B-8

646 19 0
                                    

Alam niyo na sasabihin ko, wala nanaman akong tulog dahil kay Klark

Tumatak nanaman sa utak ko ay mga kilos at salita niya saken kagabi

Bumangon na ako at naghanda papasok

Nagtataka na si Yana saken dahil di naman daw ako nagawa ng schoolworks sa gabi pero lagi akong puyat at tila wala sa sarili

Habang naliligo naalala ko nanaman ang nangayari sa ferris wheel

“Can I court you?” he uttered while looking straightly into my eyes. I was shocked and still processing what he said. Staring at him for seconds

Umiwas ako ng tingin at nag-isip kung oo ba ako o magpapakipot muna. Nagtalo muna ang puso’t- isip ko ng limang minuto saka muling hinarap siya

“S-sige, pwede mo ko ligawan pero di ko maipapangako na masasagot kita agad. Salamat dahil nagustuhan mo ko” napiyok pa ako sa huli kong sinabi at buti nalang nasa baba na kami

Agad ako kumaripas na lumabas sa ferris wheel at pinapakalma ang aking sarili dahil ramdam ko na ang mainit kong mukha at nanginginig na mga kamay

Tahimik lang kami hanggang nakauwi na kami sa mansion nila

Madalang din kami mag-iwasan ng tingin at napapangiti dahil sa kabaliwan namin

Nagtataka na din sila mama bakit nangiti ako mag-isa

Pagbaba ko ay nakita ko agad siya sa kusina, nainom ng tubig

Agad naman siya napalingon sa akin at binigyan ako ng matamis na ngiti

Natameme naman ako ng ilang segundo at inaya na siyang pumasok

Napagkasunduan na kasi namin na sasabay na ako sa kanya lagi para di na sayang sa baon at para sabay din daw kami pumasok

Dahil sa pagkagulat at halo-halong emosyon ko panay oo nalang ako kagabi kaya naman di na ako makatakas sa kanya

Pagdating sa school agad kong hinanap si Jane para di kami pagtuunan ng pansin ng mga tao sa lobby

Narinig ko naman ang munting tawa niya ng hilahin ko si Jane at tanungin ng mga kung ano-ano

“Ang weird mo ngayon Cy, may nangyari ba sa inyo ni Klark” nanlaki naman ang mata ko sa tanong niya at umiwas ng tingin

“Wa-wala nangyari samen, ikaw napaka issue mo” saad ko at pilit iniiwas ang tingin sa kanya

Natawa naman siya at tiningnan ako ng mapang-asar

“So meron nga nangyari, well spill the tea now sis” nag-aalangan naman ako na sabihin sa kanya pero dahil kinulit niya ako hanggang sa matapos ang una naming period ay sinabi ko na din ito sa kanya pagka-break namin

Gulat na gulat naman si gaga at panay hampas sa akin dahil kilig na kilig siya

“Sanaol sis, isang Klark ang napaibig” saad niya saken, pinapatigil ko naman siya dahil baka may makarinig samen

Ayoko kasi malaman ng mga tao dito dahil alam kong mamaliitin nanaman nila ako dahil sa estado namin ni Klark sa isat-isa

Natigil naman kami ng kausapin kami ng naging leader sa isang group work namin

Naghahanap kasi siya ng mga sasali para sa partido niya

Malapit na kasi ang election dito sa school for representatives ng school

“So pwede ka ba Cy for vice pres? Ako ang tatakbong pres kaya wala kang proproblemahin since we already know each other” saad niya ng nakangiti saken

Napaisip naman ako kung sasali ako

Inaaya din niya si Jane pero agad niya itong nireject dahil ayaw daw niya ng dagdag gawain

Sasagot na sana ako ng biglang pumagitna si Klark samin at masama ang tingin saming tatlo

“What are you doing?” mariing sabi niya at titig na titig sa akin

“Nagtatanong si Nyko if gusto ko ba tumakbong vice pres sa partido niya a-“ di ko na natapos ang sasabihin ko dahil pinangunahan niya na ako

“Di siya sasali because she is already busy to me so back off” nagulat naman ako pati ang mga napapadaan sa corridor

Napangisi naman si Nyko at tinitingnan akong muli

“Pero di ikaw si Cy para pangunahan mo ang desisyon niya, so Cy what can you say?” napatingin naman ako sa mga taong toh dahil di ko na din alam anong pipiliin ko

Masama ngayon ang titig saken ni Klark kaya no choice na akong pinili siya

“I’m sorry Nyko pero wala din ako time para maging representative” ngumiti naman siya at nagpasalamat pa din kahit na nireject ko ang alok niya

Umalis na din siya pagtapos nun samantala naubo naman si Jane sa gilid namin at nagpaalam na kakain nalang siya mag-isa

Pagkaharap ko kay Klark ay parang anghel na ito dahil nawala na ang maitim niyang awra kanina

Inirapan ko naman siya at umuna na sa cafeteria

Lalong naglakasan ang bulungan at nang habulin ako ni Klark sa cafeteria at hinawakan ang kamay ko

Nilakihan ko naman siya ng mata pero tumawa lang siya at pumila na kami

Panay irap lang ang mga alipores ni inggitera at umalis nalang sa cafeteria

Samantala panay tingin ang mga tao sa amin at bulungan ng bulungan

Nang makuha na namin ang pagkain namin humanap na kami ng mauupuan at nilapag na ang pagkain ngunit di pa ako nakakaupo ay hinarap niya ako sa kupon ng tao at inanunsyo na official niya na akong nililigawan kaya naman wala ng makakapang- lait sa akin at wala na dapat magsusubok na manligaw sa akin bukod sa kanya

“So please my mates be kind to my future girlfriend or else you know that already” banta niya kaya naman natawa nalang lahat at binati kami

Madami din nag sanaol at syempre mga nainggit dahil sino ba naman ako para magustuhan ni Klark diba

Lumipas ang ilang buwan niyang panliligaw ay lalo lang akong nahuhulog sa kanya

Alam na din nila mama at papa na nais manligaw ni Klark

Nagulat ang lahat at di na nagtaka si Yana dahil pansin naman niya sa mga kilos ko ang mga kaganapan namin ni Klark

Wala namang sinabi ang Dad ni Klark kaya naman medyo nakakalungkot lang

Di nalang namin pinansin iyon dahil sabi din ni Ma’am Athena na hayaan nalang dahil boto naman daw sila ni Kuya ni Klark kaya naman maging masaya nalang daw kami at ipriority pa din ang pag-aaral dahil iyon ang pinaka importante sa lahat

Di ko namalayan isang taon na siyang nanliligaw at balak ko siyang sagutin sa G12 namin kaya naman excited na ako sa pagtatapos ng aming G11

Naging maganda ang pagsasama namin dahil pareho kaming with honors kada sem at laging napupuri ng mga dean ng aming school

Lagi din nila kaming kinakantsaw na sagutin ko na si Klark dahil baka mapagod na daw ito kakaligaw saken

Natatawa nalang kami ni Klark pero kahit kailan di niya ako pinilit na sagutin siya kaya naman lalo akong nahuhulog sa kanya dahil masasabi kong worth it siyang mahalin kahit na di maganda ang naging umpisa namin

Sana siya na ang tamang tao para sa akin. Nawa’y dinggin niyo ako panginoon...

After You Dump Me  (PDS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon