잠깐 떠나간다 해도
결국 다시 찾게 될
열기가 식지 않는 메뉴 지금부터 싹 다
입맛에다 때려 박아
Du du du du du du이게 우리 탕 탕 탕탕
Du du du du du du
이게 우리 탕 탕 탕탕"Hello?" naalipungatan naman ako dahil sa maingay kong cellphone na kanina pa ring ng ring
"Woi Gretchen ano na duty mo na magmadali ka na galit nanaman si Sir Lopez sayo"
Napabangon naman ako kaagad at tiningnan ang oras, muntikan ko pang mabato ang cellphone ko dahil malapit na ang operasyon ng pasyente ko at late na ako
Agad naman na ako nagpaalam kay Jane at nagpunta na ng banyo, mabilis lang din akong natapos dahil sa pagmamadali
Meron pa akong 45minutes kaya naman agad na akong nagprito ng itlog at kumain
Nagitla naman ako ng mag ring ulit ang cellphone ko
"Magpasalamat ka sa Diyos malalate daw pasyente mo" napalunok naman ako ng aking kinakain at nagpasalamat dahil sa balita ni Jane
"Bakit daw" saad ko at sumubo na muli ng pagkain
"May nilalakad daw na papeles kaya bilisan mo na jan dahil galit pa din si Sir sayo"
Pinatay ko naman na ang tawag at nagligpit na muna ng pinagkainan
Matapos magligpit ay agad na akong umakyat muli at sinuot na ang sapatos ko
Pagkalabas ko ng gate nakita ko naman si manong sorbetero na lagi na-ikot sa subdivision
"Magandang umaga po" ngumiti naman ako sa kanya at ganon din siya
Ngunit agad naman akong napatakbo sa kanya ng bigla siyang matumba at mawalan ng malay
"Manong gumising po kayo ayos lang po ba kayo?" chineck ko naman kaagad ang pulso niya at binuhat na sa abot ng aking makakaya
Binilin ko naman sa kapitbahay ko ang paninda ni manong, tumango naman siya at tinulungan na din akong isakay si manong
Tinawagan ko naman si Jane at nagpahanda sa emergency, nataranta din siya kaya naman narinig ko pa ang pag sigaw niya mula sa kabilang linya
"Manong kapit lang nakakainis kasi ang traffic talaga" kinakabahan na ako sa upuan ko habang inaantay ang go sign
Pinaharurot ko na agad ang sasakyan at ilang minuto pa ang nakalipas ay nakarating na kami
Agad ko naman tinawag ang mga pina ready ni Jane at pinaalalayan na si manong
"Anong nangyari sa kanya Cy?" tanong ni Jane habang sabay kaming natakbo sa emergency
"Bigla nalang siyang nahimatay eh di ko alam bakit"
"Tara na mamaya na tayo mag usap"
Agad naman na namin ginawa ang dapat gawin at ilang minuto pa ang lumipas ay natapos na din
Mahimbing pa din ang tulog niya kaya naman kahit labag sa kalooban ko ay hinanap ko ang contacts niya at nakita ang number ng anak niya
Agad ko naman itong tinawagan at salamat sa diyos ay sumagot ito kaagad
"Hello Papa" saad ng lalaking binata sa kabilang linya
"Hello Sir this is Dr. Cyril please visit your father who is in our hospital, sasabihin ko sayo mamaya bakit siya nandito"
"Ano po nangyari sige po maraming salamat doktora" nagpaalam na din ako at binaba na ang cellphone niya
Nagulat naman ako dahil gising na si manong
"Salamat dok at pasensya na naabala pa kita"
"Nako wala po iyon ginagawa ko lang po ang trabaho ko" ngumiti naman siya at napapikit ng muli
Binantayan ko naman siya ng ilang minuto saka dumating ang anak niya
Agad naman niyang niyakap si manong at kinamusta ang kalagayan nito
Papa ikaw ba kamusta ka na po jan?
"Dok salamat po sa pagdala sa papa ko dito utang na loob po namin sa inyo buhay ni Papa"
"Ginagawa ko lang ang trabaho ko beh tsaka wag muna kayo umalis aantayin pa natin yung results o-" naputol naman ako ng may biglang pumasok
"How is he doing Felix?" tanong niya sa lalaking anak ni manong
Unti-unti naman akong humarap sa lalaking bagong dating, ganon din naman siya at natigilan din sa pagsasalita
At tama nga ako ng aking hinala
makalipas ang ilang taon ngayon ko lang muli nakita ang matagal ko ng pilit kinakalimutan mula sa nakaraan
Dahil sa pamilya niya nakulong ang Papa ko at lalong lumala ang sakit ng Mama ko
Puro paghihirap at sakit ang dinanas ko bago makamit ang natatamasa ko ngayon dahil sa sayo
Klark Merlinton......
BINABASA MO ANG
After You Dump Me (PDS#3)
Storie d'amoreCyril Gretchen Alcantara is a doctor that always saves many lives but she is not still satisfied because of her father who is wrongly accused in a case of murder and been in jail for years, meanwhile her mother got a serious illness that's why she p...