B-18

681 14 0
                                    

Dumaan muna kami sa bilangguan ni Papa bago dumiretso sa bagong bahay saka binigay ko na din ang mga pasalubong namin sa kanya

“Congrats Anak, proud na proud ako sayo” saad ni Papa at niyakap ako. Niyakap ko naman siya pabalik at pinangakuan na gagawin ko ang lahat para makalaya siya

Nagpatuloy kami sa byahe kaya naman nakatulog ako ulit sa tabi ni Mama

“Anak gising nandito na tayo” naalimpungatan naman ako at tinanggal ang aking earphones

Napainat naman ako dahil sa tagal ng pagkakaupo sa byahe

Huminga naman ako ng maluwag at tiningnan ang labas ng bagong bahay

Kulay Brown ang labas nito. Sakto lang din para saming tatlo nila Mama, may maliit itong garden sa likod at isang paradahan ng saksakyan

Tumulong naman ako sa pagbaba ng mga gamit at dinala iyon sa salas ng bahay

Kulay brown din ang loob nito at mga tatlong kwarto sa taas

Tama lang din ang laki ng sala at kusina

May tatlong banyo sa taas at isa sa baba

”Cy, ayusin mo na yung kwarto mo dun kami na bahala dito nila Manong Nelson” saad ni tita at pinaakyat nako dala ang mga gamit ko

Tumango nalang ako at pinili ang dulong kwarto 

Sakto lang ang laki nito at kulay brown din ang sahig samantala beige naman ang dingding nito

Meron na din itong single bed at maliit na kabinet na may nakapatong na lampshade

Napangiti naman ako dahil madidikit ko dito ang mga posters ko at mas maayos ko ang mga merch ko sa mga iniistan ko na kpop group 

Ilang oras ang lumipas ay natapos na din ako sa pagdidisenyo ng kwarto ko. Malaki ang ngiti ko habang tinititigan ang mga posters at albums ko na nakaayos na ngayon

Nagitla naman ako ng may kumatok sa pinto at niluwa nito si mama

“Kain na tayo Cy” tumango naman ako at sumunod na sa kanya

Namangha naman ako sa baba dahil mas nagmukha na itong bahay dahil sa mga gamit namin na nakaayos na ngayon sa kanilang mga posisyon

Napangiti ako ng malaki nang maamoy ang masarap na Sinigang at Sisig na niluto ni tita 

Masaya kaming nagkwekwentuhan habang kumakain nang may biglang pumasok mula sa pinto

Napangiti naman ako ng malaki ng makita si Jane. Ganon din siya sakin at yumakap 

”Omg girl I missed you so much aack!” tili saka yakap muli sakin. Tinawanan naman kami nila mama at inaya namin siya kumain 

Nagpasalamat naman siya at sumabay na din samin kumain. Binuksan naman niya ang dalang box na laman pala ay cake

Pinasalamatan naman namin siya sa kanyang dala at kumain na

Binigay ko na din mga pasalubong ko para sa kanya kaya naman nagpasalamat din siya

Dito matutulog si Jane ngayon kaya naman nakahiga na siya sa kama ko habang tinitingnan ang mga album ko ng Stray Kids ng basagin niya ang katahimikan sa pagitan namin 

“San mo balak mag-apply?” tanong niya kaya binaling ko ang tingin ko sa kanya

“Di ko pa alam ikaw ba” ngumiti naman siya ng malapad at hinawakan ang braso ko 

”Sabay na tayo bukas. Kilala ni Mommy yung may-ari kaya makakapasok tayo agad” napakunot naman ang kilay ko dahil baka tanggapin lang kami sa ganong dahilan 

After You Dump Me  (PDS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon