Wala iha ano kasi, ahm death anniversary kasi ng mommy ko kaya alam mo na namimiss ko siya"

Tumango nalang ako kahit alam kong palusot lang niya iyon, di naman ako nagtagal dahil pinilit niya na ako kumain, sabay naman na kami tumayo at pumunta sa kanya-kanyang destinasyon

"Oh anak bakit parang biyernes santo yang mukha mo tsaka bakit ang tagal mo? Malamig na tuloy yung sabaw" saad ni Mama kaya naman napangiti ako ng bahagya

"Wala po ito ma tsaka nabobored lang ako tara na po kain na tayo" tumango nalang si mama at nagsimula na magdasal

Agad na din naman kami kumain at nanatili akong tahimik na kumakain habang sila ay masayang nagkwekwentuhan

Parang tinutusok ang puso ko dahil sa nalaman ko pero bakit ba ako nasasaktan para sa kanila eh bago palang naman ako dito

Tumulong naman na ako magligpit at nagprisinta na maghugas, nagulat naman ako bahagya ng biglang sumulpot si Mama

"Anak may problema ka ba? Gusto mo ba gumala ka bukas?" umiling naman ako at ngumiti sa kanya

"Wala toh ma ano, ahm namiss ko lang yung bahay natin"

"Ngii eh diba galit na galit ka nga dun sa may ari ng bahay nako talaga ako pa lokohin mo eh ako nagluwal sayo"

Natawa naman kami ni mama dahil sa kalokohan namin

"Oh siya di ko na pipilitin na magsabi ka ang akin lang sana wag mo ipunin anak mahirap iyan baka mag breakdown ka"

Tumango naman ako kay mama at niyakap siya, pinaakyat ko naman na siya pagkatapos para makapagpahinga

Sana ilabas din ni ma'am Athena yung dala-dala niya kahit di saken o sino man dito sa bahay, nakakapag-aalala baka magbreakdown siya gaya ng sabi ni mama

Hanggang sa pagtulog ko di nawala ang lungkot ng mga mata ni ma'am, kaya pala ganon ang ugali ni Bakulaw

Sana balang araw sumaya din kayo mag-ina lalo ka na Klark.....

After You Dump Me  (PDS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon