B-12

631 17 0
                                    

“Congrats sa inyo Cy and Klark” saad ni Jane at niyakap ako. Graduation na namin ngayon ng senior at masaya kami dahil sa wakas mag-college na din kami 

“Congrats din sa iyo Jane sana magkajowa ka na din” natawa naman kami dalawa at nagpaalam na din sa isa’t-isa 

Ngumiti naman ako nang makita si Klark sa alon ng madaming tao. Nangingibabaw talaga ang kagwapuhan niya lalo na nakasuot siya ngayon ng suit na mas lalong nagpapakita ng kanyang kakisigan 

“Hey babe, where’s Jane?” saad niya ng tuluyan nang nakalapit sakin. Natauhan naman ako sa pagpapantasiya sa kanya

“Nauna na kasi may dinner daw na ihinanda ang parents niya for her” tumango naman siya at hinapit ang bewang ko papalapit sa kanya

”Congrats” he whispered to me na nagkiliti saking tenga. Lalo akong nanginig ng halikan niya ko sa pisngi at ngumiti. Binati ko din siya at sakto nakita na din kami nila tita at mama

Binati nila kaming lahat at niyakap. Inaya na din nila kami na umuwi dahil naghanda si Kuya Keifer ng maliit na celebration. As usual wala ang dad ni Klark ngunit isinawalang bahala nalang nila ito at piniling magsaya

“Anong plano niyong kunin sa college” pagbasag ni tita ng katahimikan sa kotse. Napatingin naman silang lahat sa aming dalawa ni Klark 

”Balak ko pong mag Doctor tita” saad ko na nagpagulat sa kanilang lahat 

”Are you sure hija?” Matagal pa bago ka matapos” pag-aalalang saad niya

“Ayos lang po matagal ko na din pong napag-isipan na yun ang kunin” napaupo nalang ng maayos si tita at nag-aaalalang tiningnan si Klark 

“Mom, don’t worry I will wait naman kay Cy. Ayoko pangunahan mga desisyon niya” ngumiti naman si tita at tinapik ang anak 

“Ikaw hijo anong balak mong kunin?” napalingon naman kami kay papa na nanatili lang ang tingin sa daan 

“Business Management po tito” napatango naman silang lahat sa kanya

“That’s good bro. Di ako makapag-asawa dahil walang ibang katulong sa company” birong saad ni Kuya Keifer na nagpatawa sa amin. Hanggang ngayon di makapag-asawa si kuya dahil sa dami ng gawain sa kanilang kumpanya 

“Nandito na po tayo” saad ni papa at pinark na ang kotse. Bumaba na kami lahat at pumasok sa mansyon

Naka-abang naman sila Yana sa amin at nakangiti ng malaki

”Congrats po sa inyo” pagbati samin ng lahat. Pinasalamatan naman namin sila at humayo na sa garden kung saan nakahain na ang pagkain at mga designs. May karatula din na nakalagay na Congratulations

”We forgot to take some pictures” paalala nila tita kaya naman inayos nila kami sa gitna ng designs at kinuhaan ng litrato 

Nagpicture din kami kasama ang aming pamilya hanggang sa lahat na kami ay nagpicture

Masaya kaming lahat habang nagkwekwentuhan sa hapag. Panay ngiti at kantyawan ang aming mga kasama habang kami ni Klark ay panay ngitian lang sa isa’t-isa 

“Where do you want to study?” pagsimula ni Klark ng usapan. Nilingon ko naman siya at sinagot

"Di ko pa alam ikaw ba?” napaisip din siya at ngumiti. Hinarap niya naman ako ng nakangisi 

"Kung saan ka dun din ako” napa-irap naman ako dahil nagsisimula nanaman siya

”Ang landi mo nanaman” ngumisi lang siya at kinindatan ako 

Natigil naman kaming lahat nang biglang pumasok ang Dad ni Klark at dire-diretsong pumunta kay Tita. Kitang kita sa kanyang mata ang paninibugho at galit

Nagulat ang lahat ng sampalin niya ito at dinuro-duro

”You selfish whore, how dare you cheat on me?!” sigaw niya kay Tita na napapaluha na ngayon dahil sa lakas ng sampal ni Tito sa kanya. Pumagitna naman sila Klark sa kanila

“Dad, please enough nasasaktan si Mama!” sigaw ni Kuya Keifer sa kanya pero sinamaan lang niya ito ng tingin 

“Sige magkampihan kayo! Alam ko naman na alam niyo na pinaggagawa ng Mama niyo sakin” 

“What is it Mom? What’s happening?” nag-aalalang tanong ni Klark sa Mama niya

”Di kita pinagtaksilan Leandro! Ikaw ang unang sumira ng pamilya natin” sigaw ni Tita Athena at ngayon siya naman ang sumampal kay Tito. Nanatili ang mga nagbabagang titigan nila sa isa’t-isa

“Akala ko matututunan kitang mahalin pero dahil sa ginawa mo lalo lang akong pinalayo sayo! Masakit yung pagsasama natin Leandro. Kala mo ikaw lang nahihirapan? Ako din punyeta! nagpakatanga ako ng ilang taon sayo lalo na nung nabuntis mo ko kay Keifer” naiiyak na saad ni Tita. Napaupo naman siya sa sahig dahil sa panghihina

“Paghihiganti ko lang yan sayo dahil nagkikita pa din kayo ng gagong yon!” aamba sanang saktan ni Tito si Tita pero agad siyang napatumba dahil sinapak siya ni Klark

“How dare you Dad! All this time you didn’t cared for Mom” masama ang titig ng mag-ama sa isa’t-isa. Agad namang nilayo ni Kuya Keifer si Klark sa kanilang ama

Nilingon naman kami ni Kuya Keifer at sumenyas na umalis na muna sa garden

Binuhat ni papa si tita at dinala sa kanyang kwarto kasunod sila mama at manang. Inalalayan ko din si Klark nang bitawan siya ng kuya niya at nilapitan ang papa niya

Hinawi naman ng papa nila ang kamay ni Kuya Keifer at umalis. Napabuntong hininga naman silang dalawa at sumunod na kami sa taas. 

Pinupunasan nila mama si tita habang nawalan ito ng malay. Tumawag naman ng doctor si papa upang patingnan si Tita Athena

Nanatili lang tulala ang dalawang magkapatid at malalim ang iniisip. Niyakap ko nalang si Klark na ilang segundo lang ay naiyak na ito. Tinapik ko ang kanyang likod at inalo-alo 

Tumayo naman ang kanyang kuya ng dumating ang doctor. Tinuro niya kung nasaan si Tita

Panay lakad ang magkapatid habang inaantay ang doctor na matapos sa pag-check kay tita

Lahat kami ay kabado lalo na at may implekasyon siya sa kanyang puso 

Ilang minuto pa ang lumipas ay nakalabas na din ang doctor na may malungkot na mukha 

“Mrs. Athena is still unconscious dahil sa shock sa nangyari but I estimate that she will wake later or tomorrow. She needs lots of rest dahil mahina ang tibok ng kanyang puso” nakahinga naman kami ng maluwag sa balita ng doctor

“Ang maipapayo ko lang ay wag muna siya magtrabaho for now dahil pagod siya physically and mentally” tumango naman kami lahat at pinasalamatan si Doc

Nauna nang pumasok ang magkapatid sa kwarto

Bumaba naman na kami upang bigyan sila ng privacy mag-iina

Umakyat na ako sa aking kwarto dahil sa utos ni Mama na magpahinga na dahil napagod ako buong araw dahil sa nangyari

Buong gabi lang akong nakatulala sa kisame at iniisip ang kalagayan ni tita lalo na si Klark...

After You Dump Me  (PDS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon