B-5

711 19 0
                                    

Lumipas na ang ilang buwan ng mangyari ang himala kay Klark

Ganon pa din kami laging aso't pusa kung mag away

Pero madalas kalmado na siya at mukhang nagbabago na

Lagi din ako nabubully ng mga hipon na lagi naaligid sa kanya pero di naman ako nagpapatalo kaya lalo sila naiinis saken hanggang ngayon

Unang bully nila yung nasa cr kami ni Jane

"Sino ka ba at lagi ka nalang nakabuntot sa Klark ko!?" sigaw ng haliparot saken kaya naman nasakal ko siya at diniin sa pader

"Di ko alam ang sinasabi mo at kung nagseselos ka bakit di mo komprontahin yang Klark mo para naman di ka nangsusugod ng walang dahilan"

Binitawan ko naman siya at agad siyang tinulungan ng mga alipores niya

"Di pa tayo tapos bitch humanda ka saken"

"Di ako natatakot sayo gusto mo ikaw pa paghandain ko eh"

Irita naman siyang umalis kaya naman inayos ko na din ang sarili ko

Inalo naman ako ni Jane at sinabi ko ayos lang ako, namangha naman siya dahil sa ginawa ko

Di lang dun natapos ang mga pambubully nila saken, meron pa napunan nila ako ng pintura sa pinto ng canteen, meron din tinapon nila P.E uniform ko pero walang epekto sa akin yan

Pinagagalitan naman sila ni Klark pero di pa din sila natigil hanggang sa napuno na talaga ako kaya naman nasapak ko siya sa gitna ng quadrangle

Madaming tao nakakita nun at as usual pinatawag mga magulang namin

Nabigyan naman kami pareho ng warning kaya naman simula nun di na din siya masyadong nakakabully sa akin

Madalas tinutulungan ako ni Klark pero mas marami ang nanonood lang siya hanggang sa inamin na niya na maid niya lang ako at di dapat nila ako pakialaman dahil wala naman kaming ugnayan sa isat isa

Iwas din kami sa isat isa at palihim lang siya kung mag utos sa akin o kaya naman kapag tutulungan niya ako

Mas lalo kasi lalaki yung issue kapag lagi niya ako tutulungan sa madaming tao

Last period na namin ngayon kaya naman antok na kaming lahat samantala si Jane sobrang active kasi yung teacher namin na last period bagong graduate at sobrang pogi

Lumipas ang ilang minuto nag ring na din ang bell at agad ko na tinapos ang pagliligpit

"Cy may gagawin ka? Tara kain tayo sa samgyupsal libre ko"

Napasimangot naman siya ng umiling ako

"Bukas nalang Jane kasi may importanteng bisita sila Klark mamaya kailangan ko tulungan sila mama"

Napatango nalang siya at nag sabay nalang kaming lumabas

Dahil sa mga bully mas pinili ko nalang na mag commute pagpasok at pag uwi

Di nga payag sila ma'am at papa pero wala na silang nagawa sa desisyon ko

Pagdating ko sa mansion sobrang busy na ng mga tao

Tinabi ko lang saglit ang bag ko saka tumulong na kila manang

"Bakit po andaming ulam na niluluto?" tanong ko kila mama

"Anak importante daw kasi yung bisita"

Tumango nalang ako at inayos na ang table nila

Saktong 7 dumating na din ang bisita pero wala pa din daw si Klark, tinatanong na nga sakin nila tita pero di ko sure kung may training sa basketball

After You Dump Me  (PDS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon