B-16

659 14 0
                                    

"Alcantara still no.1 in our deans list” plastik namang nagpalakpakan ang mga kaklase ko habang inaannounce ng adviser namin ang mga rank ng klase

Nakatulala lang ako dahil wala namang pagbabago makalipas ang pitong taon 

Matapos magbell ay agad na akong lumabas sa university

May pasok pa kasi ako 5pm-12pm kaya naman nagmadali nako papunta sa fast food na pinagtratrabauhan ko

Matagal nang pinatigil ni Tita Letty si Mama na magtrabaho sa isang company dito dahil lalo lumalala ang kanyang sakit na nakakabahala para sa amin ni Tita Letty

"Ako na bahala sa gastusin ng bata besides nagtratrabaho naman siya ng part time kaya sumunod ka nalang Delia” medyo naiinis na din si tita sa kakulitan ni Mama

"Pero Ate ayoko namang lagi nalang naasa sayo” napairap naman sa hangin si tita 

"Wala naman akong binabanggit tsaka tumutulong naman ang anak mo sa gastusin, kung di mataim ng konsensya mo ang pera na winawaldas ko ay wag ka ng mag-aalala nag-usap na kami ni Cy na kapag nakapagtrabaho na siya ibabalik din niya ang lahat ng ginastos ko sa inyo”

"Ma, please magpahinga ka nalang, malaki nako” napahinga nalang siya ng malalim at tumango

Kumindat naman si tita at nagligpit na ng hapag-kainan. Ako naman ang naghugas dahil may tatapusin pa si tita na lesson plan

Madami na akong plano para samin nila mama

Una ay mag-iipon ako para maghire ng abogado para kay papa saka ko gagamutin si mama at babayaran si tita

Nagpumilit si tita na wag na ito bayaran dahil wala naman daw siyang pag-lalaanan ng pera kundi kami lang pamilya niya pero hindi ko ito tinanggap dahil gusto ko suklian ang paghihirap ni tita sa perang tinutulong niya samin ngayon 

Masaya ako dahil tatlong taon nalang ay gagraduate na ako bilang cardiologist

Eto ang kinuha ko dahil sa puso ang implikasyon ni Mama, buti at kinaya niya noon ang nangyaring trahedya di katulad ng naging amo namin noon 

Bakasyon nanaman muli kaya naisipan ko na bisitahin si Papa at si Jane

Sumama naman sila Mama sa akin dahil matagal na din ng huli niyang dinalaw si Papa

Gusto din ni tita na magpahinga kahit saglit lang dahil naging busy din siya sa pagiging guro niya

“Pasensya na anak kung di ako makakaattend sa graduation mo” ngumiti lang ako at tumango kay papa

"Ayos lang Pa, okay nako basta masaya ka at maayos lagay mo dito” ngumiti naman siya at hinaplos ang mukha ko

"Nagpapasalamat talaga ako na may anak akong kasing bait mo” ngumiti naman ako at tiningnan ng mapang-asar si papa 

”At maganda pa” dagdag ko na ikinatawa niya

Namiss ko si papa ng sobra pero hindi dapat ako panghinaan ng loob dahil malapit nako kaya tatapusin ko na ito ng buong lakas ko 

”Cy! I missed you so much” tumatakbong saad ni Jane sabay yakap sakin. Napangiti naman ako at niyakap din siya ng mahigpit

Ngayon ko lang naramdaman na may kaibigan naman pala ako na pwede kong sandalan

Kinikilig pa din siya at nagmano kila mama. Sinama niya na kami sa van nila at dinala sa resthouse nila sa cavite

Di naman tutol ang mga magulang niya dahil mababait sila kahit na alam din nila ang nangyari 

Isang linggo lang kami dito kaya lulubusin na namin ang munting bakasyon

Mayaman sila Jane at di maipagkakaila na kaya niyang pantayan sila pero di siya kagaya ng ibang anak mayaman na mayabang at spoiled

Simple lang siya at palatulong sa mga tao 

”Nako teh may lalaitin tayo today” napalingon naman ako sa kanya. Nandito kami ngayon sa resort nila kung saan ilang kilometro lang ang layo sa kanilang resthouse

Nagkasundo agad ang parents namin lalo na sila mama kaya humiwalay na kami sa kanila

”Ano nanaman ba iyan?” natatawang saad ko at tinitigan siya

”Nandito ex ni Klark, ayun oh” saad niya sabay turo sa mestizang babae na nakaswimsuit at mukhang may photoshoot dahil sa dagsa ng tao sa parte nila

Naalarma naman ako pero naalala ko ex na pala niya ito kaya imposible na nandito siya 

”Sexy lang tsaka maputi. Mas maganda ka pa din Cy” natawa nalang ako kay Jane

Naramdaman ko na gusto niya lang pagaanin ang loob ko kaya niya nasabi yun

”Hayaan mo na nakamove-on nako” umiling naman siya at bumusangot

Pinilit niya ng pinilit ang mga katagang iyon hanggang sa nagsawa siya

Nagitla naman kami ng may biglang nagtilian sa gilid namin

Umirap naman si Jane kaya natawa ako pero natuod ako ng lumipat ang tingin ko sa paparating 

Tanging tahip lang ng aking puso ang naririnig ko na panay ang paghumarando 

Ang daming nagbago sa kanya, from his aura to his physics especially to his face. Kahit nasa malayo nakikita ko na malaki ang pinagbago niya. Natauhan ako dahil dun, di dapat kami magkita dahil di pa ako ready

Umusbong muli ang galit at sakit na matagal ko nang kinalimutan 

”Omg nandito siya Cy, what should we do” natatarantang saad ni Jane

Hinawakan ko naman siya at sumenyas na tatakas kami

Pasimple naman kaming naglakad patalikod at balak lumusot sa hotel nila saka sasakay sa sasakyan nila

Nagtext nako kila mama na mauuna na kami ni Jane sa bahay nila. Di ko namalayan na nakasakay na kami sa van nila 

Napahawak naman ako sa aking puso dahil nakatakas kami. Hinampas naman ako ni Jane at napahinga ng malalim 

”Gaga bakit tayo umalis diba dapat susupalpalin mo siya ng bitch nakab-” pinutol ko naman siya

”Ayoko nga, wala tayo sa drama Jane. Di ko pa siya kayang harapin sa ngayon gusto ko pag nagkita kami may mapapatunayan nako sa kanya’’ tinaasan naman niya ako ng kilay at ngumiwi

Bumyahe na din ang van at inuwi na kami sa resthouse nila gaya ng utos ni Jane sa driver

Nagreply naman sila mama at susunod nalang din mamaya sa resthouse nila Jane

Naalala ko nanaman ang sinabi niya sakin nung nasa hospital pa kami na nagpabago ng lahat ng aking nararamdaman sa kanya

"Prove it to me then that your father is innocent” nakangisi niyang saad 

Gusto ko siya sampalin nang panahon na iyon pero di ko magawa dahil pagod na din ako at di ko na alam kung ano iisipin noon

Kaya mas pinili ko nalang pagtuunan ng pansin si Mama at ang trahedyang nangyari sa pamilya namin 

Mag-antay ka lang malalasap mo din ang katotohanang hinahanap mo noon sa akin...

After You Dump Me  (PDS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon