B-17

647 13 0
                                    

”Elaborate the cardiovascular conditions in 10secs” saad ng Prof namin kaya naman agad ako nagtaas ng kamay at nirecite ang kanyang hinihingi 

“Very good Ms. Alcantara, Okay class dismiss” saad ng Prof namin kaya naman nagpaalam na din kami at nagsitayuan na 

Two years nalang at gagraduate nako. Nagsimula na din ako magvolunteer sa mga health centers para mas mabihasa na ang experience ko bago sumabak sa totoong hospital 

Masaya na kami sa simpleng buhay na natatamasa namin ngayon ni Mama kahit na di na kami kumpleto kagaya ng dati natutunan na din namin na masanay at patuloy na mabuhay ng masaya

“Cyril kamusta ang Mama mo?” untad ni Jane sa video call, kagaya ko ay patapos na din siya sa doctrate course niya at surgeon ang napili niyang major samantalang minor naman niya ang cardio 

“Chinecheck ko siya lagi at mukhang nag-iimprove na si Mama. Siguro pag naoperahan na siya mawawala na yung sakit niya” tumango naman siya sa kabilang linya at uminom ng softdrinks

“Mabuti naman kung ganon. By the way my boyfriend ka na ba?” natatawang saad niya at tinaasan ako ng kilay 

Umiling naman ako bilang sagot at tinanong din siya tungkol doon 

”Wala din syempre. Loyal nako sa mga asawa ko sa korea kaya saka na’’ tinawanan ko naman siya at tinitigan matapos ko maayos ang aking mga libro 

“Di ka pa din ba nakakamove-on?” nakataas na kilay na saad niya, tinawanan ko naman siya

“Malamang nakamove-on na. Magsasampung-taon na ang nakalipas” tumango-tango naman siya at uminom ulit ng softdrinks 

“Naninigurado lang baka kasi di ka pa din nakakamove-on’’ inirapan ko naman siya at nagpaalam na sa kanya

Handa na akong harapin siya kung sakali magkita kami sa maynila. Lilipat kami dun pagkatapos ko sa pag-aaral para mapagamot si  Mama at mabisita na din lagi si Papa

Dahil nabanggit siya ni Jane saka ko lang naaalala siya

Wala na akong balita sa kanya makalipas ang aksidenteng pagkakita ko sa kanya sa resort nila Jane sa cavite 

Bumuntong-hininga nalang ako at bumaba na para tulungan sila tita na maghain ng pagkain

Lumipas ang dalawang taon ay araw na din ng graduation ko

Sobrang saya ko dahil sa wakas

“I would like to call our Summa Cumlaude Ms. Cyril Gretchen Alcantara to give us some inspirational speech for her batch” nagpalakpakan naman ang lahat matapos sabihin ng MC ang kaniyang paunlak

Huminga naman ako ng malalim at ngumiti sa lahat bago hinawakan ang mic para magspeech

“Una sa lahat magandang hapon po sa lahat nang naririto. Iiklian ko lang po ang aking sasabihin dahil alam ko naman na lahat ngayon na naririto ay masaya at maraming natutunan makalipas ang 10yrs na pag-aaral” paunang salita ko at humingang muli 

“Nais ko po pasalamatan lahat ng mga magulang at guro na umagapay samin makalipas ang isang dekada na pagpupursigi para maging isang doktor” 

“Higit sa lahat nais ko pong palakpakan ang lahat dahil sa wakas natapos na din. Matapos ang pagsisikap, pagpapagod at pagsusunog ng kilay naabot na din natin kaya tama lang na palakpakan natin ang ating mga sarili at bigyan ng regalo’’

“Nawa’y maging instrumento tayo sa lahat ng patuloy pang inaabot sa kanilang mga pangarap na matatapos din siya basta patuloy lang sa buhay at laging manalig sa itaas’’ 

Ngumiti naman ako at nag-bow sa madla

Nagpalakpakan naman silang lahat at hinagis ang aming mga sumbrero ng toga

Niyakap naman ako nila tita Letty at binati. Binati din ako ng mga kaklase ko pati mga Prof namin bago kami nakaalis sa venue 

Tumawag naman agad si Jane at pinakita din ang kaniyang sarili na graduate na din siya

Nagtilian naman kami sa video call at nagvirtual hug. Sa linggo pa kasi kami lilipat sa maynila kaya naman sa video call muna kami nagbatian 

Naplanuhan na din ni tita Letty na dun na tumira kasama namin at paupahan nalang ang bahay namin sa Aurora bilang dagdag kita para sa gastusin sa bahay 

Dumiretso kami sa isang mamahaling restaurant at nagcelebrate. Di na napigilan ni Mama si Tita na gumastos dahil minsan lang daw ako grumaduate at Summa Cum Laude pa

Masaya kaming nagkwekwentuhan at naisipan ding mamasyal bago namin lisanin ang Aurora

Linggo na ngayon kaya naman unti-unti na kaming nag-impake para sa paglipat namin sa maynila

Nakapag-arkila naman agad si Tita ng truck at isang van para sa sasakyan namin pabyahe pamaynila

Napapatitig naman ako sa mga libro ko at mga research papers nang may bilang bilog na bagay ang nalaglag mula sa lumang aparador sa harapan ko 

Kinuha ko naman ito at tinitigan, napasimangot naman ako ng maalala ko kung ano ang kahulugan ng bagay na ito 

Ang matchy rings namin ni Klark 

Ganon pa din ang itsura nito ngunit may kaunting kalawang na lalo na sa gilid nito dahil sa tagal ng pagkakatago nito

Pinunasan ko ito gamit ang basahan at pinatong saglit sa aking lamesa

Nilagay ko na sa box ang mga kagamitan ko nung college saka bumaba para mailagay sa truck. Naabutan ko namang nag-uusap sila Mama kasama ang Driver ng truck 

Matapos mailagay ang lahat ng gamit ko sa van ay binalikan ko muli ang singsing at nilagay sa slingbag ko 

”San ka pupunta anak?” saad ni Mama sakin nang mapansin niya na palabas ako ng gate 

”May ipapaayos lang po sa pagawaan ng alahas” nagtaka naman siya pero tumango nalang

”Sige mag-iingat ka bumalik ka dito bago mag alas-singko” tumango naman ako at agad nang umalis

Sumakay naman ako ng tricycle at tinuro ang daan

”Ilang taon na ito sayo hija?” tanong ng mang-aalahas. Sinagot ko naman siya kaya tumango ito

”Isang dekada na pala. Pero maayos ko pa ito, kalawang lang naman tsaka unting gasgas. Siguro mga alas-kwatro ay pwede mo ng balikan” nagpasalamat naman ako at nagpaalam na muna saglit

Naisipan ko nalang na mag-ikot sa bayan habang inaantay na maayos iyon

Di ko alam bakit naisipan kong ipaayos iyon kahit na masakit ang mga ala-ala ng singsing na iyon

Napabuntong-hininga nalang ako at winili ang aking sarili sa mga binebenta sa bayan 

Naisipan ko na bigyan ng pasalubong si Jane bilang pasasalamat sa lahat ng naitulong niya

Di ko namalayan ang oras kaya naman nagmadali nakong maghanap ng tricycle pauwi

Madami ako nabili dahil mura lang ang benta nila at meron pang maramihan 

”Maraming salamat po” paalam ko sa mang-aalahas. Ngumiti siya sakin at nagpasalamat din 

”Ang dami mong pinamili para kay Jane ba yan?” tanong ni Mama habang papasakay palang sa van. Nilock naman na ni tita ang bahay saka sumakay na din sa sasakayan

”Meron di po para kay Papa’’ napangiti naman si Mama at tinulungan akong iayos ang pinamili ko sa sasakyan 

”Oo nga pala ang iyong papa. Nakalimutan kong mamili sa bayan dahil naabala ako sa pag-iimpake” nginitian ko lang si Mama at hinawakan ang kamay niya

”Ayos lang iyon Ma ang mahalaga lagi na natin mabibisita si Papa’’ tumango naman siya at sakto pumasok na din si tita at umandar na ang sasakyan 

Sinuot ko naman ang earphones ko at nakinig ng Stray Kids at Got7 songs

See you soon manila…

After You Dump Me  (PDS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon